Chapter 14: Combo

1.6K 94 1
                                    

Agad akong naghanda. Nagrefill ako ng Hp bar ko para makasabay ako sa kanila. Mayroon akong napulot na concentration potion kaya ginamit ko na din.

Nagboboost ng attack speed at hit ang concentration potion kaya matutulungan ako nito.

Agad na sumugod ang troll at kasunod ang Troll task master. Nasalag ko ang unang atake ng Troll pero natamaan ako ng atake ng Task master.

Magandang Combo ang ginagawa nila, aatake muna ang isa para masira ang guard ng kalaban pagkatapos susunod ang isa para makatama.

Sa ganitong paraan, mabilis ang atake nila at mahirap makasalag. Magandang Strategy, mukha talagang mahihirapan ako.

Sinubukan kong tumakbo sa likod ng mga puno para hindi maging malaking target nila,

Nang magkaroon ng pagkakataon. Agad akong sumugod at natamaan ko ang Troll, nagkataong malayo pa ang task master kaya sinamantala ko ang pagkakataon. Muli akong sumugod at nakatama. Patuloy kong ginawa iyon hanggang dumating ang task master.

Muli akong tumakbo sa likuran ng mga puno. Kaya lang nang magkaroon ulit ng pagkakataon at aatakihin ko na ulit ang Troll, nagulat ako nang puno ulit ang buhay niya.

Agad ko siyang sinugod at kita ko ang damage na nagawa ko sa kanya. Kaya lang, kita ko din ang muling pagbalik ng Hp niya.

Saka ko naalala na mayroon nga pala na Troll Healer kaya muli akong umatras palayo.

"Kailangan kong magpalit ng diskarte." sabi ko habang nagpalit ng ruta.

Agad kong pinuntahan ang troll healer at sinamantala habang malayo pa ang dalawa niyang kasama.

Agad ko itong inatake at dahil kadalasan sa mga ganitong laro, ang Healers ay ang mga may mababang buhay at depensa. Kadalasan lang naman, dahil may iba pa din na nageexcel. Buti na lang at tama ako.

Mabilis na bumaba ang Hp ng Healer kaya hindi ko na siya hinayaang makapag Heal pa kaya tinapos ko na siya.

Sa kasamaang palad, nang handa na akong humarap sa dalawang troll na natitira, muling nagsummon ang Task master ng isa pang Healer.

"Kalokohan to" sabi ko sa sarili ko habang inis na inis dahil sa nangyari. Sinubukan ko muling umatake at muling inuna ang Healer kaya lang ganoon ulit ang nangyari.

Nagsummon lng ulit ng Healer ang Task Master. Hindi ko ito kakayanin kaya tumakbo na lang ako palayo.

Nang medyo makalayo na, ginamit ko ang teleport gem na itinabi ko at nag teleport na pabalik sa Prontera.

Magsasayang lang ako ng buhay ko kapag pinagpatuloy ko iyon. Ilang saglit lang ay nakarating na ako sa prontera,halos ika-2 na ng madaling araw. Wala na din masyadong tao sa labas. Ang naiwan na lang ay ang ibang Npc.

Sinubukan kong lapitan ang isa, wala lang. Dala ng curiousity. History ng Prontera ang Sinabi niya. Blah blah. Hindi ko na maintindihan, inaantok na kase ako kaya dumiretso na ako sa tinutuluyan namin para magpahinga.

Pagdating ko ay nagpapahinga na ang mga kapatid ko. Dahil tulog na sila, dahan dahan ang kilos ko. Buti na lang at may access key ako para makapasok sa inn at hindi na sila maabala. Matapos magayos ay naghanda na akong matulog.

Kinabukasan, nagsimula na kami ulit ng mga kapatid kong magpalevel. Kung sa tingin siguro ng ibang tao na wala akong natutunan sa nangyari kagabi at nasayang lang ang panahon ko. Nagkakamali sila. Itinuro ko sa mga kapatid ko ang ginamit na istilo sa akin ng mga troll kagabi. Noong una, medyo nahirapan silang makuha kung paano.

Pero dahil patuloy ang praktis namin. Nagawa din nila. Una kaming tatlo, sunod ay silang dalawa naman.

Magandang combo ito, at isang paraan para mas matalo pa namin ang mga monsters.

Patuloy ang ginagawa namin hanggang sa madag-dagan ang level nila. Nang makita ko na nakuha na nila kung paano ginagawa iyon at nakita kong medyo mataas na din ang level nila, isinama ko sila sa lugar kung saan na ambush ako ng mga troll, gaya ng dati ay pinahanda ko na sa kanila ang mga teleport gems nila.

Pagdating namin sa lugar, walang nandoon. Pero nagmasid-masid muna kami sa paligid. Maya maya ay nagbaba ng depensa si William, agad ko siyang sinaway pero winalang bahala niya.

Nakita na lang namin ang Isang troll na bumaba mula sa tuktok ng puno ng pine tree. Agad akong lumapit sa pwesto ni William kaya lang ay hindi ko nasalag ang atake kaya tinamaan ako.

Buti na lang at medyo mataas na ang level ko kaya hindi sobrang laki ng damage ang natanggap ko. Agad kaming umatras at kinuha ko ang potion sa inventory ko.

Matapos makapag heal ay agad kaming sumugod. Umaatake ang Troll pero sinalag ko lang.

Diniretso namin ang Warlord. Noong una ay sumasablay sila sara, sa tingin ko ay dahil kinakabahan pa sila. Pero naayos din naman matapos ang ilang subok.

Inuna namin ang Warlord para hindi na muling makapag summon. Ginawa namin ang Combo na kanina pa namin ineensayo at sa wakas, talagang nagawa na namin.

Matapos matalo ang Warlord, agad namin binalingan ang healer. Nang maging ang healer ay wala na, saka na namin tinapos ang Troll, medyo madami din kaming naipon na rupees ngayon at may pambayad na kami sa inn para sa susunod na renta next month. Maganda na din yung handa at may ipon.

Matapos matalo ang mga troll ay nagpasya kaming magpatuloy dahil maaga pa naman. Sinasabay namin ang pagpapalevel sa pag-scout ng area.

Malakong bagay ito dahil sa impormasyon na puwede namin makuha. Sa halimbawa ay kung saan maganda magpalevel. At kung saan mas ligtas dahil sa safe na level.

Iba ang klase ng mapa dito. Virtually dahil sa kusang nagegenerate ang mapa sa mga fields kapag nadaanan mo. Kaya lang, kailangan ay mapuntahan muna ang bawat sulok ng mapa.

Ang kagandahan lang, pwede mong ishare ang map information sa ibang players.

Muli kaming naglakbay pero sa mabagal na pace. Mahirap na at baka may makasalubong kami na malakas na monster.

Unti-unting lumipas ang oras at sa palagay ko ay sapat na ang level namin. Nagpasya na muna kaming umuwi. Bukas na siguto namin itutuloy ang pag-scout sa lugar.

Nasa players na lang kung isshare ba nila ng libre o ibebenta ang map info.

FREEDOM Online (Virtual Game)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon