Chapter 37: Disaster

1K 53 2
                                    

Kinabukasan, nakahanda na ang bawat isa sa paglalakbay patungo sa bayan ng Rai.

gusto ko sanang isama si Jasmin pero nasa misyon sila, mabuti na lang at nakasama ang dalawang kapatid ko at ang scout regiments.

sa ngayon ay nasa 50 na lang ang miyembro ng team namin na scouts. bagamat kaunti lang kami, higit sa lahat ay buo ang tiwala ko sa mga kasamahan ko na ito.

matapos maikarga ang mga pagkain at supply nagsimula na kami sa paglalakbay. walang naging aberya patungo sa pader na naghihiwalay sa lugar namin patungo sa mga orc, makailang oras din bago kami nakarating dito. at pagpasok namin ng tarangkahan ay muli kong pinahanda ang mga kasamahan ko para sa ano mang maaaring mangyari o kung may pagsalakay man na magaganap.

nakapagbigay naman ng malinaw na mapa si Judith sa amin subalit sadyang malayo talaga ang bayan ng Rai at sa palagay ko ay hindi kami makakarating sa loob ng isang araw.

Sa ngayon ay payapa naman ang lahat ngunit minabuti pa din namin ang maging handa dahil sadyang hindi kami.pamilyar sa mga lugar dito.

nang makahanap kami ng isang lugar na maganda pagkampohan ay minabuti namin na dito muna manatili.

inihanda namin ang paligid at nakahanda na din ang mga magbabantay. mas makakabuti sa amin kung sa umaga kami maglakbay upang mayroon kaming lakas makipaglaban.

sa paglipas ng gabi ay payapa naman ang lahat. kaya minabuti ko at ng maga kasama ko na samantalahin ang pagkakataon.

kinabukasan, hindi pa nasikat ang araw ay nagsimula na kaming maglakbay upang mapabilis at mabawi namin ang oras.

nakakapagtaka lang at tila masyadong payapa ang lugar hindi katulad dati noong nakapunta ako sa lugar na ito na sadyang napakarami ng mga orcs. ngayon ay wala kaming makitang bakas ng pinagkampuhan nila.

dahil dito ay nilubos lubos namin ang pagkakataon, kay lang ay masama ang kutob ko at hindi ako kampante sa angyayari dahil tila ba may kakaibang nangyayari.

nang malapit na kami sa bayan ng Rai, ay maingat kaming lumapit at nang tanaw na namin ang Bayan,

nanlumo si Judith sa mga nakita niya.

wasak na ang Bayan wala nang mga players subalit malamang ay nadelete na sila ng game dahil namatay na sila.
nakakapanglumo ang lugar. base sa itsura nito, malamang ay ilang araw na din ang lumipas ng mawasak ang lugar na ito. guho ang lahat ng bahay at talagang walang natira ni isa mang nakatayo.

patuloy pa din kami sa pagikot at nagbabakasakaling may natira subalit talagang naubos lang ang lahat.

Si Judith ay nasa isang sulok at umiiyak, sinamahan siya ni Sara at sa ngayon ay hinayaan ko lang siya umiyak. Ramdam ko ang kabigatan na nadarama ni Judith at alam ko na makakabuti kung iiiyak na lang muna niya ito.

sa kabilang banda, patuloy pa din kaming naghanap ng mg bakas sa kung ano man ang nangyari dito. kita sa lugar ang bakas ng labanan pero hindi mawari kung sino at ano. pinagpalagay ko na lang na mga orc ang kalaban nila.

Makalipas ang ilang oras ng pagpapahinga namin ay nakatanggap ng mensahe ang bawat isa sa amin at agaran kaming pinapabalik sa bayan.

"Kasalukuyang inaatake ang Bayan ng Centropolis!
Ang lahat ay tinatawagan para sa agarang pagdepensa!" isang matinding panawagan sa mensahe.

Talagang hindi maganda ang pakiramdam ko dito kaya kahit mabigat man sa loob ko pinilit na naming isama si Judith pabalik dahil hindi makakabuti sa kanya ang manatili dito.

Nang handa na ang lahat ay agad kaming kumaripas sa paguwi. Mabilis naming pinatakbo ang aming mga kabayo. Kung maaaring  paliparin ang mga ito upang makarating kami ay gagawin ko.

