Chapter Fifty Nine -"MAMA"

2.5K 44 12
                                    

Dianne's POV

Hawak kamay kami ni Jake ngayon..inaalalayan nya ako...habang pumapasok kami sa isang eskenita na daan papunta sa bahay ng totoo kong mga magulang....Pero bago kami pumunta dito syempre ipinaalam ko din kina Mommy...may karapatan silang malaman ang malaking desisyon na gagawin ko sa buhay ko...Pumayag naman sila....pero may kondisyon...yun ay ang dalawang lalaking kasunod namin ni Jake sa aming likod....

Wala kasing tiwala sina Mommy sa totoo kong papa kaya gusto nilang siguruhin ang kaligtasan ko....lalo pa at nagdadalang tao ako....Matapos kaming makalabas sa eskinita bumungad samin ang layo layong mga bahay....pero mga bahay na kakikitaan ng hirap....kasi tagpi tagping yero lang ang kalimitang gamit.....

At dahil ito ang unang beses kong naparito...syempre hindi ko alam kung san ang saktong bahay nila....Mabuti na lang at may nakasalubong kaming isang matandang babae...

Jake: magadang hapon po..pwede po bang magtanong?

Matanda: ano iyon hijo..?

Jake: alam nyo po ba kung san ang bahay nina Czarina Lee?

*tanong ni Jake....

Matanda: ah..oo iyong isang iyon hijo....bakit nyo siya hinahanap....

Jake: ah...gusto lang po siyang makita nitong asawa ko..

*napabaling tuloy sakin ang tingin ng matanda....

Matanda: aba...ke gandang dilag....bakit mo gustong makita si Rina Ineng?

Bea: gusto ko lang po siyang makilala....

Matanda: ay ganun ba...siya hala...ayun ang bahay niya.....puntahan nyo na siya hanggat wala pa ang lasenggo at sugarol na asawa nya...

Jake: sige po...salamt po...

*dumiretso na kami ng lakad....medyo kinakabahan ako.....gusto kong makilala ang nanay ko....pero may part akong natatakot....kasi hindi ko alam kung anong dadatnan namin....

Jake: Mahal...

*napatingin naman ako sa asawa ko...

Jake: andito ako...para sayo...wag kang matakot.....

Bea: salamat Mahal.....

*hinigpitan nya pa ang hawak nya sa kamay ko...tapos nung medyo malapit na kami..nilagay nya yung isa nyang kamay sa may beywang ko....para alalayan siguro ako........Hanggang sa makalapit na kami sa isang bahay.....tanging pinagtapal tapal na yero ang ginawang dingding....tapos nangangalawang na din ang mga iyon....kita ko din na medyo bulok na ang pinto nila.....Tila may kumirot sa puso ko....ako buhay prinsesa sa bahay nina Mommy..tapos sila nagtitiis sa isang maliit na bahay.....

Hawak ako ni Jake nung tumawag siya para malaman na andito kami sa labas ng bahay....

Jake: tao po....tao po...

*sabi nya sabay tuktok

...maya maya pa ay may narinig akong yabag na palapit....Bumungad sakin ang isang dalagita...sa tantiya ko ay nasa disiotso na ang edad nya....marahil hindi nya kami nakikilala.....

Girl: sino po kayo?ano pong kailangan nyo??

Jake: uhm...dito ba ang bahay nina Czarina Lee?

Girl: opo..Mama ko po siya...

Jake: uhm...andiyan ba siya...pwede ba namin siyang makita?

Girl: ah..nasa may likod po siya...naglalaba...saglit lang po tatawagin ko....

*lumayo siya ng konti pero dinig ko yung  tawag nya...

Girl.:mama mama...may naghahanap po sa inyo....

*sabi ng dalagita.....tapos nadinig ko yung isa pang boses...

..sino Carlene???...baka pinagkakautangan ng Papa mo...sabihin mo wala pa tayong pambayad......

*siya pala si Carlene....ang bunso kong kapatid.....

carlene: Hindi Mama....wala naman po sila sinasabi na naniningil sila..

*maya maya pa ay narinig ko na ang yabag nila...palapit samin...ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Jake sa kamay ko...pareho kaming nag aabang sa lalabas...

Mama: sino ba sila Carlene..

Carlene: tingnan nyo na lang po..hindi ko kilala pero mukhang mayaman....ang ganda at gwapo....

*dinig ko pa...

Mama: sino po sila...

*bungad samin ng isang babaeng sa tantiya ko ay nasa late forties na...Bakas sa kanya ang hirap ng buhay...pero sa kabila ng lumang damit at gulong buhok...hindi maitatago ang gandang taglay nya ....parang nag iba ang pintig ng puso ko....tila kilala siya ng puso ko.....Ngayon ko lang siya nakita...pero isa lang ang masasabi ko....i really looked a lot like her....

Kay Jake siya unang tumingin..nakangiti siya....tapos..unti unting nawala ang ngiti nya nung napatitig siya sakin...Kita ko yung hiya...pagsisisi...tuwa na makikita mo sa kanyang mga mata....Maya maya pa nga ay kita ko ang biglang pagtulo ng luha nya.....At masakit sakin na makita yun....Hindi ko na namalayan na tinaas ko ang daliri ko para pawiin ang luhang namalisbis sa pisngi...Tapos naramdaman ko din ang pag dampi ng kamay nya sa pisngi ko.....dun ko lang namalayan na umiiyak na din pala ako....

Hanggang sa natagpuan  ko ang sarili ko na tinawag siya....walang pilit....walang sabi sabi...ganun pala yun...automatic...dahil siguro na din sa lukso ng dugo...

Bea: Mamaaa....

*tila lalo siyang nahabag nung narinig nya ako na tinawag siyang Mama..Pero sa kabila ng pagluha nya...nakita ko din ang tipid na ngiti na binigay nya.....

Mama: Kay tagal kong hinintay ang pagkakataon na makita ka...mayakap....mahagkan kang muli...Carriene.....Lalo pa at sa unang pagkakataon...narinig ko mula sayo ang salitang kay tagal kong minithi...Anak ko...

*sabi nya....napayakap ako sa kanya...umiiyak na siya lalo....ako man...pero control ko kasi masama sakin yun.....baka maapektuhan ang baby ko....sa nanlalabong mata ko dahil sa luha kita ko din na umiiyak ang kapatid ko....kaya tinaas ko pa ang isa kong kamay para palapitin ko din siya sakin...tatlo kaming yakap yakap ngayon.......

Ang sarap pala sa pakiramdam na buo na yung isang parte ng pagkatao mo...lalo pa na ramdam mo yung pagmamahal na meron kayo sa isat isa...sa kabila ng taon na lumipas......Siguro talagang ito yung tadhana ko.....mapalayo....pero darating sa puntong muli kaming magtatagpo......

to be continued...

*short Update*

Strawberry Lane bukas na...

Arranged Marriage With Mr. Heart Breaker - JhaBea FanFicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon