paglabas ni Ase sa Npc, nagsimula na siyang pumunta sa tarangkahan at lumapit sa Npc guard upang maiupdate ang blangkong mapa niya.
matapos maiupdate, tinignan niya ang mapa at nakitang kumpleto na ang mapa ng 1st Floor, lugar kung saan puwedeng nagpalevel at mga bayan sa lugar na iyon, pero hindi pa nakalagay ang lugar ng boss"kailangan pa pa lang hanapin ang base ng boss, akala ko given na siya, pero medyo challenging siya. siguro magsisimula muna akong magpalevel" at kinuha niya ang dagger na primary weapon at binibigay ng libre sa game at nagsimulang pumunta sa susunod na bayan.
"masyadong madami ang mga nagpapalevel dito, pero buti na lng nabasa ko yung guide book na binenta sa labas na mundo bilang guide sa laro na to." sinasabi niya ito habang natakbo siya patungo sa isang kakahuyan.
derederetso lang siya at makalipas ang labinlimang minuto ay nakarating na siya sa sunod na bayan.
"medyo madami na din pala ang nakapunta sa lugar na ito. pero ayos lang siguro magpapalevel muna ako ng konti dito tutal karamihan ng ibang players nandun pa sa isang bayan." at dali daling lumabas sa tarangkahan si Ase upang magpalevel.
hindi pa siya nakakalayo nang nakakita siya ng isang mobs.
"orange slime, level 3. ok lang kaya pa naman yan, buti hindi agresibo ang mga ito ". kaya agad niyang sinugod ito. ang baba naman ng Hp sa game na ito. 200 pa lng kapag level 1(health points ang sukat ng buhay ng player na nilagyan ng digits, Mp naman para sa mana points na ginagamit para sa mga spells, stamina para sa paggalaw)
"hindi ko pa pala nalalagyan yung mga status ko," kaya agad niyang binuksan ang status window at lumabas ang status ng character, may points para sa stats(strength, agility, vitality, intelligence, wisdom, dexterity, lucky)
"buti na lang malaya mong magagalaw ang katawan mo sa game na ito kaya puwede mong gamitin kung ano man ang talent mo sa labas, advantage to para sa akin." wika niya habang nagpapahinga
"sige, paghahatiin ko muna sa strength at agility para mas makapag tangke ako ng mga mas malakas na mobs." at nilagyan nga niya yung dalawang stats." nagpatuloy siya sa pagpapalevel hanggang sa makarating sa sunod na bayan.
"mahirap pala ang experience dito, matapos ang tatlong oras level 5 pa lng ako. pano pa kaya yung iba?" sabay upo saglit dun sa bench malapit sa tarangkahan ng sunod na bayan.
"alas onse na pala ng gabi. ganitong oras na din sa totoong mundo, siguro, bukas ko na lang itutuloy maglaro ibebenta ko muna yung mga loots na nakuha ko(loots- mga items na dinadrop ng mga mobs)
tumayo na si Ase sa kinatatayuan niya at nagsimula nang maghanap ng Npc merchant na mapagbebentahan ng kanyang mga nakuha.
"ang baba pa lng ng nabenta ko, 1,000 rupees pa lng? (rupees ang currency na ginagamit sa game na ito) ilang potion pa lng mabibili ko dito eh sige na nga, kailangan ko naman maghanap ngayon ng inn na matutulugan" at lumabas na siya ng npc store at nagsimulang maglakadlakad para maghanap ng medyo murang inn
kailangan maghanap ng inn o matutuluyan ng mga players para maingatan ang avatar nila, dahil kapag naglogout sila, maiiwan na vulnerable yung avatar nila at maaaring pagtripan ng ibang karakter.
matapos ang kanyang paghahanap, nakakita na din siya nang inn at matapos makausap ang Npc attendant, pumunta na siya sa kwarto. matapos makapag handa para matulog.
"ang ganda talaga sa virtual game, napakalinis ng paligid. ang ganda ng view" wika niya habang nakatulala sa kisame.
"sige na, makapaglogout na nga." at binuksan niya ang menu screen sa harapan niya at pinindot ang logout
*computer logging off sound*
maya-maya, pagdilat niya ay nasa isang pamilyar na lugar siya, ang kuwarto niya.matapos tanggalin ang game console ay naghanda na upang matulog si Ase.
paggising niya tahimik siyang naghanda at pumasok sa eskwela.
Ase's POV
isa lang naman akong simpleng estudyante, madalas nga lang na binubully dahil mukha akong nerd at wala akong panahon para makipag away at mag-ayos.
madalas hinahayaan ko na lang ang mga nambubully sakin dahil ayaw ko nang maulit yung nangyari sa dati kong eskwelahan. ayaw ko nang makita ulit si mama na umiiyak dahil sa nangyari, dahil matapos akong saktan ng mga kaklase ko, napilitan akong labanan sila.
hindi man halata sa aking katawan pero palagi akong nageensayo ng mix martial arts, gamit ang internet at youtube. mas focus ako sa sports na kung tawagin ay muay thai at kung fu kaya kahit medyo madami sila kinaya ko sila. wala man akong gym o personal trainer pero dahil computer geek ako, nagawa kong mapalakas ang sarili ko.
pero sa kasamaang palad, dahil mahirap lang kami at galing sa mayamang pamilya yung kaklase ko. mas pinaburan sila nang admin ng skul at pinalabas na ako ang masama, mas malala pa, pinatalsik ako sa eskwelahan na iyon. grabe ang pag-iyak ni mama noon, kaya nangako ako sa sarili ko na hinding hindi na ako kahit kailan man makikipag away pa.
madalas akong nag papart time job para kumita ng konti dahil ako ay panganay sa aming walong magkakapatid. madalas ding magaway ang mga magulang ko dahil sa kawalan ng pera
kaya nung nakita ko at nabasa yung tungkol sa Freedom Online. pinangarap ko talaga na magkaroon noon para makuha yung premyo pinangako sa mga makakatapos ng laro.
sa kasamaang palad, hindi ganoon kalaki ang pera namin para makabili ng ganoong laruan. kaya nung mabalitaan ko na may pinaparaffle na game console at game data sa isang mall na medyo may kalayuan samin. agad akong pumunta.
kaya lang, kailangan mong maubos yung isang malaking malaking burger na worth 500 pesos sa loob ng sampung minuto, kapag naubos mo, libre na yung burger tapos may raffle entry ka pa na iddraw din nung araw na iyon.
hindi na ko nagdalawang isip at nagbakasakali ako, kung hindi ko man maubos yung burger. siguro kakausapin ko na lang yung may ari.
pero sa kabutihang palad, naubos ko at naging eligible ako para sa raffle.
at ang isa pang nakakatuwa, nung iddraw na at pipili na sila ng tatlong mananalo, mukhang niloob talaga ng Diyos na makasali ako, isa ako sa tatlong nabunot. at dahil sa sobrang tuwa ko, hindi ko na pinansin yung iba pa na nanalo.
makalipas ang ilang oras ng pangangarap ng gising, nkarating na ako sa aming eskwelahan. isang bagong araw na naman. pero naniniwala ako na the best is yet to come.
BINABASA MO ANG
FREEDOM Online (Virtual Game)
General Fictionisang laro na susubok sa kakayahan ng mga manlalaro. masusubok ang katalinuhan, diskarte, katatagan at katapangan. kaibigan o prinsipyo? pag-ibig o pangarap? katanyagan, karangalan at kayamanan ang naghihintay sa sino mang makakaabot hanggang huli. ...