Chapter 17:

1.5K 97 2
                                    

Kinabukasan, maaga namin sinimulan ang panibagong simulain.

Dahil sa bagong strategy na natutunan namin, madaling nakapag palevel ang mga low level players dahil mas kinakaya nilang harapin ang mga malalakas na monsters.

Halos 300 ang lahat ng kasama sa scout regiments may iba na nakabili na din ng skill na Sword Mastery kasama na doon si William, si Sara naman ay malapit na din naming mabilhan ng Skill.

Patuloy ang pagscan namin sa Area. Ngayong araw ay nagpasya kami na sa labas ng Prontera magpahinga kapag inabot ng Dilim kaya nagdala kami ng gamit pangkampo.

Dahil marami naman kami,magsasalitan na lang kami mamayang gabi sa pagbabantay.

Sa ngayon patuloy ang aming paglalakbay at malapit na kami sa hangganan ng mga lugar na una naming nascan.

Dahil malapit na kami sa hindi pamilyar na lugar, minabuti namin na bagalan ang galaw namin. Mabagal at ligtas.

Sa patuloy naming paglalakbay ay malaki na din ang nascan namin na area. Ang kagandahan dito ay tama nga kami dahil may iba pang quest na naghihintay sa amin.

Isa na dito ay bagong Skill, Bow Mastery. Isang Quest na maaaring makuha namin sa archer's village.

Kaya nagpulong pulong muna kami. Maari itong kunin ng kahit sinong players pero kagaya ng Sword Mastery, may bayad din ito. Na 5,000 rupees. Alam kong matutuwa si Sara. Kaya matapos ang ilang araw ng pagscan. Nakaipon na kami ng para sa skill ni Sara.

....
1 buwan na ang nakalipas mula nang maging totoo ang Freedom online at bigla na lang na nalagay sa panganib ang buhay ng bawat isa.

Matagal tagal na din kaming nagsesearch at scan ng area, kaya lang ay puro passive na skill pa lang ang nakukuha namin kagaya ng, Sword Mastery, Bow Mastery, knife Mastery, axe Mastery, mace Mastery at knucle mastery na lahat ay nagboboost ng attack damage ng certain items.

Marami na sa amin ang may skill, at halos matataas na din ang level ng bawat isa.

Sa ngayon ay level 40 na ako, pagdating sa level na ito ay medyo mahirap na ang magpalevel dahil halos kapareho ko na lang ang level ng mga monster na nakikita namin kay mababa na ang exp. Na nakukuha ko.

Patuloy pa din ang  pagscan ng area kaya lang hanggang ngayon ay wala pa din kaming balita sa mga guild na sumama sa raid.

Maging si Jasmine ay hindi ko makontact. Ganoon din ang iba, hindi din nila macontact ang mga kaibigan nila na sumama sa raid.

Nang araw din na iyon, may isang masaklap na pangyayari ang biglang gumulat sa amin.

Nagkaroon ng pop-up screen sa bawat isa sa amin.

*wangwang alarm sounds

"System update." ano to? Wag mong sabihin na may update din ito kagaya sa totoong laro?

"All kinds of Teleport Gems, Crystal and other related items that could put you to other place will be disabled in..."

"5.."
"4.."
"3.."
"2.."
"1.."

"All teleport related items our now disabled. You may now throw it or sell to any npc. Thanks." sabay naglaho ang pop-up screen.

Teka, hindi tama to, kung walang teleport gem. Hindi kami ligtas dito. Maaring mapaligiran kami ng maraming monsters.

Teka, kung walang teleport gem, pano na yung mga guild na sumama sa raid?

Pinilit kong makontact si Jasmine kaya lang ay wala pa din talagang nangyayari.

Dahil sa biglaang pagbabago sa laro, minabuti namin at ng buong scout regiment na bumalik upang mabago at maisaayos ang plano.

Nang makabalik na kami ay muli kaming nagpulong pulong. Marami sa amin ang pinanghinaan na ng loob dahil sa balitang ito.

"Paano ito? Mas maba na ngayon ang survival rate natin sa oras na lumabas tayo ng prontera?" sabi ng isang player na kasama namin.

Marahil nga tama siya, dahil isang paraan para makaiwas sa malakas na kalaban ay magteleport na lng pabalik sa town.

Kaya lang, ipinaliwanag ko sa kanila na sa ngayon ay wala pa naman akong nakikita na flaws sa strategy na ginagawa namin.

Hanggat maari naman ay hindi kami agad na susugod sa kalaban at sa mga lugar na hindi kami pamilyar.

Dahil dito ay medyo kumalma na ang isip ng iba, dahil kita nila kung gaano ka epektibo ang strategy na ginagawa namin.

Hinayaan muna namin na tuluyung kumalma ang damdamin ng bawat isa.

Makalipas ang dalawang araw, muli kaming nagbalik sa ginagawa namin na pagscan ng area. Kaya lang nakareceive kami ng ng isang message mula sa mga kasama sa raid.

Pumunta kami sa pinaka main road na dinaanan nila. Maya-maya, may natanaw na kaming ilang grupo ng tao. Agad namin silag nilapitan.

Laking gulat namin ng malaman namin na ito ang grupo ng mga tao na sumama sa raid.

Kaya lang, kung hindi ako nagkakamali, halos umabot ng 3000 ang kasama sa raid na binubuo ng iba't-ibang guild.

Kaya lang sa nakikita ko ngayon, wala pang limang daan ang bilang ng mga naglalakad pauwi.

Gusto sana namin silang kamustahin kung ano ang nangyari, kaya lang nang makita namin ang mga mukha nila na ang didilim at ang bibigat. Minabuti na muna namin na hayaan silang makauwi.

Nang mabalik ako sa ulirat. Naalala ko si Jasmine at agad ko siyang hinanap. Laking tuwa ko ng makita ko siya.

Nang makita kong akay-akay niya ang kuya niya, agad ko siyang nilapitan at tinulungan.

Ang mga kasama sa scout regiment ay nakapaligid sa mga tao para protektahan sila kung sakaling may monster na lumabas.

Dahil Hp bar lang ang nagreregenerate, hindi pa agad bumabalik ang lakas nila, malaki ang pinsala na natamo ng karamihan sa kanila, hindi ko alam kung ano ang pinagdaanan nila, pero kita mong matindi iyon.

Pagkadating sa town ng prontera, agad muna namin silang pinagpahinga, minabuti namin na bukas na lang sila tanungin tungkol sa paglalakbay at marahil trahedya na pinagdaanan nila.

Kitang kita ko ang pagkawalang pag-asa sa bawat isa. Maging ang mukha ni Jasmine. Ano ba ito?

FREEDOM Online (Virtual Game)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon