"ang daming tao ah. pero malamang yung iba dito newbie pa lng. wala pa talagang alam sa mga vmorpg(virtual multiplayer online role playing game) na kagaya ng ganito" wika ni ase habang naglilibot sa parke na main respawn point kapag unang sali pa lang sa game
"ang lahat ay inaanyayahang pumunta sa gitna ng Siyudad upang mapakinggan ang pagbati ng Game Master(pinakamataas ang commands na kayang gawin sa laro, kadalasang sa nga creator lng ng game ibinibigay ang pribilehiyong ito) ng laro na ito." tunog ng System na rinig sa buong part ng game.
unti unting napuno ang bilog na parke na may sukat na kulang kulang tatlong kilometrong diyametro.
"oras na para sa opisyal na pagbubukas ng laro" wika ni Ase habang naglalakad papalapit sa sentro ng bayan.
may isang malaking Character na nakasuot ng itim na hood at animoy isang kulto na nasa gitna. "mga minamahal kong manlalaro, binabati ko kayo sa unang araw ng laro na ito. kadakilaan, kayamanan at katanyagan ang naghihintay sa inyo sa huling lebel ng laro na ito. ang sino mang makatapos ng laro na ito ay magagantimpalaan. kaya pagbutihan niyo" at unti unti nang naglaho ang Game master sa gitna.
nagbukas na ang tarangkahan ng bayan at opisyal na ngang nagsimula ang laro pero hindi agad umalis si Ase at naglibotlibot muna siya sa bayan.
"haha, masyado kayong nagmamadali" sinabi niya ito habang nakita ang napakaraming tao na naguunahan upang makalabas sa mga tarangkahan.
"makapagikot-ikot nga muna" wika uli ni Ase habang natingin sa mga Sign ng tindahan sa mga Npc stores
(NPC- non-player Character, sa madaling salita, mga customize character na nakaprogram para sa isa o higit pang mga task para sa kanya)"bibili muna ako ng items" wika niya habang papasok sa item shop. may nakita siyang ilang mga player sa loob pero hindi niya pinansin at agad na dumiretso sa npc merchant at namili ng mga kailangan niya.
"10 red potion, isang teleport gem, isang blangkong mapa, compass, at guide book na nakuha ko ng libre. siguro ayos na to." wika ni Ase
"mukhang alam na alam mo ang ginagawa mo ah? ahaha" wika ng isang lalaki na nasa likod niya at hindi niya napansin ang pagdating.
"hindi ako kagaya ng iba na masyadong OA na ang tingin sa laro na ito ay parang pacman o zelda at iba pang pangbata na laro. sayang ang experience na makukuha mo (experience ang nakukuha sa mga laban o kaya ay mga NPC para maglevel up) sa mga mobs(mobs- tawag sa mga monster sa loob ng game) kung mamamatay ka lang"
"isang tunay na gamer, haha. inalam mo muna talaga ang laro bago mo ito simulan no?" wika ng lalaki "yan ang mga gusto kong kasama, nga pala, ako si Klyne"
"ako si Ase, sige alis na ako"
"ayaw mo bang sumama sa akin at bumuo ng party?" (tawag sa grupo ng mga players na magkasamang naglalakbay at naghahati sa experience upang mas makakuha ng mas malaking experience sa pamamagitan ng ng paghuhunt ng mga mas malakas na mobs)
"pasensiya na, pero mas gusto kong maglaro ng solo dahil kadalasan pabigat pa ang mga kasama lalo na kapag walang alam."
"haha, grabe ka naman? ang pangit ng tingin mo sa mga taong nakakasalamuha mo no. wala ka bang tiwala sa iba?" wika ni Klyne
"sa realidad, yan ang katotohanan, madalas yung mga nakakasama mo walang utang na loob sayo. mas malala pa, pagtalikod mo, ang dami nilang sinasabi sa iyo."
"haha, grabe ka pre, pero ang masasabi ko lang, wag mong lahatin. hindi lahat ng tao masama, hindi lahat ng tao pagtatrayduran ka." wika ni klyne habang nagkakamot sa ulo at iniisip paano ipapaintindi
" di bale na nga, kung ayos lng, iregister kita bilang friend ko. siguro darating yung time baka kailanganin natin yung tulong ng isa't isa, tska unlimited naman ang pwede mong iregister eh. kaya wala din naman na mawawala sa'yo." wika ni klyne sabay abot ng kamay kay Ase
"haisst, sige na nga" ani ase sabay labas ng character info nila at may nagpop-up sa harapan nila na parang may 3d screen sa harap nila virtualy.
"haha, yan, iinvite kita accept mo na lng, Ase pangalan mo diba? alam mo buti na lang may special unique features ang name dito no? na kahit magkapareho ng pangalan, alam mo pa din kung sino yung hinahanap mo." sabi ni klyne habang ngiting ngiti ang mukha habang iniinvite si Ase
accepted, nagprompt sa screen sa harap ni Ase matapos mainvite ni klyne.
"Sige, aalis na ko, magsisimula na akong magpalevel." wika ni ase habang papalabas sa npc shop.
BINABASA MO ANG
FREEDOM Online (Virtual Game)
Ficción Generalisang laro na susubok sa kakayahan ng mga manlalaro. masusubok ang katalinuhan, diskarte, katatagan at katapangan. kaibigan o prinsipyo? pag-ibig o pangarap? katanyagan, karangalan at kayamanan ang naghihintay sa sino mang makakaabot hanggang huli. ...