Agad kaming sinalubong ng maraming players. Lumapit sa akin si Captain Irvin at sinabihan na matapos makapagpahinga ay agad na magreport ukol sa aming paglalakbay.
Nag asikaso na ang bawat isa para sa gagawin naming paglalakbay bukas. Isinama ko si William at Sara sa pagpupulong dahil may naisip na stratehiya si William.
Ipinakiusap din niya na kung maaari ay isama namin ang aming mga kasama sa scout regiment.
Bagamat hindi pa masyadong nakapagpapahinga ang bawat isa, kailangan namin na mapakinggan kung ano ang plano na naisip ni William.
Kasama ang iba't ibang leader. Nagpulong kami. Sinimulan na ni William ang plano na naisip niya.
Paglabas ng pader ay ganooong stratehiya pa din ang gagawin namin ngunit pagdating sa den's forest.
Ang grupo ng scout regiments ay mangunguna sa pamamagitan ng paglalakbay sa mga puno.
Habang ang ibang guild ay pinoprotektahan ang mahihina pang players sa ibaba.
Sa ganitong paraan, agad madedetect ang kalaban bago pa man sila makalapit sa amin at mas maaga kaming makakapaghanda sa sagupaan kung sakali.
Bagamat hindi pa ganoon kaganda at kapulido.ang stratehiya, ito lang ang pinakamaganda namin na naisip.
Nagbigay din ng iba pang stratehiya si William depende sa mga sitwasyon.
Si Captain Irvin ay ganoon din at maging ako ay nagbigay din ng ilang sitwasyon.
Matapos namin magkasundo, agad na kaming nadismiss upang makapag pahinga. Maaga pa lang bukas ay magsisimula na kami para bago umabot ang dilim ay makalayo na kami.
"oo, bukas. Aalis na kami." sabi ko sa aking sarili habang umaasa na maaayos din ang lahat.
Handa na ang lahat ng aming gagamitin. Maging ang mga supply at kabayo na aming sasakyan. Oras na lang ang hinihintay namin.
Minabuti ng karamihan sa amin ang magsimula nang magpahinga para pagsapit ng umaga ay handa na kami.
Ang araw ng Pag-alis
Kinabukasan, nakahanda na ang bawat isa. Tapos na ang lahat ng paghahanda.Ganap na ika 5 ng umaga. Medyo madilim pa ang paligid.
Nang ayos na ang lahat.nagsimula na kaming maglakbay, minabuti namin na mas maaga ay mas maganda.
Patuloy ang paglalakbay namin sakay ng mga kabayo. Bakas sa mukha ng bawat isa ang kaba sa nakaambang paglalakbay at sa kung anong pagsubok ang aming kakaharapin.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa tarangkahan, pasikat pa lang ang araw.
Pagkalabas naming lahat ay nagsimula na naming bilisan ang pagkilos namin.
Agad pumuwesto ang mga scout regiments sa kaukulang posisyon nito.
Sa ngayon ay wala pa naman aberya at lahat ay umaaayon pa sa plano.
Ilang oras pa ang lumipas at sumikat na ang araw. Malayo na din ang narating namin kaya lang ay nakakapagtaka dahil wala pa kaming nakakasalubong na kahit isang kalaban.
Masaya ang ibang guild dahil tahimik pa ang lahat ngunit minabuti ko na maging alerto ang bawat isa lalo na ang scout regiments.
Ilang saglit pa ay may sumigaw sa likod at ipinasa ang mensahe na may mahigit 50 Titans ang mabilis na humahabol sa amin.
Kakarating pa lang ng balita ay agad na sumunod ang isa pang balita na sa may bandang kanan ay may mahigit 80 titans ang papalapit.
Hindi pa nagtatagal ay sumunod ang balita mula sa kaliwa na nagsasabing may 90 kalaban mula doon.
Marami ang nagulantang sa balita. Sa isang iglap lang ay nabago ang sitwasyon at napaligiran na kaagad kami.
Kinakabahan ang iba at hindi alam kung ano ang gagawin.
Minabuti kong pabilisan ang pagkilos namin kaya lang, hindi kaya, dahil may mga karwahe kami na kung saan maraming sakay kaya hindi kayang bilisan.
Wala na kaming pagpipilian, kailangan na naming lumaban, ang tanging magagawa ko na lang ay lumaban at magtiwala sa mga kasama ko.
"EXPLODE" Sigaw ko, ito ay isang formation na kasama sa mga pinagusapan namin, kung saan sosolohin ng bawat flank ang mga kalaban na nakatapat sa kanila habang patuloy ang pagusad ng ekspedisyon namin.
Bagamat kulang sa bilang dahil sa dami ng kalaban, naniniwala pa din ako na kakayanin namin.
"may mas lalala pa ba dito?" tanong ng isa sa mga leader.
Ilang saglit lang ay nasagot na ang tanong niya dahil may mahigit 100 na titans ang nasa harapan namin.
Hindi ko alam, pero sumigaw na lang kami ng war cry. Kailangan namin mapagtagumpayan ito.
Tiwala lang!
Kakayanin namin ito. Nagkasagupaan na ang mga titans at ang lahat ng players, kinakailangan namin matalo ang mga Titans ng mabilisan, mabuti na lang at karamihan sa amin ay medyo mataas na ang level kaya hindi kami kayang ma 1 hit ng kalaban,
Gayun pa man, malaki pa din ang pinsala na nagagawa ng bawat atake ng mga Titans.
Nagsimula na ang sagupaan sa pagitan ng mga tao at mga Titans.
Sa dami namin at sa laki ng mga Titans, may natatamaan sila sa bawat wasiwas na nagagawa nila.
Nakikita kong nagliliparan ang iba naming mga kasama kaya lang ay hindi ako maaaring tumigil.
Hindi pa din ganoon kasapat ang lakas ng mga skill ko para makapatay agad ng mga Titans.
Kung ganito ng ganito, mauubos kami ng hindi pa nakakarating sa forest.
Hindi ko alam kung kabaliwan ang gagawin ko pero sumugod ako sa isang Titans at sinabayan ko siya.
Agad akong gumamit ng high jump at pagdating ko sa ulo ng titan, agad akong gumamit ng magnum break.
Natinag siya kaya lang ay hindi pa sapat ang pinsala na nagawa ko.
Hindi pa tapos ang after cast delay.
"Hindi pwede ang ganito" sabay gamit ko ng skill na sword quicken.
Habang pababa na ako ay gumamit ako ulit ng skill na high jump at agad tumapat sa ulo ng Titan. Mabilis at sunod sunod na atake ang ginawa ko.
Ubos lakas kong winasiwas ang aking espada sa ulo ng isang Titan.
Sa wakas natalo ko siya ng ako lang magisa, kaya lang ay malaki ang nabawas sa aking stamina.
"nakakainis!" Sigaw ko habang tinitignan ang dami ng mga natitira pang Titans, agad kong tinawag si William at Sara, hindi pwedeng tumigil.
Pinatamaan ko kay Sara ang mata ng titan at ng magawa niya ito, agad naming inatake ni William ang mga tuhod ng Titan.
At pagbagsak ng Titan ay agad naming sinundan ng mabibilis na atake. Normal na anim na tao ang katapat ng bawat Titan pero buti na lang at medyo mataas na ang level namin nila William.
Mabilis akong lumingon sa aking paligid at tinignan kung kamusta ang iba, ang nakita ko ay hindi maganda.
Marami ang mamamatay. Nakita ko si Jasmine na tinamaan at napatilapon sa wasiwas ng Titan. Nakita ko ang mabilis na pagba ng buhay niya.
"Hindi, pwede to", isinama ko si William at Sara at agad na pumunta kay Jasmine.
Agad kong pinatulungan si Jasmine kay Sara. At agad kong inatake ang Titan.
Mabibilis at malalakas na atake ang kailangan ko.
Sabay naming inaatake ng kapatid kong si William ang mga Titans.Kailangan kong maging mas malakas pa. Kailangan kong protektahan ang mga mahal ko.
BINABASA MO ANG
FREEDOM Online (Virtual Game)
Ficción Generalisang laro na susubok sa kakayahan ng mga manlalaro. masusubok ang katalinuhan, diskarte, katatagan at katapangan. kaibigan o prinsipyo? pag-ibig o pangarap? katanyagan, karangalan at kayamanan ang naghihintay sa sino mang makakaabot hanggang huli. ...