A/N
Pasensya na po sa huling update, hindi pala naisama ang part na ito.-------------
Halatang natatakot pa din siya.
Bitin ang mga sagot niya kaya hindi ko malaman kung aino siya.Nais ko pa sana siyang tanungin upang mas lalo ko siyang makilala subalit kita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata. At halatang malaki ang pinagdaanan niya bago pa man siya makarating sa puntong ito.
Hindi ko naman siya maaaring iwan kaya lang ay hindi ko pa din siya mayakag umalis dahil nagsimula siyang umiyak.
Ang totoo, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko eh. Kaya pinasya ko na maupo sa tabi niya at hayaan lang muna siya na ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Makalipas ang ilang minuto, marahil ay inabot siguro kami ng kalahating oras, huminto na siya sa pagiyak.
"Salamat, siya nga po pala, ang pangalan ko ay Judith." galing ako sa isang bayan malapit sa kabilang ibayo ng pader na ito." wika niya at muli pa siyang nagpatuloy.
"may mga kasama ako at plano sana naming pumunta sa Centropolis upang humingi ng tulong subalit sa daan namin patungo dito, ay inatake kami ng mga bandido,
Hindi naman nila kami pinatay subalit kinuha nila ang lahat ng aming mga kagamitan. matapos iyon ay iniwan nila kami sa gitna ng kawalan.
Sa kasamaang palad, nakasalubong namin ang grupo ng mga orc at kinalaban kami, dahil nakuha ang lahat ng aming gamit, unti unting naubos ang aming supply hanggang sa kami na mismo ang unti unting maubos.
Nagkahiwahiwalay kami at ngayon ay hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa mg kasama ko." matapos niyang magkwento ay nakayuko siya at nakatingin lamang sa lupa.
Nagsimula nang magdilim at delikado kung dito kami aabutan ng gabi.
"mabuti pa siguro sumama ka na muna sa akin pabalik." sa bay ngiti ko sa kanya
"Sa bayan din ako ng Centropolis pupunta. Pangako, bukas na bukas sasamahan ka namin na hanapin ang mga kasama mo." dugtong ko pa at inakay ko siya at inangkas sa kabayo.
Nagsimula na kaming bumalik at medyo binilisan ko na dahil matinding panganib talaga ang kakaharapin namin sa lugar na kapag nagtagal pa.kami dito.
BINABASA MO ANG
FREEDOM Online (Virtual Game)
General Fictionisang laro na susubok sa kakayahan ng mga manlalaro. masusubok ang katalinuhan, diskarte, katatagan at katapangan. kaibigan o prinsipyo? pag-ibig o pangarap? katanyagan, karangalan at kayamanan ang naghihintay sa sino mang makakaabot hanggang huli. ...