"Ase, asan kayo?" isang mesahe na nagpop-up sa screen ko mula kay jasmin.

Nang masagot ko ang kanyang mensahe ay nakapagrply din agad siya at nabatid niyang papunta pa lang din sila sa Bayan dahil galing sila sa ibang misyon.

Panay ang mensahe sa amin ng guild na agad nang bumalik pero hindi nalinaw kung sino ang umaatake.

Hindi sila magmemensahe ng ganito kadesperado kung ordinaryo lang ang kalaban dahil isa pa ay nasa bayan ngayon si Roland ang guild Leader ng Order of the Eagles, bukod pa dito ay siya din ang nangunguna sa mga class S players.

"Ano ba talaga ang nangyayari kuya?" wika ni Sara dahil katabi lang ng kabayo ko ang kabayo niya.

"Hindi ko alam, miski ako ay naguguluhan din" seryoso kong sinabi sa kanya.

"Tara bilisan pa natin"  dugtong ko pa pero sobrang napakalayo pa talaga namin sa bayan ng Centropolis. Hindi ko alam kung pagkadating namin ay may maaabutan pa kami pero sana ay maabutan namin ng maayos ang bayan.

Marahil ay mas makakalahati ng oras ang bilis namin ngayon pabalik dahil full speed ang takbo ng kabayo. Sana nga lang ay magtagal ang mga kabayong ito dahil bagamat computer geberated sila, may limitasyon din ang full speed nila a pagtakbo.

Gabi na ng kami ay makarating sa lugar kung saan ay matatanaw mo ang bayan.

Grabe.

Maliwanag ang bayan, hindi dahil sa mga ilaw ng bayan kundi sa apoy.

At nakapaligid sa bayan ay libo libong mga orcs.

Sa sobrang pagkagulat ko at nahaluan kaagad ng takot ay nanatili ako sa pwesto ko kung saan tanaw namin ang bayan.

Agad akong nagmensahe kanila Captain Irvin, Philip, Jasmin at iba pa. Ang iba ay walang sagot. Sila Jasmin naman ay nasa kabilang parte ng labas ng Bayan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin dahil sa nakita ng mga mata ko at kahit anong pagcocompute ang ginawa ko. Matatalo lang talaga kami dito.

Akala ko ito na ang malala subalit. Maya maya ay nakarinig kami ng malakas na tambol at tunog. Palakas siya ng palakas at tila ba lumalapit sa amin at habang papalapit ito ay unti-unting yumayanig ang paligid.

Isang malaking hukbo muli ng mga Halimaw ang dumating at ngayon ay parating na ito malapit sa amin.

Nagkasama na din ang grupo namin, nila Jasmin at ng iba pa na hindi nakapasok sa bayan.

Hindi ko alam kung dito na ba matatapos ang laro na ito.

Dito na ba matatapos ang lahat? Sa Game Over?

Napayuko na lang ako at napangisi. Kung dito na matatapos ito, siguro mamamatay akong may dignidad at masasabing hindi ako sumuko sa huling hagok ng hininga ko.

Humanda na ang bawat isa sa amin upang makipaglaban. Nakahanda na ang bawat isa at alam kong pare pareho kami ng iniisip.

"Oo, Mamamatay na nga kami dito." ito yung tinig n sumisigaw sa loob ng puso ko.

Boses na pilit kong nilalabanan pero naguumalsa siya at gustong ipamukha sa akin na talagang mamamatay na kami dito.

Tumingin ako sa mg kapatid ko at ngumiti. Akala ko sapat na ang lakas ko para maipagtanggol sila.
ito na ba yung panahon kung saan magsisimula na kaming magpaalam?

Ang iba sa mga kasama namin ay umiiyak na, nakarinig kami ng pagsabog mula sa bayan at winawasak na ng mga monster ang pader. Ito na ang huling depensa ng bayan at sa oras na mawasak ito, katapusan na ng Bayan.

Pumagitna ako sa mga kapatid ko at alam kong mgkakasama kaming lalaban sa huling pagkakataon. Muli ko silang nginitian at nagpaalam.

FREEDOM Online (Virtual Game)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon