ilang oras pa ang nagtagal ang labanan sa pagitan namin at ng mga Titans, sa ilang oras na iyon nakakuha ako ng ilang levels kaya mas napadali ang pakikipaglaban namin sa mga Titans.
maya maya ay may nagpop-up sa screen ko,
*System
"You earned the Title Titan killer! for killing 50 Titans"
teka, naka 50 na ba ako? kasama mga last hit ko? at patuloy kong tinignan kung ano ba itong Title na ito.
mayroon siyang description sa ibaba,
*"If equipped, receive 10% less damage from Titans.
increase 30% more damage to Titans"
*"Do you want to equipped Title?"
"aba syempre yes."
wow, at matapos kong mapindot ang ok button ay tinignan ko muna ang info Window ko at nakita ko nga doon,
Name: Ase
Level: 55
Title: "Titan KIller"
wow ang astig, haha, hindi ko napansin lumapit na pala si William sa tabi ko
"KUYAAA, Baliw ka ba? bakit ka tumatawa na gitna pa tayo ng labanan" malakas na sigaw ni William, hahaha, hindi ko napansin, nakalimutan ko. at muli akong bumalik sa labanan.
ngayon dahil sa level upgrade at dahil sa bonuses na naibigay sa akin, mas madali na sa akin ang magpatumba ng mga Titans.
ilang oras pa ang nakalipas ay naubos namin ang mga Titans sa paligid namin.
nakakalungkot lang at may iba pa din na namatay sa kabila ng pag-iingat namin.
nang marinig ko na may namatay, napawi ang tuwa ko. akala ko sapat na iyon. matapos naming muling makapag ayos ng sarili ay muli kaming naghanda upang magpatuloy sa paglalakbay. ilang oras na lang at malapit na magdilim.
na makarating na kami sa bukana ng Den's Forest. minabuti namin na dito na lang muna magkampo dahil mahirap na at baka abutan kami ng dilim sa loob.
hindi kami masyadong sigurado kung ano lahat ang monster doon at malamang ay may mga night crawler na naman ang lilitaw. kaya nga night diba?
pero, tinitignan ko ang bawat isa, nakita ko si Philip na lumapit sa mga kapatid ko at inabutan ng pagkain.
nabuhay siya sa ekspedisyon nila dati pero ang mga kasama niya ay hindi nakaligtas.
nasa 20 ang nabawas sa amin sa kabila ng pagiingat na ginawa namin pero maging ako ay talaga namang nabigla din.
habang kami ay nagpapahinga, lumapit sa akin si Jasmine at nagpasalamat sa tulong na ginawa namin kanina.
"Ase, salamat kanina huh? kung hindi ka dumating siguro wala ana ako ngayong" pangiting sabi ni Jasmine
"wala Yun, kung ikaw din siguro ang nasa kalagayan ko, baka ganoon din ang gawin mo." pangiti kong sagot sa kanya. gusto ko sanang ibahagi sa iba ang natuklasan kong bonus na Title, kaya lang ay baka hindi ito ang tamang oras para doon.
"sige Ase,puntahan ko muna ang iba nating mga kasamahan" wika ni Jasmine sa akin at tuluyan na siyang lumapit sa iba.
matindi ang mga pangyayari sa araw na ito, sana ay makayanan namin hanggang dulo kung ano pa man ang kakaharapin namin. maya-maya, si William at Sara naman ang lumapit at nakipagusap sa akin.
"Kuya, kamusta ka na?" sabi ni William habang ngumunguya ng patatas ata iyon.
"ito, gwapo pa din, ahaha" sabaw ngiti ko kay Sara.
"kuya, puro ka Joke noh?" pang inis na sagot ni Sara, hayyy, ganito talaga itong mga kapatid ko na ito eh, madalas ayaw akong suportahan. hahaha
"pero kuya, realtalk." seryosong nagsalita si William.
"malaki ang nagbago sa'yo" dugtong pa niya.
"ano naman yun?" patanong at tipong gulat kong tanong sa kanya dahil biglaan ang pagbabago ng atmosphere.
"dati kase kuya, tinatago mo lang ang concern mo sa ibang tao. ayaw2 mong ipahalata na nagaalala ka sa iba pero kitang kita naman sa mga ginagawa mo. katulad sa amin dati,
maraming palihim na bagay kang ginagawa na akala mo hindi namin alam kung sino, pero alam namin na ikaw yun kuya." seryoong sabi ni William.
"ngayon, hindi mo na maitatago, at pansin na ng madami kung paano mo pahalagahan ang iba lalo na ang scout regiments." dugtong pa niya. tumango din si Sara at ipinakita ang pagsang ayon sa sinabi ni William.
masyadong Seryoso ang atmosphere kaya hinawakan ko sa ulo si Sara at William at sinabihan na matulog na. ang totoo, ayoko naman talaga ng mga ganitong usapan eh. nakakapawis ng todo.
matapos ang usapan na iyon ay pinagpahinga ko na sila.
kinabukasan ay maaga kami muling nagsimula sa paglalakbay, pinasok na namin ang Den's Forest at kagaya ng napagusapan, nanguna ang scout regiments sa mga puno. dahil dito tumaas ang survival rate namin at mas maaga naming napaghahandaan
ang panganib na kinakaharap namin.
patuloy lang ang ganitong pagsubok, sa ngayon ay payapa lang ang kagubatan, wala kaming masyadong nakakaharap na kalaban bukod sa pa lima-lima o kaya ay mabibilang lang talaga kaya kaya naman namin labanan ng hindi kami nahihirapan.
dahil dito ay medyo naging kampante kami kaya minabuti namin na biloisan pa ang takbo ng aming paglalakbay.
maya-maya, dahil sa hindi normal na sitwasyon ay minabuti muna namin na huminto. tinalasan namin ang aming pagbabantay at mas naging alerto. maya-maya ay nagsimulang yumanig ang lupa at may malalaking parang larvae na lumabas sa lupa, 12ft ang haba nito at nasa 3ft ang taas.
ang nakakabahala dito ay ang kulay nito na kulay purple.
Argiope
Level 65
"ano ito?" tanong ng isa sa mga kasamahan namin, bigla na lang may sumigaw at nakita namin na naging kulay ube na siya.
"MAG-INGAT KAYO! MAY LASON ANG MGA IYAN!" sigaw ni captain irvin
kaya lang ay madami na ang tinamaan, madami ang argiope na lumabas at sa laki nito, nadaganan ang mga players na nadadaanan nito. ang isa pa na mahirap dito ay hindi masyadong effective ang mga physical damage namin dahil medyo malambot ang katawan nila kaya naaabsorb nila ang karamihan sa mga atake namin.
madami ang natataranta, at lubhang hindi alam ang gagawin dahil sa pagkabigla.
"Umakyat kayong lahat sa puno!" sabi ni Philip at ng magawa namin ito, mapalad kaming hindi nagawang makaakyat ng mga argiope sa puno. kaya lang ang mga supply namin ay naiwan sa ibaba.
matindi ang pinsala na natamo ng karamihan at kitang kita namin ang pagdeplete ng buhay ng mga players na nalason ng argiope.
mayroon kaming mga antidote kaya lang ay nasa mga karwahe at sa dami nito ay hindi namin kayang bitbitin sa ibabaw ng puno.
"Mga shield user's, iLure ninyo palayo ang mga argiope. gawin niyo silang abala habang ang mga mabibilis na players ay kukunin ang supply natin!" isang matapng na command mula kay captain Irvin.
matapos niyang gumawa ng senyas, ay inumpisahan na namin ang planong sinabi niya.
dahil hirap kami sa argiope, hindi namin pinilit na kalabanin sila. pero nagtagumpay naman kami na makuha ang mga antidote at ang ibang supply. kaya lang dahil dito, hindi namin madala ang ibang supply kaya limitado na lang ang mga dala naming pagkain at iba pang kagamitan.
hindi naman namin pwedeng isiksik sa mga inventory window namin dahil kapirasong space lang ang given sa game na ito.
matpos mailigtas ang mga napoison, minabuti na namin ang muling magsimula na maglakbay, ngayon naman ay sa ibabaw ng mga puno.
hindi ko alam pero habang papalayo kami sa bungad at palalim kami ng palalim sa den's forest, mas lalong humihirap ang mga bagay. malayo pa ang aming lalakbayin at hanggang ngayon ay malabo pa din sa amin kung ano pang mga pagsubok ang naghihintay sa amin
BINABASA MO ANG
FREEDOM Online (Virtual Game)
Genel Kurguisang laro na susubok sa kakayahan ng mga manlalaro. masusubok ang katalinuhan, diskarte, katatagan at katapangan. kaibigan o prinsipyo? pag-ibig o pangarap? katanyagan, karangalan at kayamanan ang naghihintay sa sino mang makakaabot hanggang huli. ...