Chapter 36: katotohanan

1K 49 0
                                    

Makalipas ang ilang oras, nakarating na din kami sa tarangkahan ng bayan ng Centropolis. Maliwanag ang bayan mula sa malayo kaya kapag gabi ay nakakaaliw ang pagmasdan ito mula sa labas ng pader kung hindi lamang mapanganib.

Nakatulog pala siya kaya ng makarating kami sa tinutuluyan namin ay sinalubong ako nila Sara kaya nagpatulong ako par kay Judith.

Minabuti ko na s kwarto ko na muna siya matulog at sa sala na lang ako.

Nang maihatid ko na si Judith sa kwarto ay agad akong tinanong ng tinanong ng kapatid kong si Sara.

Haissttt.. .

Ang ingay talaga ng kapatid kong ito, hehe. Biruin mo yung pagod ka na at gustong magpahinga pero ang dami pa din niyang tanong?

Kaya lang, gusto ko man siyang sagutin, wala din nan talaga akong masyadong alam dahil hindi naman siya masyadong nagsalita kanina.

" Nasaan si kuya William mo? "
Tanong ko sa kanya na buti na lang at tumigil na sa pagtatanong.

" may quest po siya sa palasyo, kakatapos lang po kase nung requirements kaya pinasa na niya." wika niya habang naghahain ng pagkain.

"pauwi na din po siguro iyon" dugtong pa niya at muling bumalik sa ginagawa niya.

Makalipas ang ilang minuto, dumating na din si William at nagsimula na kaming kumain.

Matapos iyon ay naghanda na kami upang matulog.

Grabe, nakakapagod ng sobra ang araw na ito. Masyadong maraming nangyari. At matapos iyon ay nagsimula na kaming magpahinga.

Kinabukasan, dahil sa sobrang pagod ay medyo tinanghali na ako ng gising. Si Willam naman ay maagang umalis para sa isang misyon, grabe ang tiyaga at sipag niya. Si Sara naman ay malamang naglilibot libot pa.

Sabagay, medyo bata pa naman talaga siya kaya nauunawaan ko ang pagnanais niyang maglibang.

Sinilip ko si Judith sa kwarto at nakita kong mahimbing pa ang tulog niya, marahil ay talagang napagod nga siya.

Minabuti kong magtimpla ng kape at umupo malapit sa may bintana. Grabe, parang ang sarap magpahinga, masyadong payapa ang lahat. Kung sana puwede na lang na palaging ganito.

Pagod na pagod ako kaya nagpasya ako na magpahinga muna ulit. Dahil marami na ang Miyembro ng guild namin, hindi nila nirerequire sa ngayon ang maging aktibo ng buo. Basta dapat ay magpalakas muna.

Ilang oras pa ang nakalipas ay nakabalik na si Sara sa paglalaro, pinasilip ko sa kanya si Judith,

Pagbalik niya ay sinabi niyang gising na ito subalit ayaw siyang kausapin.

Kaya pinasya namin na hatiran na lang siya ng pagkain. Hindi ko din naman siya masyadong masisisi dahil sa marahil ay hirap na pinagdaanan niya, ayaw niya munang magtiwala.

Ilang araw pa ang lumipas ay patuloy na pa din ang ganitong istorya sa aming tahanan.

Hanggang sa dahil ng siguro sa kaingayan ng kapatid kong si Sara, unti unti na din gumaan ang loob ni Judith.

Nakita na namin siyang ngumiti sa unang pagakakataon.

Kinabukasan,

"oy Sara, wala ka bang plano na magpalevel??" seryoso kong tanong sa kanya dahil puro petiks ang ginagawa niya.

At ang mabait kong kapatid ay nginitian lang ako. Haisttt. Hindi ko alam.

Maya maya ay lumabas si Judith sa kwarto at naupo sa may sala.

Minabuti ko na maging malapit kami sa kanya kaya inalok ko siya.

" judith, kamusta pakiramdam mo? Gusto mo bang sumama samin ng kapatid ko na mamalengke?" tanong ko sa kanya. At makailang saglit din nagkaroon ng katahimikan.

FREEDOM Online (Virtual Game)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon