Minabuti namin na umuwi na para hindi kami gabihin. Kaya lang ay hindi kami gumamit ng teleport gem. Para mas malubos namin ang pagpapalevel habang pabalik.
Sa paglalakad namin pabalik, may nakita kaming isang liwanag sa gitna ng kagubatan. Medyo padilim na kase kaya kita ang mga ganoong bagay.
Sinubukan namin lumapit, at nang malapit na kami, nakita ko sa mapa ang isang neutral village, hindi naman ito masyadong malaki dahil wala pang sampu ang mga bahay.
Ang napaisip lang ako, ay dahil sa pangalan ng lugar. Swordsman Village.
"kuya, pupuntahan ba natin ito?" wika ni Sara na parang nagdadalawang isip.
"kuya, subukan lang natin. Kapag hindi naging maganda ang mga bagay-bagay, magready na lang kami ng teleport gem." sabi ni William na sa tingin ko eh iniisip din kung ano ang meron sa lugar na ito.
Dahil medyo maaga pa naman, lumapit kami sa loob ng maliit na village at nagmasid-masid.
"May tao po ba dito? " pasigaw na tawag ni Sara.
Napapaisip lang ako kase bakit magkakaroon ng village sa gitna ng kagubatan?
Ang kinakatakot ko ay dahil sa pangalan. Baka puro swordsman na demi-human type ang mga monster dito at mapaslang kami.
Sa paglilibot namin. Minabuti ko na sumilip sa loob ng isang bahay at laking gulat ko ng makakita ng isang npc.
Tinawag ko ang mga kapatid ko at pumasok kami sa loob.
"kuya, baka may quest sa lugar na ito. O baka may mga information na maibibigay sa atin tungkol sa game. " sabi ni william. Ang talino naman ng kapatid ko na to, ang bilis mag-isip. Sa bagay, kahit sa school mataas ang markang nakukuha niya lalo na sa mga analytical problems.
Minabuti namin na maghiwalay upang mapabilis ang pagscan sa area pero may halo pa din na pag-iingat.
Sa wakas. Matapos maiscan ang buong lugar, nalaman namin na pwede ka palang makakuha ng skill sa iba't ibang paraan, isa na dito ay galing sa mga npc. Maglelevel ang skill na makukuha mo kapag mas madalas mong ginagamit.
Sa lugar na ito. Nagooffer sila ng skill na kung tawagin ay Sword mastery level 1.
Ang masaklap, hindi libre ang skill. 5,000 rupees ang bayad sa skill na ituturo kada tao. Medyo mataas pa ang presyo.
Nagkataon na 3,000 rupees pa lang ang pera ko. Ang pera naman na naipon ng mga kapatid ko ay nasa 1,000 rupees pa lang.
Malaki pa ang kulang pero ayokong gastusin ang ibang ipon namin dahil para sa pang-araw araw namin iyon.
Minabuti na muna naming umuwi dahil wala din naman kaming magawa. Gumamit na lang kami ng teleport gems para mas mapadali dahil ginabi na kami sa pagscan ng village na ito.
Pagdating namin, agad kong kinausap ang mga dati naming kapitbahay at ishinare ang info na ito sa iba.
Kung isang game lang ito, ibinenta ko siguro yung ganitong klase ng information, kaya lang. Iba to, buhay ang nakasalalay sa laro na ito.
Matapos mabalitaan ng iba, may kanya kanyang reaksyon ang bawat players.
Naalala ko si Jasmine, minabuti kong i-message siya, kaya lang hindi ko makontact?
Pati ba ang laro na to kailangan pa ng signal? Cannot reach player. Grabe, siguro may distansya lang ang message dito. Grabe. Sige na nga, pagbalik na lang siguro nila, ang alam ko kase mga isang linggo magtatagal ang unang raid nila eh. Tapos babalik na sila.
Ilang araw pa lang naman ang nakakalipas. Kaya lang iniisip ko kung paano ako mas makakapag ipon.
Dahil medyo gabi na din. Minabuti ko nang umuwi at magpahinga.
Kinabukasan, nagsimula na ulit kami ng mga kapatid kong magpalevel. Patuloy naming iniiscan ang area baka may mahanap pa kami na mga quest at info.
Sayang ang Sword Mastery na Skill, passive nga lang siya, pero nagboboost siya ng attack sa mga sword type weapons.
Lumipas pa ang ilang araw, medyo mataas na ang level ng mga kapatid ko. Kung tutuusin, halos kaya na nila magsolo. Pero minabuti namin na magsama-sama dahil hindi namin sigurado kung gaano ka safe ang lugar.
Patuloy pa din ang ginagawa namin na pagraraid sa lugar para mas makita namin an mga safe na hunting grounds at maibahagi sa iba.
Dahil patuloy ang pagiipon namin, nakaipon na ako ng sapat para sa quest ng Sword mastery kaya matapos makaiscan ng malawak na lugar, muli akong bumalik sa munting village,
Pagdating namin, muli kong kinausap ang npc, pinaliwanag ulit nito kung para saan ang Sword Mastery. Matapos magpaliwanag. Nagpop-up ang mga huling question.
"Do you want to learn Sword Mastery?...
Press ok to continue"
"ok"
"Congratulations, you have learn Sword Mastery level 1."
Sa wakas at nakuha ko na ang skill, sunod naman na pagiipunan namin ay para kanila william at Sara.
Matapos kong makuha ang skill, minabuti na muna namin na bumalik na dahil medyo lumalayo na kami sa Prontera.
Habang pauwi kami, ay pinagaaralan ko ang skill na Sword Mastery, bagamat passive siya, maituturing mo pa din na skill ang bagay na ito.
Nakita kong para maglevel ang Skill, dapat ay mas madalas mo itong gamitin. Sa lagay ng skill ko, maglelevel up ang skill kapag sword ang ginamit.
"kuya, siguro madami pang skill quest d2 sa paligid na naghihintay lang na makita no?" Sabi ni Sara. Malakas din ang loob ng kapatid ko na ito kahit babae siya.
Pinapakita niya na ayos lang siya pero. Kitang-kita sa mga mata niya yung lungkot.
Bilang kuya, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para matulungan sila.
Minsan tuloy, mas madalas kong sinisisi ang sarili ko dahil sa pagiging mahina ko.
Kung sana malakas lang ako, kung sana matapang lang ako.
Kung sana,"Kuya bakit ka umiiyak?" wika ni Sara na nangingilid na ang luha sa mga mata.
Grabe, hindi ko napansin napaluha na pala ako..
"hehe, masaya lang ako at malaki ang ipinagimprove niyo." sabay pahid sa luha at ngiti.
Ngumiti din si Sara pero alam ko na hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.
Minsan, madaling sabihin na magmove-on, pero iba kapag ikaw na ang nasa ganoong sitwasyon.
Maraming tao nangangailangan ng encouragement araw-araw. Minsan hindi lang natin halata. Kaya lang ang masaklap, yung mga inaaasahan natin na mangeencourage sa atin, akala natin ayos din.
Siguro, nalulungkot din ang mga magulang ko dati?
Masyadong lumalalim ang iniisip ko at alam ko na kapag hindi ko itinigil ito, mas mahihirapan ako.
Mahirap pero wala akong magagawa, kailangan ko talaga magdecide. Hindi para sa sarili ko, kundi para sa mga kapatid ko.
Kaya nang may nakita akong isang monster, katamtaman lang naman ang level niya, agad ko itong sinugod.
Umaasa pa din ako na may magandang mangyayari.
Sa huli, maliit pa din na parte ang nadagdag namin sa mga nascan na mapa.
BINABASA MO ANG
FREEDOM Online (Virtual Game)
General Fictionisang laro na susubok sa kakayahan ng mga manlalaro. masusubok ang katalinuhan, diskarte, katatagan at katapangan. kaibigan o prinsipyo? pag-ibig o pangarap? katanyagan, karangalan at kayamanan ang naghihintay sa sino mang makakaabot hanggang huli. ...