Chapter 8: Pagbabago

2.2K 111 6
                                    

Kinabukasan, dahil exam week namin ngayon at nagulat na lang ako. Ahaha. Hirap talaga ng masyadong busy, haha.

Ok lang stock knowledge naman to. Haisst, sana makasagot ako ng tama, excited na kase ako maglaro.

Nagbihis at naghanda na nga ako pumasok.

Mayamaya pagdating sa skul. Tama nga ang sinabi ko, nahihirapan ako magisip ng maayos dahil excited na ako maglaro. Habang papunta sa skul, nakita ko si jasmine na papunta sa library na may mga dalang libro, haistt, ang sipag niya

Maganda nga pala talaga siya, nakalugay na buhok, magagandang mata na kulay brown, tamang puti lang tska tamang tangkad.

Yung kasimplehan niya talaga yung mas nagdala sa kanya.

Tutulong na sana ako kung hindi lang umepal yung isa kong kaklase na akala mo talaga napakagwapo. Tsk

At ayun, siya na yung tumulong kay jasmine at as usual, nakatitig lang ako. Tsk

Parang nagkakagusto na ko sa kanya, kaya lang hindi pwede. Haistt. Itigil ko na nga ang ilusyon ko. Tsk buti na lang dumating ako sa time na to at nagising ako sa katotohanan.

Makalipas ang ilang saglit na paglalakad, nakarating na ako sa classroom, dahil maaga pa at wala pang masyadong estudyante nagbuklat na lang ako ng lecture ko.

Ahaha, kahit wala akong libro ayos lng, lahat ng sinasabi ng teacher namin naka sulat sa notebook ko, galing ko kaya maglecture, kapag binabasa mo parang nakikinig ulit sa prof.

At ganun nga ang ginawa ko hanggang sa dumating ang oras ng exam namin. Haistt.
Ok na yan. Bahala na.

At sa exam halos tumakbo ang buong oras ko sa skul bukod sa saglit na pagsulyap kay jasmine.

*kriiiiiiiiinggggggg...
*kriiiiiiiiinggggggg...

Ang korny, may bell pa? Haha. Ok lang tapos na ang exam ngayong araw na ito. Sinagad lahat ng subject sa isang araw, ang brutal diba? Haha, may activity kase bukas.

Pero mas maganda na to kase mas magandang laruan ito mamaya. Ahaha. At habang papalabas kami ng skul, halos lahat ng kaklase ko yung freedom online ang pinaguusapan.

Makalipas ang panahon ng paglalakad pauwi, nakarating na din ako sa bahay. Kumain muna ako saglit at dumiretso na sa kwarto. Maya maya ay naghanda na ako upang maglaro ulit

Pumwesto na ako at nag handa na maglaro. Kaya lang sa kasamaang palad, ng sinusubukan ko ng maglog in, hindi ako makaconnect dahil down ang server. Bakit kaya???
Maintenance?

Nakakainis. Excited pa man din ako. Maya maya napagisipan ko na lang na bumangon at napagtripan na magisip isip.

Hehe. Tsk, kainis naman, excited na ako eh. Hmmm. Hindi pa nagtatagal. Biglang lumindol ng sobrang lakas. Na tipong parang mawawasak na ang mundo. Lumabas kami sa bahay namin dahil mukhang guguho na pero dahil sobrang lakas ng lindol, nahirapan kaming maglakad. Pero dahil kailangan, ligtas naman kaming nakalabas ng bahay.

Marahil mga 30 minuto tumagal yung lindol. Maya maya, lumindol ulit ng mas malakas at halos mabitak ang mg lupa.

Ano ba nangyayari?? Sabi ng mga kapatid ko na takot na takot, gusto ko mang sagutin ang tanong nila, pero hindi ko magawa dahil ako mismo ay naguguluhan,

At matapos huminto ay lumindol ulit.

Ano ba talaga ang nangyayari? Kitang kita ko na ang bahay namin na nawawasak habang nalidol. Sa lakas nito, halos lahat ng bahay sa paligid buwal na, kitang kita ko ang kapitbahay namin na nadaganan.

Maya maya lumindol ulit. At sa kasamaang palad, bumukas ang lupa sa harapan namin. Kamuntikan na kami buti na lang at nakatakas at nakalayo kami, pero sa kasamaang palad, sa pagiwas namin sa guho. Gumuho na din ang malaking bahay sa tabi namin at matatabunan na kaming magkakapatid, pero naitulak kami ng mga magulang namin at sila ang nadaganan.

Sa sobrang pagkabigla ko sa pangyayari. Natigilan ako at nanigas ang mga katawan ko. Natignan ko na lang sila pero wala akong magawa habang natatabunan sila

Nang matauhan na ako, tumakbo ako patungo sa guho kaya lang ay lumindol ulit ng napakalakas at nagbukas an lupa sa harapan ko. Nilamon niya ang guho na tumabon sa kanila kasama sila. Napaluhod na lang ako sa sobrang galit ko sa aking sarili. Sumigaw ako ng napakalakas. Tumigil na ang lindol pero hindi tumigil ang pagsigaw ko. Kaya lang, hindi marinig ang sigaw ko dahil andami din ng sigaw na uamalingaw-ngaw sa paligid.

Hindi ko mapigilang magtanong, ng bakit?

Bakit??

Bakit??

Bakit??

.

.
.
.
.

........

BAKIT??

FREEDOM Online (Virtual Game)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon