Chapter 23: Preparation

1.4K 79 3
                                    

Matapos ang pagpupulong kasama ang scout regiments ay nagpulong naman kami kasama ang mga pinuno kung paano kami pupunta sa ikalawang pader.

Malaki na ang tiwala sa akin ng iba pang mga pinuno ng bawat guild dahil na din siguro sa mga nagawa ko.

Ibinahagi namin ang planong napagkasunduan ko at ng buong scout regiments.

Sa paglalakbay namin, ang bawat guild master ay mahahati sa dalawa at maididistribute sa unahan at sa huling bahagi ng mga tao, kasama ng miyembro ng guild nila.

Ang mga mabababa pa ang level at mga taong walang kakayanan lumaban ay papagitnaan ng mga scout regiments na kasabay na naglalakbay.

Ang karamihan ay isasakay sa isang parang kalesa na may bubong ng tolda at hatak ng apat na kabayo.

Ganoon din ang mga suplay namin.

Tigdalawang pila ang scout regiments sa bawat panig upang maprotektahan ang mga nasa loob ng hilera.

Ang paglalakbay naman namin ay pangungunahan ng untouchables guild kasama ako, si William at Sara.

Matapos namin maipahayag at maibahagi sa iba ang plano na ito, nagpulong muli ang iba't ibang guild para sa opinyon nila.

Kailangan kase maging pulido ang gagawin namin na paglalakay at hanggat maaari ay walang casualty na mabibilang.

Dahil abala ang iba, sinundan ko muna si Sara at si William na mageensayo.

Pagdating ko sa kinalalagyan nila, masyadong mataas ang focus ni Sara, Salamat sa skill na nakuha niya, ang Extreme focus na mageengance ng accuracy niya pati ang owl's eye kung saan mas tatalas ang paningin kapag naactivate.

Kitang kita ko ang kaseryosohan sa kanilang dalawa, mabilis na napawi ang luha sa kanila dahil kailangan,

Aaminin ko, kung emosyon lang ang paguusapan, marahil mas malakas sa akin ang dalawang ito. Pero tunay din na walang ibang tao ang makakaintindi ng lubusan sa mga pinagdadaanan mo.

Kaya hindi ko sila huhusgahan, basta kailangan namin magtulong tulong upang makaligtas.

Sinamahan ko si William habang gamit niya ang kutsilyo na nageensayo. Sinubukan namin ang bilis ng bawat isa.

Si Sara naman ay ineensayo namin sa mga gumagalaw na target at habang nagalaw din siya.

Malaking bagay ang may gumagamit ng pana habang nakikipaglaban kayo.

Sumama na din sa amin magensayo ang natitirang miyembro ng Scout regiments.

Ganito natapos ang araw namin. Patuloy ang pag hahanda ng bawat isa. Marami ang kinakabahan pero kailangan namin mapagtagumpayan ang nakaambang pagsubok.

Hindi na namin ito pwedeng atrasan o takbuhan man.

2 Araw bago ang Pag-lalakbay

Kinabukasan ay maaga kaming bumangon magkakapatid.

Kasamang ibinigay ng Npc ang ruta na tatahakin namin pero hindi pa ang mga nasa paligid nito.

Dahil sa nangyaring pagatake ng Titans, malaki ang nabawas sa scout regiments.

Pero alam ko, sila lang ang maaasahan ko sa mga oras na ito. Kailangan kase namin iscout at daanan ang lugar para mas mapaghandaan namin.

Halos wala na kami sa 200, pero alam kong buo pa din ang loob ng mga kasama ko.

Para sa hinaharap ng mga tao, kailangan namin humakbang.

Kailangan namin magsimula.

Nang handa na ang grupo, ay nakapagpaalam kami kanila Captain Irvin. At pumayag naman sila, sinimulan na namin ang paglalakbay gamit ang aming mga kabayo.

Bago ngayon ang kabayo ko, mukha talaga siyang totoo kahit na alam ko na part pa din ng game ang kabayong ito.

Sa aming pag alis, bumuo kami ng formation.
Parang top view ng eroplano ang itsura ng formation namin na pinangungunahan ko. Nasa likod ko Si William at si Sara na nakabackup sa akin kung ano man ang maaaring mangyari.

Sinubukan din namin ang pagdadala ng cargo para masanay kami sa anu mang sitwasyon.

Ilang kilometro pa lang ang layo namin ay may ilang Titans na, na agad sumulpot sa harapan namin.

"Left Flank 1st and 2nd squad, Commence attack." sigaw ko kasabay ng 2 squad na binubuo ng 10 tao bawat isa ang umabante at mas bumilis ang pagpapatakbo sa kabayo.

Dahil open Field pa kaya malawak ang sakop ng formation namin.

Ang Flank namin ay hinati namin sa Tatlo, Right, left, at Center.

Ang Right at left Flank ay binubuo ng 10 Squads na sword users na may kasamang mace, dahil karamihan sa amin ay sword users

"Right flank 19th 20th squad Commence attack, Scout regiments expand alignment." sabay takbo ng mabilis ng mga nasa kanan, ang itsura na namin ngayon ay parang spear na Trident .

" Defenders Commence protection." Sabay pronta ng ilang gumagamit ng Shield na nakafocus ang stats sa Vitality.

Ganito na ang formation namin at papalapit na sa amin ang mga Titans,

"Sir, 10 o' clock, INCOMING!!" wika ng isang nasa left Flank.

"Commence Side sharpen!" kung saan nagadvace ang 3rd at 18th squad bago lumapit sa unahan ng 2nd at 19th squad.

Malapit na ang mga Titans. Halos nasa 20 sila mahigit. Napagaralan na namin ang formation na ito pero ngayon pa lang namin masusubukan.

"Prepare for impact!!" at ilang saglit nga ay andito na ang mga Titans. Ang unang atake ay sinalo ng mga Shield users, dahil sa attributes nila at bonus defense ng shield nila, hindi ganoon kalakas ang impact na natanggap nila.

Pag kasalag ay agad na nagswitch ang mga sword users kung saan pinuntirya ang bawat litid ng paa,

Matapos ang atake na iyon ay agad sumunod sa likuran ang mga mace users.

Ang bawat archers naman ay pinupuntirya ang mga mata ng Titans. Dahil dito ay nagzero visibility ang kalaban.

Ilang atake lang ay bumagsak na agad ang mahigit sampung Titans sa lupa at agad sumugod ang 2nd batch ng sword users. Kung saan magbibigay ng damage sa ulo ng Titans.

Mabilis namin na naubos ang mga Titans na nasa harapan namin.

"6 o'clock!" sigaw ng nasa likuran.

May limang Titans na humahabol sa amin sa likuran.

"Double String," at may dalawang squad ang mula sa likod ang lumabas umandar ng pa curve patungo sa mga titans.

Mabilis naming natalo ang lahat ng Titans kaya muli kaming bumalik sa original formation namin sabay bagal ng pace ng takbo.

Malapit na kami sa den's forest at kita na namin sa kmpwesto namin ang lugar,

Punong-puno ito ng mga púno. Habang papalapit na kami  ay naghanda na kami para sa Original formation.

Malapit na kami sa lugar na ito. Bumuo kami ng line formation para makapasok sa lugar. Gumamit ng Extreme focus ang mga archer's para mas maging ready kami,

Ang totoo ay hanggang ngayon ay hindi pa din namin alam kung ano ang kakaharapin namin.

FREEDOM Online (Virtual Game)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon