Dianne's POV
Andito ako ngayon sa school kung saan ako nag aaral...I am now on my 2nd year in Ateneo...Dahil na rin sa kagustuhan ng nagpapaaral sakin napilitan akong kunin ang kursong Business Management...dahil balang araw daw ako na ang mamamahala ng negosyo nila...Bunsod na rin ng pagtanaw ng utang na loob ko sa kanila at ayaw ko silang biguin sinunod ko sila kesa kunin ang kursong Journalism na pinangarap ko noon pa man..
Labing Pito na taong gulang na ako..at un din ang bilang ng taon mula nung kinupkop ako ng kinikilala kong magulang..Pero hindi din naman sila iba...Kapatid ng totoo kong Tatay na si Carlos ang Daddy Conrad ko na isang successful na business man...Isa namang dating beauty queen ang kinikilala kong ina na si Mommy Dianna....
Hindi pinalad na magkaanak ni Daddy kaya hiniling nila sa Papa ko kung maaring ibigay na lang ako sa kanila..Hindi naman din nagdalawang isip ang Papa ko na ibigay ako sa kanila dahil bukod sa marami siyang utang sa mga ito ay napakarami na din naming magkakapatid...bali pang apat ako sa anim nilang anak....Hindi naman din tumutol ang aking ina na si Czarina...dahil ayon kay Mommy..nasa tiyan pa lang ako e talagang ninais na ni Mama na ibigay ako sa kanila dahil sa pag iisip ng hirap ng buhay...
Sa totoo lang..kasalanan man isipin pero nagpapasalamat pa ako na ipinamigay nila ako...
Kasi ni minsan hindi pinaramdam sakin nina Mommy na ampon ako....saka isa pa...nagkaron ako ng pagkakataon na magkaron ng maayos at tahimik na buhay...Bagay na hindi nararanasan ng mga kapatid ko...Ayon sa huling paguusap namin ng kapatid kong sumunod sakin..Palaging nag aaway sina Papa at Mama dahil sa pagkakalulong ni Papa sa bisyo..lagi na lang dw umiiyak ang Mama ko...
Hay buhay...Aba nakalimutan ko palang ipakilala ang sarili ko...nauna pa akong magtsismis ng buhay ko bago ipakilala ang aking sarili..Ako nga pala si Dianne Chua....walang nakakaalam na ampon lang ako...pinalabas nila Mommy na sa America ako pinanganak kea xa nawala ng ilang buwan...Mula bata ako...Laging iba ang tingin sakin ng mga tao...Tila ilag sila sakin...dahil ayon na din sa kanila..banggain na ang lahat...wag lang ang nagiisang prinsesa ng sikat ng business tycoon na si Conrad Chua at beauty queen title holder na si Dianna Hidalgo-Chua..Sobra kasing ingat sakin nina Mommy...to the point na mula bata hanggang ngayon..mayron akong mga body guards...pero dahil sa matinding pakiusap ko...pumayag sina Mommy na alisin un ngayong College na ko...pero hatid sundo naman ako ng driver namin...para daw kahit pano alam nila na safe ako...
Nakakatuwa lang..maraming nagsasabi na kamuka ako ni Mommy...parehas daw kaming maganda...Well medyo hawig naman talaga kami...Lalo pa at pareho kaming maputi...Kung nagkataon nga lang na hindi ko alam na ampon ako...hindi ko maiisip na hindi ko sila magulang...Pero sabi kasi ni Manang Trining kalimitan daw nakakahawig ng umampon ung inampon nila sa paglipas ng panahon...Si Manang Trining ang yaya ko..siya ung nag.alaga sakin...bukod kina Mommy...at Daddy....mula nung baby p lang ako...
Hindi itinago sakin nina Mommy ang katotohanan...dahil sabi nila mas mabuting alam ko ang totoo kesa sa iba ko pa malaman...ayaw daw kasi nila na itago ng matagal..lalo pa at alam nila na malamang sa malamang ay masaktan ako...Kaya yun mga 8 years old ako...ipinaliwanag na sakin ni Mommy ang lahat...
Nahirapan man ako intindihin pero hindi naglaon naunawaan ko din..Dahil sa walang nakaaalam na ampon ako maliban sa totoo kong pamilya at kina Mommy...pinili nina Mommy na umalis sa Davao kung san ako pinanganak...Dinala nila ako sa Maynila at dun inalagaan,pinalaki,binihisan at minahal...Abala man sa negosyo si Daddy hindi xa nagkulang ng atensyon sakin...Gayunman..lumaki p din akong Mommy's girl ..lagi kasi akong kasama ng Mommy ko..sa mga events nya..sa shopping at kung san san pa...
im turning 18 pero 'baby' pa din ang turing at tawag nya sakin...Pati mga amiga nya lagi nyang sinasabihan na she can give up every luxury she have...basta nasa kanya ako pati si Daddy...Ganun din naman ako...sobra ko silang mahal....At lahat ng makakapag paligaya sa kanila...handa kong gawin...
![](https://img.wattpad.com/cover/19316341-288-k953026.jpg)
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage With Mr. Heart Breaker - JhaBea FanFic
FanfictionBakit kailangan ako pa...Bakit kailangan siya pa... Bakit kailangan kami pa.... Hindi talaga pwedeng ipredict ang mangyayari. kasi kung ano at sino pa ang pinakaaayawan mo...siya pa ang mapupunta sayo..