Book2-AMChap6

663 26 5
                                    

Vince POV

Medyo maaga akong umuwi galing opisina pero bitbit ko pa din ang mga kailangan kong gawin...wala si Bea sa bahay e...Nagtext siya sakin kanina na kailangan niyang pumunta sa bahay ng parents niya kasi kailangan daw siyang kausapin ng daddy niya...Dahil sa medyo mainit pinili kong sa may living room magtrabaho mas presko kasi dun..

Tulog na malamang sina Jaymie at Jaina...kasi wala ng maingay si Jayden kanina naglalaro sa labas e...Niyayaya niya pa nga ako..pero tumanggi ako kasi sabi ko may kailangan akong tapusin..alam ko medyo nawawalan na ako ng oras para makalaro man lang ang panganay ko..Kita ko nga kanina parang nagtampo pa siya e..pero sinabi ko na kailangan ko kasing tapusin ang mga trabahong ito..

Abala ako sa pagtitingin ng papel nung biglang may natapon sa ginagawa kong trabaho..pag lingon ko nakita ko si Jayden na hawak hawak ang baso ng naglalaman ng juice na siyang natapon sa ginagawa ..ewan ko ba..basta parang nag init ang ulo ko...kasi stress na stress na ako tapos madarag dagan pa...

Jayden: Tatay..sorry po..

*sabi niya..pero hindi ko na naisip ang nangyari..hinaltak ko siya at pinalo ng pinalo sa may pang upo niya...gamit ang tsinelas ko.
...Tinuloy ko ang pag palo ko sa kabila ng pag iyak niya at pag hingi ng tawad..Ito yung unang beses na napag buhatan ko siya ng kamay...

Malamang rinig kami ni Mommy kaya nakita ko na nasa may gilid ko siya at inaawat ako ...Pero ewan ko..basta patuloy kong pinapalo si Jayden...malakas na ang iyak niya maging ang pag awat ni Mommy..hanggang sa..

Bea: Jake..tama na..

*sabi ni Bea sabay kuha kay Jayden..umiiyak naman na yumakap si Jayden sa kanya.....na tila nangangatal sa takot sakin..

Jake: hindi...akin na siya..kailangan maturuan ng leksyon ang batang yan..

Bea: sa pamamagitan ng pananakit,?Jake..kelan ka pa nagsimulang manakit sa anak mo..

*kita ako ang galit sa mukha ni Bea....siya ang tipo kasi ng Nanay na kung pwede lang na saluhin niya lahat ng sakit ginawa na niya....Wag lang masaktan ni masaling ang anak niya...kasi siya na din ang nagsabi sakin na doble pa nun ang sakit na mararamdaman niya..

Jake: kailangan yan Bea...para malaman niya na mali ang ginawa niya..

Bea: hindi..kahit kailan hindi naging tama ang manakit...Pwede mo naman siyang kausapin..He's old enough to understand.....Pero hindi ganito...Bakit kailangan mong saktan ang sarili mong anak...

Jake: Bea...may kasalanan siya...tinapunan niya ng juice ang trabaho na ginagawa ko...
Alam mo na sobra ko ng daming iniisip...ang dami kong trabaho...tapos yan pa.

Bea: dahil lang dun...kailangan mong pagbuhatan ng kamay ang anak mo..hindi mo ba naisip na sa ginawa mo...hindi lang trabaho ang daragdag sa yo...kundi ang sama ng loob ng anak mo..

*hindi na ako nakaimik.kasi parang nasukol niya ako dun..parang ngayon kinakain ako ng sarili kong konsensya..lalo pa at kita ko na bukod sa naiyak na si Jayden namumula na ang braso niya na mahigpit kong hawak hawak kanina..

Bea: Ma...akyat ko muna po si Jayden sa taas..

*bigay paalam niya kay Mommy...sabay hawak kay Jayden at inalalayang makaakyat sa taas ng bahay... ano ba itong nagawa ko...hindi na ako ito...

Mommy: ayoko sanang makialam..pero sa tingin ko ay hindi tama na pinag buhatan mo siya ng kamay anak...

Jake: Ma..gusto ko lang naman po siyang disiplinahin.

Mommy: oo na..andun na ako anak..pero kanina habang pinapalo mo si Jayden..dinig ko hindi lang iyak at pag hingi nya ng tawad...kundi maging ang pagsasabi niya na hindi niya sinasadya...

Arranged Marriage With Mr. Heart Breaker - JhaBea FanFicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon