Pagkauwi, nagsimula na ulit naming ibahagi ang mga information na nakalap namin.
Binibigay namin ito ng libre, para makatulong sa iba naming mga kasama sa bayan.
Madalas talaga, ang kabaitan ay nasusuklian. Kusa silang nagbibigay ng bayad kahit tinatanggihan namin. Sa huli. Napilitan na lang akong tanggapin dahil malaking tulong iyon para sa aming magkakapatid.
Gabi na nung mga oras na iyon pero bigla akong nilapitan ni William.
"Kuya, bakit kaya hindi tayo magrecruit ng iba pang players na makakasama natin sa pagscout sa lugar,
Mas maganda kase kapag mas marami eh, tsaka wag nating solohin yung strategy na nakuha natin.
Matalo ang game na ito ang pinaka layunin natin." seryosong sinasabi ni william ang mga bagay na ito habang pauwi na kami.
Ang totoo, naisip ko n din naman iyon. Ngayon nga lang dahil dalawa na kami, mas naging kampante ako na ituloy ang balak ko.
"Sige, bukas kausapin natin ang iba pang players. Pero ipaalam na din natin na pupulungin natin sila.
Kaya ganoon nga natapos ang araw namin. Hinayaan muna namin na umabot ng kinabukasan saka kami nagpatawag ng pulong sa ilang mga player.
Nang medyo marami na ang dumating, nagsimula na kami sa tunay na agenda kung bakit kami nagpulong.
Noong una, ayaw ng iba dahil sa panganib na kalakip nang gagawin namin. Pero nung huli, marami din naman akong nakumbinsi.
Bago kami mag umpisa, naghanap kami ng isang lugar kung saan maari naming ituro lahat ng nalalaman namin tungkol sa mga lugar na napuntahan namin.
Karamihan sa mga pumunta ay mga taong wala pa talagang experience sa kahit anong rpg games. At kadalasan pa ng andito ay puro mga low level.
Pinaghiwalay muna namin ang mga may ideya na tungkol sa takbo ng ganitong laro at mga taong wala talaga.
Dahil walang ibang magtuturo, inuna ko munang turuan ang mga bago. Kasama ko din si William kahit suporta lang muna sa pagtuturo.
Malakas kase ang pick-up ng utak niya kaya agad niyang natututunan ang mga bagay-bagay.
Kaya lang minabuti ko na obserbahan muna niya ang takbo ng mga ganitong bagay. Makalipas ang ilang oras inabot kami ng tanghali.
Minabuti namin na mananghalian muna at pagkatapos ay bumalik sa nasimulan namin.
Dahil tapos na sa basics. Tinuro naman namin sa iba ang mga mgagandang lugar magpalevel. Kung anong klase ang mga monster at kung paano tatalunin.
Dahil medyo kumplikado ang mga bagay na ito, inabot kami ng buong araw. Nang malapit ng mag gabi, minabuti namin na ipagpabukas na ituloy.
May ibang umayaw pero may mga naiwan pa din.
Akala ko nasayang ang oras nila dahil hindi sila makapaghunt. Pero may isang player na lumapit sa akin.
"Pre, salamat ha? Malaking bagay ang naituro mo. Kase mas nadagdagan ang tyansa ko mabuhay sa laro na ito. Bukas ulit. Asahan ka namin."
Sabi ng isang lalaki na kitang kita ko na talagang masaya.Akala ko abala itong bagay na ito. pero, malaking bagay pala itong gagawin ko. :) lalo na sa ibang players.
Ganito natapos ang unang araw ng plano namin.
Kinabukasan ay ipinaliwanag na namin kung anong klaseng strategy ang natutunan namin.
Pinangalanan namin na switch para magkaroon ng palatandaan kapag magpapalit na ng atake. Halos buong araw namin na pinagpraktisan iyon sa loob ng prontera.
Dahil medyo nahirapan silang makuha ang timing kaya medyo nagtagal, ayaw ko namang isugal ang buhay ng mga kasama namin.
Kinabukasan, dahil alam kong hindi maiiwasan na makaharap kami ng mas malakas na monster, sinubukan na namin na iapply sa tunay na laban ang mga natutunan nila.
Nang makakita kami ng monsters na mas mataas ang level sa kanila, agad namin pinasugod sa kanila.
Noong una ay nahihirapan sila na gawin ang aming napagensayuhan. Pero di nagtagal. Nakuha din nila.
Hindi muna kami lumayo sa mga lugar na naiscan namin para mas malaki ang pursyentong maging ligtas.
Buong araw namin na sinanay ang ganitong gawain hanggang makabisa ng mga kasama namin ang tungkol sa strategy na ito.
Makalipas ang buong araw. Nagpasya kami na bumalik na upang magpulong at tignan kung ano ang naging progreso ng nagawa namin.
Nang nasa bulwagan na kami. Nakita namin na halos lahat ng kasama namin ay nakuha na kung paano tumatakbo at kung paano nangyayari ang strategy.
Maya-maya. Naalala ko ang ideyang parehong pumasok sa isip ko at ni William kaya hiniling ko na makinig ang lahat.
Ipinaliwanag ko kung gaano kahalaga ang pagscan ng area bukod sa mga ginawa na raid ng mga guild.
Pinaliwanag ko nang mas malinaw at ipinakita na maaaring marami pa ang lihim sa laro na ito na naghihintay lang na madiskubre.
Isang halimbawa na doon ang skill na Sword Mastery. Malaki kase ang tyansa na maaring may iba pang skill na naghihintay sa amin sa labas ng mga pader ng Prontera.
Hinikayat ko na sumama ang mga andoon sa bulwagan sa pagscan sa area. Lahat ng map info ay isshare namin sa bawat isa. Kung may items man o pera na makuha, maari nang itabi ng kung sino ang nakakita.
Sa pagtatapos ng aking panghihikayat. Marami ang umayaw, marami ang gustong maging ligtas.
Marami ang nais manatili sa kumportable nilang kinalalagyan. Marami ang natatakot at nagdadalawang isip. Marami ang nagdududa. Marami din ang nagiisip na ako ay baliw at ang iba naman ay iniisip na kami na lang.
Nang mapansin ko ito, muli akong nagsalita.
"Hindi ko pipigilan ang lahat ng ayaw sumama, hindi ko kayo pipilitin na magpalakas at ibuwis ang inyong buhay upang makatulong sa iba.
Kaya lang, alam kong natatakot ang halos lahat sa atin maging ako at ang mga kapatid ko ay natatakot din.
Marami sa atin ang nawalan ng mahal sa buhay at naiwan na nalulungkot pa din.
Karamihan sa atin ay namatayan ng sumugod ang mga monsters. Dahil sa level nila, wala talaga tayong magagawa...
Noon.Pero bago kayo umalis, gusto kong isipin muna ninyo na hindi tayo nakakasiguro kung hanggang kailan tayo magiging ligtas sa loob ng bayang ito.
Para tayong mga hayop na nakakulong sa hawla.
Mas malaki ang tunay na mundo. Pero andito tayo at natatakot sa mga monster na mas mataas ang level.
Sa ganitong laro, lamang ang mas mataas na level.
Hinihikayat ko ang bawat isa sa atin na magdesisyon sa mga oras na ito.
Hindi lang para sa sarili natin kung hindi para din sa mga mahal natin sa buhay.
Matapos kong magsalita. Nakatingin lang ang mga tao sa akin. Inisip ko nang nabigo ako pero biglang may pumalakpak hanggang sa ang halos lahat ay pumalakpak na din.
Matapos ito. Nagdesisyon silang lahat at lumapit sa akin. Tinanong kung ano ang plano ko.
Ipinaliwanag ko na gagawa kami ng party na binubuo ng 6 members. Hindi masyadong malalayo ang agwat ng bawat party sa gayon ay madaling makahingi ng tulong ang bawat isa kung sa halimbawang magkaproblema man.
Sa ganitong paraan, medyo malawak ang sakop ng pagscan namin ng area.
Tatlong party ang magkakasama para mas siguradong ligtas.
Sa ganitong strategy, nagustuhan ng iba ang planong ginawa ko sa tulong ng kapatid ko na si William.
At matapos ang pagpupulong, napagisipan ng bawat isa na pangalanan ang grupo namin at tinawag ito na Scout Regiment.
BINABASA MO ANG
FREEDOM Online (Virtual Game)
General Fictionisang laro na susubok sa kakayahan ng mga manlalaro. masusubok ang katalinuhan, diskarte, katatagan at katapangan. kaibigan o prinsipyo? pag-ibig o pangarap? katanyagan, karangalan at kayamanan ang naghihintay sa sino mang makakaabot hanggang huli. ...