Chapter 29: Desire

1.1K 62 1
                                    

kinabukasan, sa panibagong yugto ng buhay ng bawat isa sa amin. nilapitan kami ng Guild master at kinausap.

"dapat ay magparegister kayo para mabigyan kayo ng kaukulang class kung saan kayo kabilang.

ang class na ito ay binubuo ng mga letra, ang pinaka mababa ay Class F, pataas siya patungong Class E, Class D, Class C, Class B, Class A. ang pinakamataas at natatangi ay ang Class S, sa ngayon ay Class A pa lang ang nakatala na player sa system. ang sytem ang bahalang maglagay ng class sa inyo depende sa evaluation niya ng inyong mga kakayahan.
"wika ng Guild Master na si Roland

"Sa ganitong paraan, malinaw sa bawat isa ang kakayahan natin, hindi para ikumpara kung sino ang mas malakas kundi para malaman mo ang limitasyon ng kakayahan mo.

sa puntong ito ng laro ay mapapagbabasehan mo na ang lakas ng kalaban sa kanyang class.." dugtong pa ng Guild master.

"mas mabuti kung ipapakita ko sa inyo" kaya sinamahan niya kami patungo sa lugar kung saan kami magpaparegister ng aming mga class.

Maya-maya, ng makarating na kami. Ipinakita niya sa amin kung paano ito gamitin.

Una ay magiiscan ang computer ng basic appearance mo at kukunin ang mga finger prints mo,

Matapos iyon ay isusulat mo ang mga basic info patungkol sa iyo.

Nauna ang mga leaders at karamihan sa kanila ay pumasok ng Class D. Nang matapos na sila, sinubukan ko din at sa class D din ako napasama.

Matapos mairegister ang lahat napansin namin na ang karamihan sa Class F ay ang mga players na hindi talaga naglalaro.

Sa patuloy naming pagiikot sa lugar, nalaman namin na ang guild pala na Order of the Eagles ay may tatlong heneral na namumuno sa libo-libong sundalo at sila ay kabilang sa mga Class B players. Si General Loki, Si General Chaos at si General Fenrir na isang babae, bawat isa sa kanila ay malalakas na player.

Si Genral Loki na nakasama namin ay may kakabit na Title sa kanyang pangalan. "Titan Slayer." ang pinakamataas sa tatlong level ng monster battle.
Ang pinakauna ay kase ay ang killer na kagaya ng sa akin ay makapatay ng ilang mga monster. Sunod ay hunter na pumatay ng 250 monster na iisang uri at ang ang Slayer kung saan pumatay ng Monster ng mahigit sa 500.

Ang kumakalat pa na balita ay si General Loki daw ay kayang pumatay ng 15 Titans ng siya lang mag-isa ng magkakasunod.

Ang Guild Master naman na si Roland ay nabibilang sa ilang mga players na kasama sa Class A, sa lugar na ito ay dalawa lang ang Class A, si master Roland at ang kapatid niya na wala dito.

Ang ibang kasama sa Class A ay sa ibang lugar at bayan daw nakabase, ang iba naman ay sa alias nagtatago.

Maaari naman daw palitan ang Pangalan wala naman daw kaso yun, kung gusto mo na pamysterious effect.

minsan nagbibigay ang ibang tao ng Alias sa mga players kung saan mas madali silang makikilala base sa mga ginagawa nila. Katulad na lang ng isang player na kabilang sa Class A. Ang pangalan na nakaregister sa kanya ay Berserker. Hindi masyadong malinaw kung ano ang ginagawa niya pero hindi siya basta basta mapupunta sa Class A ng wala lang. Karamihan na kase ng nasa Class A ay puro mga codenames na.

Ang iba ay si Iron Hammer, King na napagalaman kong si Roland pala. Si Odin kung saan ginamit niyang pangalan ang isa sa deity ng norse mythology. Si War Machine,
Si Glimpse, Si Lightning Emperor at Si Genius.

Ito yung mga klase ng players na pwedeng mamumuno sa isang malakas ng guild na talagang malakas.

Matapos kong marinig ang mga bagay na ito.

May init na naguumalsa sa aking kalooban at nanginginig ang ang mga kalamnan.

Oo marahil sa takot pero maykasamang matinding pagnanais na mapabilang sa grupo ng mga Class A Players o mas maganda kung sa Class S.

Sa ngayon, kailangan ko pang mas magpalakas. Sa kabilang dako ng pader. Kung saan pinoprotektahan ang bayang ito. Maaari akong magsimula na magpalakas. Nabuhayan ako ng pag-asa ng malaman kong may pag-asa pa pala na lumakas.

Ilang araw ang lumipas matapos naming makarating sa Centropolis. Nagpasya akong magpalakas at magpalevel kasama ang ibang grupo ng mga scout regiments. Sa ngayon ay halos nasa 100 na lang kami mula sa bilang na 200+. Matindi ang mga pinagdaanan namin.

Sa aming paglalakad. Maayos pa naman ang lahat at kaya pa naman namin ang mga monster sa paligid namin. Kung susumahin ay nasa 30 kami na magkakasamang nagpapalakas.

Minabuti namin ba magpatuloy pa dahil naibahagi na sa amin ng mga taga OE (Order of the Eagles) ang map database na nakuha nila kaya madali na sa amin ang magpalakas.

Ilang oras pa ang nakakalipas ay napansin kong parang nagiba ang atmosphere ng paligid. Maya-maya ay napansin na lng namin na may kalaban na pala. Mga bandits.

Mga players na pangraraid sa ibang player ang hilig.

Kung hindi ako nagkakamali sa bilang ko, nasa 15 sila. Medyo gumaan ang loob ko dahil lamang kami sa bilang at scout regiments ang kasama ko. Tiwala ako sa mg kasama ko.

Ngunit biglang nagbago ang lahat sa isang saglit.

Isang mabilis na atake ang nagmula sa kalaban. Isang spear stab. Sobrang bilis ay hindi agad nakapagreact ang mga katawan namin. Nadala ng attacker ang isa sa kasamahan namin at kita ko ang mabilis na pagbaba ng Hp niya.

Agad namin siyang pinuntahan subalit agad din kaming inatake ng mga bandits.

Mabilis, malakas at sunod-sunod. Ito ang atake na nakikita namin. Sa sobrang bilis nila o maaari kong masabi na maganda ang teamwork ng mga kalaban namin. Hindi agad makapagreact ang mga katawan namin.

Para kaming mga daga na hindi na makagalaw at naghihintay na lang dagitin ng lawin.

Sinubukan kong lumaban subalit hangin lang ang tinatamaan ng bawat wasiwas ko.

"Sword Quicken!" sabay gamit sa Skill ko pero hindi pa din ako makatama. "Bakit ganito?" tanong ko na lang sa aking sarili.

"hahaha, ang swerte naman natin, halos mga Class E lang ang mga nabingwit natin." isang malakas at nakakainis na tinig na nagmula sa mga bandido.

Gusto ko sana siyang sapakin kaya lang mabilis na nagdedeplete ang Hp ko.

tinignan ko ang mg kasama at mga kapatid ko. Kailangan nila ng tulong pero wala kaming magawa.

Sino man jan.

"TUULLOOOONNGG!" sigaw ko dahil desperado na ako. Mamamatay kami.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"COMET PUNCH!" matapos ang mga katagang ito, isang malakas na pagsabog at nakita kong tatlong bandit ang agad na namatay. May sumugod ulit na lima ngunit ganun pa din ang nangyari.

Gulat ang mga Bandit at nang makita nila kung saan nagmula ang atake, agad silang napuno ng matinding takot.

nangilabot ang kanilang buong katawan at agad nagtakbuhan nang makita nila ang isang Lalaking nakasuot ng Gintong baluti at may pulang buhok.

Sa bandang Dibdib ay may agilang insignia ang nakatatak.

Nagiiisa lang siya pero ramdam mo na napakalakas niya.

Isang magiting na mandirigma.

FREEDOM Online (Virtual Game)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon