Season 2 Chapter 39:

433 27 5
                                    

Isang taon na ang nakalipas mula ng mawasak ang bayan ng Centropolis

Ang grupo nila Jasmin ay palipat lipat ng bayan dahil ang mga napupuntahan nilang bayan ay inaaatake ng monster kung hindi naman ay mga bandido

Dahil sa nagkalat na ang mga monster ay mejo nahirapan na silang magpalevel at magpalakas subalit si Jasmin ay tumaas na ang Class sa Class B gayon din si William at si Sarah naman ay sa Class C.
Karamihan ay tumaas na din ng Class C.

Dahil kailangan may mamuno sa kanila, si Jasmin muna ang tumayong leader ng nga survivor mula sa pag atake sa Centropolis,

Dahil sa mahirap ang paglalakbay, ang mga ordinaryong mamamayan at mga mahihinang players ay kadalasang namatay na o sumama sa mga bandido.

Halos nasa 1000 survivors na lang ang kasama sa grupo nila Jasmin

Hirap na din silang makakontact ng iba pang players at karamihan sa mga tao ay nagkanya kanya na din

Marami sa kanila ay nawalan na ng pag asa at nagpakamatay na lang

Isa na ngayong magandang dalaga at makisig na binata si Sara at si William.

Jasmin's POV

Hindi ko alam kung ano na ang dapat kong gawin, isang taon na din ang nakalipas mula noong nangyari ang kaguluhan sa Centropolis

Tuloy pa din ang "Quest for freedom" pero hindi ko alam kung kakayanin pa din ng mga kasama ko na magpatuloy

Ganito na lang ba ang mangyayari?

Hanggang dito na lang ba?

Maya maya habang nagiisip si Jasmin ay lumapit si Andrew sa kanya

"Bhe, ang lalim na naman ng iniisip mo. Mag relax ka lang ok?" Wika ni andrew sabay halik sa noo ni Jasmin

Matapos ang delubyo na nangyari sa Centropolis ay si Andrew ang isa sa mga naging sandigan ni Jasmin at naging kasama sa mga panahon na pinanghihinaan na siya ng loob

Hindi nagtagal ay nagtapat ng nadarama niya si Andrew at nanligaw kay Jasmin

Noong una ay ayaw siyang sagutin ni Jasmin ngunit hindi nagtagal ay naging sila din dahil sa pagpupursigi ni Andrew

Tumingin si Jasmin sa paligid at minasdan anh bawat isa

"Kailangan namin magpatuloy"
Wika niya sa sarili habang tinitignan ang mga kasama niya na nagkampo sa isang lugar.

"NAGBALIK NA ANG MGA SCOUTS!" isang sigaw na umalingaw ngaw sa paligid at agad na sinalubong ni Jasmin ang mga scouts na pinamumunuan na ngayon ni William

"Natapos na naming iscan ang Area, at malapit na tayo sa lugar na pwede nating pagkampuhan" wika ni William

"Hindi masyadong malalakas ang monster sa paligid noon." Dagdag pa ni William

"Sige, mag pahinga muna kayo at bumawi ng lakas, pagkatapos ay ipatawag ang mga players sa Class B upang magpulong." Tugon naman ni Jasmin.

....

Makalipas ang ilang oras, nang makakain na at makapagpahinga ang mga scouts ay sinumulan na nila ang pagpupulong na pinangungunahan ni Jasmin.

Ang grupo ng scouts ay pinangungunahan ni William kasama ng kapatid niyang si Sara at binubuo ng 50 katao

Nagpatuloy pa din sila sa paglalakbay at sumusuporta sa mga players na mahihina at sa adbokasiya ng samahan na binuo ng kuya nila ilang taon na ang nakakalipas

Ayon sa ulat at impormasyon na nakalap nila

May isang pader na lang na kailangan silang lampasan upang makatuloy sa dulo ng kontinente

Subalit matapos nilang makalampas sa pader na iyon ay magsisimula na ang tunay na pag subok

Dahil ang mga lugar at bayan doon ay hindi na katulad ng mga bayan na nakita nila, kailangan nilang malampasan at maclear ang isang area sa mapa na iyon kung saan may isang kaharian na pinamumunuan ng isang masamang hari.

Kailangan nilang maclear ang kaharian na iyon dahil doon makikita ang mapa patungo sa kometa na nagsimula ng lahat.

Nakatago din sa kaharian na iyon ang mga lihim at iba pang kwento sa istorya.

Sa paglalakabay ng scout regiments ay nakakontact din sila ng ibang mga player mula sa ibang lugar na nakaligtas din at nalaman nila na ang delubyong nangyari sa kanila ay nagyari din pala sa ibang panig ng mundo.

Kumbaga sa isang laro, nagkaroon pa ulit ng major update at panibagong yugto ang Freedom Online

Ang bagong Chapter na "Rise of the Dark lord" kung saan kailangan nilang pabagsakin ang dark lord na namumuno sa kaharian ng kadiliman

Ang bagong Chapter na "Rise of the Dark lord" kung saan kailangan nilang pabagsakin ang dark lord na namumuno sa kaharian ng kadiliman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Matapos ang pagpupulong ay agad silang nagplano at nagsimulang mag handa.

"Maghanda na kayong lahat, makalipas ang tatlong araw ay aalus na tayo." Wika ni Jasmin

"Tatapusin natin ang larong ito." Dugtong pa niya

At matapos silang madismiss ay nagsimula nang maghanda ang bawat isa

Pinakontact ni Jasmin kay William ang iba pang players na nakaligtas upang sama sama nilang pasukin ang mataas na pader

FREEDOM Online (Virtual Game)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon