Chapter 35:

898 52 0
                                    

Ang totoo? No choice ako. Kailagan ko silang labanan. Hindi ako makakuha ng tiyempo na makatakas dahil napapaligiran na nila ako.

Nang magsimula na silang umatake, agad na din akong sumalakay at dumipensa.

Matagal bago ko matalo ang isa at ang tatlong orc baby ay agad nakakapagsummon ng mga napapatay kong orc warrior, gusto ko silang lapitan kaya lang nahihirapan ako dahil naharangan ako ng mga orc Warrior at orc lady.

Kung magpapatuloy ito, mapagod lang ako at matatalo kailangan makaisip ako ng matinding paraan.

"Magnum Break!"

"Magnum Break!"

"Magnum break!"

Tuloy tuloy na paggamit ko ng skill, hindi ako makapag high jump dahil natityempuhan ng mga orc.

"tsk nakakainis, ayaw gumana ng utak ko, hindi ako makapag isip ng mabuti. Nauubos na ang sp at mp ko para makagamit ng skill.

Kailangan kong mabuhay at kailangan ko pa din na magpatuloy

"Magnum Break"

Matapos ang huling skill ay napaatras ang mga kalaban kaya nagkaroon ako ng pagkakataon umalis.

Sinamantala ko ang maiksing oras na makaalis, walang dapat sayangin dahil hindi ko alam kung mauulit pa ang ganitong pagkakataon.

Binilisan ko ang takbo patungo sa aking kabayo at ng makarating ako doon ay agad ko itong pinatakbo.

Pilit pa din na humahabol ang mg orc ngunit dahil nakasakay na ako sa kabayo. Hindi na nila ako magawang mahabol.

Nang makalayo na ako ay minabuti kong bumalik na sa bayan ng centropolis upang makapagpahinga. Nakailang level din ang nakuha ko dahil sa mga orc.

Dahil sa pagtakas ko sa mg orc ay medyo napalayo ako sa daan na dapat kong tahakin pabalik.

Kaya nagsimula akong maglakbay muli pabalik sa bayan.

Sa daan na aking tatahakin, ay dahan dahan ang aking paglalakbay upang mas maging maingat.

Sa aking paglalakbay, may narinig akong isang malakas na sigaw ng Orc.

"RWAAAAARKKK"

Mukhang madami dami iyon ah? Sa ibang panig nanggaling ang sigaw. Siguro ay talagang nagkalat ang mga orc sa lugar na ito.

Kaya pinasya ko na umalis na sa lugar naiyon at baka mamroblema na naman ako.

Kaya lang napansin ko ng ang tunog ay gumagalaw at mukhang galit na galit ang mga orc.

Mukhang may hunahabol sila.

"teka, hindi kaya..."

Sana mali ang akala ko pero agad akong nagtungo sa pinagmulan ng sigaw.

Nang papalapit na ako, nakarinig ako ng isang malakas na sigaw.

"Tulooonng"

Isang boses ng babae, kaya mas lalo akong nagmadali patungo sa boses at tiyempong aatakihin na siya ng orc.

"SACRIFICE!" ( pinalitan ko na po ang pangalan ng Skill na devotion. pabasa na lang po sa author's note. Salamat)

Ako ang nakareceive ng atakeng dapat sana ay tatanggapin niya, bale dalawang orc warrior isang orc lady at isang orc baby ang humahabol sa kanya.

Agad kong sinugod ang orc baby at gamit ang high jump bago ang magnum break, mas naamplify nito ang damage ng magnum break dahil sa mas malakas na impact.

Dahil hindi naman sila ganoon kadami, at nauna ko ng napatay ang orc baby, agad kong sinugod ang mga natirang orc. At dahil naka activate pa din ang skill na Sacrifice, kampante ako na iwan muna yung babae sa gilid.

Makalioas ang ilang saglit ay natapos ko na din ang pakikipaglaban sa mga orc.

Pinasya kong bumalik at kausapin yung babae, mukhang mas matanda ako sa kanya siguro mga 3-5 years ang agwat namin.

Teka, parang ang tanda ko naman

" Kamusta ka na? Ok ka lang?" sabay abot ko ng kamay ko sa kanya upang alalayan tumayo.

"ok lng ako." sagot niya at halatang

FREEDOM Online (Virtual Game)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon