Chapter Seventy

1.9K 43 10
                                    







This chapter is dedicated to you Jamie Haluag....;)salamat sa pagshare ng kilig vibes...nawalan kasi ako ng ganang magsulat nung sunday pa to dapat....kaso napanood ko ang Pepito pati ang bagong dinidikit kay Chito...nakakaalibadbad lang....Well....style nila yun e..kaso hindi ko talaga feel....

Pero dahil sa kwento at voice message mo Jamie nagkaron ako ng GV para ituloy ang pagtatapos ng chapter na ito...thank you for supporting my stories nga pala...:)ska for sharing na kelegkeleg part...hahahah..

mahal naman eeeeeeehhhh
Mahaaaaallll...
naman oh...










Dianne's pov

Nasa bahay ako ngayon at abala sa pagreready ng mga gagamitin ni Jayden sa paliligo...Si Jake ayun nasa opisina...Medyo abala kasi siya ngayon kasi may bago siyang investor...

Napakaresponsable niyang padre de pamilya...tipong magiging proud ka kasi talagang mas nagsusumikap siya na bigyan ng maayos na buhay ang anak namin...Well diba kahit naman hindi na kami pareho magtrabaho kaya namin buhayin si Jayden....Pero syempre alam namin ang importansya ng isang bagay lalo pa kung pinagsumikapan at pinaghirapan nyo....

Pero alam nyo ang nakakatuwa kay Jake...pagod man at busy sa trabaho he make it a point na magkaron ng time lagi samin ng anak niya...kahit medyo toxic yung maghapon nya talaga makikipagkulitan pa siya samin ng anak niya....

Just months ago nung kinwento sakin ni Jake ang pagdalaw sa kanya ng tatay ni Michelle...para sabihin na pumanaw na ito...hangad ko ang kapayapaan ng kaluluwa niya....Pero sa isang banda medyo mas nahimasmasan ako kasi kahit pano alam ko na nabawasan na ang mga tao na masama ang hangad samin ni Jake.......

Ang hirap kasi ng ganito yung may takot ka...na anytime may darating na gugulo sa buhay na matagal kong pinangarap.....saka isa pa nalaki na ang anak namin....Gusto ko naman pag nagkaisip na siya hindi na namin kasama itong mga gwardyang ito...yung malaya na din siyang gawen yung mga gusto niyang gawin

...

Alam ko pati sina Mama at mga kapatid ko may mga takot pa din sa puso nila.....lalo na si Mama na naranasan ang mga pananakit ni Papa...Kasi may fear siya na anytime baka dumating si papa at saktan siya ulit....Malungkot man isipin pero tingin ko mas ok kung sasama muna si Mama at mga kapatid ko kay lola habang hindi pa maayos ang sitwasyon....mas mapapanatag ang loob ko pgag ganon kasi alam ko maayos sila...

Ngayon pupunta sa ako sa kwarto ng anak ko para liguan siya....Infairness kelangan na niya magdiet....ang bigat na niya..at medyo nahihirapan ako na kargahin siya kasi nga ang taba....Kaya nga lalong gigil na gigil si tatay niya sa kanya e..kasi everytime na maglalaro sila sobra siya kung tumawa tapos lalabas pa yung dimple niya....Hindi pa naman siya nagsasalita...pero nakakaloko na siya kasi....ang cute cute....bilog na bilog.....at nakakatuwa pa pag pumupunta kami sa Mall tapos ibibili namin siya ng gamit tuwang tuwa sa kanya yung mga sales lady...kasi ang gwapo daw ng anak ko ska hindi daw ibahin...kasi pag nilalaro tumatawa siya talaga....E ngayon sumisibol na yung teeth niya sa baba at taas...yung sa front pa lang naman....

Haaayy...ang saya pala nun..na nasa tabi ka ng anak mo sa every stage ng paglaki niya.....parang magiging proud Nanay ako kasi nakikita ko yung mga developments niya....at mas naeexcite ako knowing na ilang buwan pa at makikita ko na ang unang hakbang niya at maririnig ko na ang boses niya pag nagsalita na siya....

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Jayden at parang tinambol ang dibdib ko nung makita ko ang nakahandusay na kasambahay namin.....Maging ang nakabukas na pinto sa terrace ng kwarto ng anak ko.....Mabilis akong pumasok at parang nanlumo ako nung nakita ko na wala ang anak ko sa crib nya......

Arranged Marriage With Mr. Heart Breaker - JhaBea FanFicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon