Dumating na ang araw ng paglalakbay ng guild ng untouchables.
10 ng umaga nakatakdang magsimula sa pagalis ang grupo nila.
maaga akong bumangon ngayon dahil may nakalimutan akong gawin kahapon.Agad akong dumiretso sa lugar ng Untouchables at hinanap si Jasmine.
Parang ang kapal naman ng mukha ko, halos kahapon pa lang kami nagkakilala pero hihingi na ako agad ng pabor sa kanya.
Maya-maya, lumabas na siya. Suot na niya ang uniform ng guild nila. Handa na siyang umalis.
"Maaga pa Ase ah? Bakit?" sabi niya. Ang cute niya. Hehe.
"May nakalimutan ako kagabi," sabay labas ng virtual screen ko. "Ok lang ba kung iregister kita sa Friendlist ko? Para kung sakali na kailangan nating imessage ang isa't isa madali na lang" sabay ngiti ko.
"tsaka para mas mapadali kitang makita kapag ipagtatanggol na kita." mahina kong sinabi
"huh?" sabi niya. Buti na lang, hindi niya narinig.
Matapos nito ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Maayos at masaya na kaming naghiwalay ng landas.
Matapos ang pagpapaalam, agad akong dumiretso sa isang npc upang bumili ng makakain at potions, naubusan na kase ako. Hindi ko alam kung paanong nagagawa ng system na nakakabusog ang pagkain na nagegenerate ng laro na ito.
Hindi bale na nga, mas marami akong dapat isipin at pagkaabalahan. Ngayong araw ko kase sasamahan magpalevel ang mga kapatid ko. Hindi namin sigurado kung hanggang kailan magiging ligtas ang mga bagay-bagay. Mabuti na yung handa sila.
Dumating ang oras ng pag-alis ng guild na untouchables. Nasa gilid kami ng kalsada at nagsimula na sa pagalis ang guild ng untouchables. Dahil balita ko, nung time na up pa ang server ng Freedom Online, madami na silang rupees na naipon.
Kaya ngayon. Halos lahat ng Miyembro ay may kanya-kanyang kabayo. Ang iba naman ay nakasakay sa wagon na hatak ng mga kabayo.
Grabe, ang aastig nila. Halos nasa limang daan ang Miyembro ng guild ng untouchables ang kasama.
Mayroon din na ibang guild gaya ng Cat Shelter na may 100 mahigit na mga players at Rush Empire na may 250+ na players. Meron ding iba na binubuo ng 50, 30, 90. Basta halos umabot sa 3000 players ang kasama sa raid na ito. Na pinangungunahan ng Untouchables guild.
Grabe, ang aastig nila. Dahil ang Freedom online ay hindi pa masyadong nagtatagal online. Ang average level ng mga players ay siguro mga nasa 8.
Nakita ko din na kasama ang grupo nila Philip pero sa ibang guild sila kasali, minimum kase ng Untouchables na level ay level 12 para makasali sa kanila.
Haistt, bakit kase nagkaroon lahat ng players ng -10 penalty. ang baba tuloy ng level namin medyo mataas na din naman ang level ko ngayon pero meron pa din na mga nasa bandang level 20 kahit may penalty na. Anga mga hindi naman naglalaro dati ay nasa level 1 ang mga level 10 pababa kahit na level 9 or 3 pa automatic na level 1.
Ang sasaya ng mga tao habang nadaan ang raid papunta sa Kometa. Parang piyesta.
Matapos makaalis ng mga guild, nagsimula nang maguwian ang mga tao. Ako naman ay agad kong sinundo ang mga kapatid ko.
Nagbaon kami ng pagkain para sigurado. At dumiretso palabas sa mga pader ng Prontera.
Sa lugar na ito. Ang poring at jellybean maging ang ibang monster na malapit sa Prontera ay mga nasa level 2-3. Kaya, kayang kaya kahit solo. Madami din ang nagpapalevel ngayon dito.
Pinasuyo muna namin sa dati naming kapitbahay ang kapatid namin na sila kris at anghelo. Mahirap na kase, ayokong magsugal. Hindi namin alam kung ano ang mga pwedeng mangyari sa labas ng pader ng Prontera.
Bumuo kami ng party magkakapatid at sinetup namin ang experience na even share kaya kahit ako lang ang umatake at lumaban, makakakuha padin sila ng exp.
Agad kaming pumunta sa kakahuyan at andito ang mga Bettle. Nasa level 11-15 ang monsters dito pero ayos lang, kaya ko pa naman. Buti na lang at hindi mga aggresive ang monsters dito. Pero pinahanda ko na sa mga kapatid ko ang potion at teleport gems para makasigurado.
Kapag naging delikado ang lahat, magandang gamitin ang gems para makabalik sa town.
Nagsimula na kaming magpalevel. Umatake ako ng umatake, sayang, walang skills na magamit. Mas mapapadali sana ang laban sa monsters.
Pero ang pinagtataka ko, bakit walang skills, pero mayroong Mp bar at skill windows. Nakakapagduda.
Pero ngayon. Nagfocus muna kami sa pagpapalevel kaysa pag-iisip ng mga bagay-bagay. Patuloy lang ang pagpapalevel namin hanggang sa umabot sila ng level 3. Ako naman ay 14 na ngayon, lumipat na din kami ng hunting ground.
Hinayahaan ko na din na umatake ang mga kapatid ko dahil mas mabuti na iyong may experience sila sa pakikipaglaban.
6:30 na ng hapon ng matapos kami. Medyo madali ang pagpapalevel dahil madami kami at mas malalakas na monsters ang kalaban namin. Level 16 ako ng matapos kaming magpalevel. Umabot naman ng level 10 si William at 9 naman si sara.
Mabilis ang level dahil halos mas mataas ang level ng mga monsters na kalaban namin. Mas pabor para sa kanila dahil malaking Exp ang nakukuha nila.
Gabi na kaya. Tinigil na muna namin ang pagpapalevel. Hinatid ko na pauwi ang mga kapatid ko at inabisuhan silang kumain at magpahinga na.
Ako naman ang magpapalevel ngayon. Hindi naman ako masyadong magtatagal kaya ayos lang. Hindi naman masyadong kumontra ang mgakapatid ko dahil may tiwala sila na kaya ko at alam naman nila kung gaano kaimportante na magpalakas ako.
Dumiretso ako at lumampas sa mga lugar na pinagpalevel namin kanina. Bumalik ako doon sa mga mas mataas na level na monstets kanina.
Medyo madali kanina dahil may dagdag na damage akong katulong pero ngayon mag isa lang ako.
Batid ko ang problema at hirap ng sugal na gagawin ko kaya naman nagrefill muna ako ng ng ma potions bago pumunta dito.
Nagpatuloy ako magpalevel. Bawat atake minsan ay may halong inis dahil sa mga nangyari,
Maya-maya. Napaupo muna ako sa gilid ng isang puno. Nagkataon na kita ko ang kalangitan.
Bumalik sa alaala ko ang mga pangyayari maging ang mga sigawan. Maya-maya, unti-unting pumatak ang luha ko.
Patuloy ang pag-agos nito. Sinubukan kong pigilan ang pag-iyak kaya lang mas lalong dumadaloy ang mga luha lalo na ng naalala ko ang mga magulang namin at ang kahindik hindik na pangyayaring sinapit nila.
Ang tindi ng luha at pag-iyak ko. Gusto ko nang humagulgol. Ito lang pala ang hinihintay ng damdamin ko.
Ang mapag-isa.Hinayaan ko na lang dahil mas gumaan ang pakiramdam ko. Maya-maya, nang mabawasan na ang sakit. Bumangon na ako dahil medyo gabi na, inabot ako ng level 19. Ayos na din. Kaya naghanda na ako para umalis.
Madami dami din ang mga loots na nakuha ko ngayon kaya may maibebenta ako sa npc para mapagkakitaan. Kamusta na kaya sila Jasmine pati ang iba pang kasama sa raid na iyon.
Ang masaklap. Habang nagiisip ako ng ganoon mga bagay. Bumaba ang depensa ko at hindi ko napansin ang paligid.
Maya maya, may isang Troll Taskmaster sa harapan ko. Isang aggressive na monster at nasa level 25
Ang masaklap, isa itong summoner kunga naaalala ko sa huling rpg game na nalaro ko nung bata pa ako, huli na lang ang lahat Dahil nagsummon siya ng isang troll Healer level 17 at Troll level 18.
Mahihirapan ako dito..
BINABASA MO ANG
FREEDOM Online (Virtual Game)
General Fictionisang laro na susubok sa kakayahan ng mga manlalaro. masusubok ang katalinuhan, diskarte, katatagan at katapangan. kaibigan o prinsipyo? pag-ibig o pangarap? katanyagan, karangalan at kayamanan ang naghihintay sa sino mang makakaabot hanggang huli. ...