Chapter 5: Pagsubok sa loob ng kuweba

2.3K 118 0
                                    

nagliwanag ang paligid at biglang sumulpot ang alpha wolf. na di hamak na mas malaki kay Ase. parang dalawang siya ang taas na pinagpatong-patong, kapag nakatayo sa apat na paa.

mya mya ay nagrespawn na ang mga minions nito na 5 ordinary na wolf

"level 18 pa lng ako level 20 ang alpha wolf. grabe naman tong mini boss na ito." wika ni Ase habang naghanda na sa pagatake.

sumugod na din agad-agad ang mga kampon ng alpha wolf at lumaban si Ase dito. sinabayan niya ng mga stab gamit ang dagger niya.

habang napapatay niya ang mga minions nung alpha wolf, nagrerespawn din kaagad ang mga ito.

"tsk, siguro talgang yung boss muna kailangan kong atakihin." wika niya sabay kuha ng red potion para magreplenish ang Hp points niya.

ang focus ng stats ni Ase ay strength pero naglagay din siya ng agility kaya medyo mabilis ang kilos niya.

ang kagandahan sa game na ito, mas naeenhance ang physical strength mo at attributes depende sa mga stats na nilagyan mo kaya maaring mas mataas ang talon mo sa game kung ikukumpara sa totoong buhay

tumakbo siya pasugod subalit ng makitang paatake na ang boss, agad siyang tumalon para makaiwas. sa kasamaang palad, nasundan kaagad ang atake ng boss kaya natamaan siya,

buti na lng medyo mataas ang level ko. siguro kung mababa p den ang level ko baka tatlong hit lang ako ng monster na to." sabay atras at sugod muli. walang panahon para magisip si Ase dahil mabilis na nasugod ang mga kalaban niya. kaya ilag siya ng ilag. dali dali siyang sumugod patungo sa boss at sinaksak ito sa tagiliran. pero agad din na nakabawi ang boss ng atake sa kanya.

"tsk, kung sana eh matino lang itong weapon ko. mas malakas ang damage na magagawa ko. " sabay takbo paikot sa boss. paubos na stamina ko. kailangan magpahinga saglit." pero kahit anong pilit niyang magpahinga ay hindi niya magawa dahil inaatake agad siya ng mga monster.

muli na naman siyang sumugod at nang umatake na ang boss, naiwasan niya ito at agad na tumalon sa mga braso ng alpha wolf hanggang sa makarating sa tuktok ng ulo nito.

sa pagkairita ng alpha wolf iwinasiwas niya si Ase ng ubod ng lakas kaya napakapit si Ase sa balahibo nito sa ulo. pagtigil ng wolf, agad pinagsasaksak ni Ase ang ulo ng boss kay mas lalong nagwala ito.

muling iwinasiwas ng alpha wolf ang ulo niya upang maglag si Ase pero matindi pa din talaga ang kapit nito. pagkatigil ng alpha wolf agad niya ulit itong pinagaatake ng saksak. kaya naman lalong nasaktan ang alpha wolf.

sa kasamaang palad ay nagpagulong gulong ang alpha wolf para maipit si ase at ganun nga ang nangyari. medyo matindi ang damage na nagawa sa kanya ng alpha wolf kaya nang may pagkakataon ay napaatras siya.

nang tinignan niya. dalawang potion na lng ang natitira sa kanya, dahil sa mga nauna pang laban.
ginamit niya ulit ang isa.

dahil sa larong ito ay nakikita mo ang health bar ng iba at ng monster, tinignan niya muli ang sa boss. laking gulat niya ng malapit pa lang sa kalahati ang buhay ng boss.

"sa tagal ng pagatake ko, ganung damage lang ang nagawa ko." kaya napaisip siya at agad din na kinuha ang teleport gem na nasa kanya para bumalik sa bayan na tinuluyan niya.

mabuti na ang ganito kaysa mamatay dahil sa main respawn point pa ang bagsak ko. na mas malayo. " wika niya habang inactivate ang teleport gem

"babalikan kita dito." wika ni Ase habang pinagpaplanuhan kung paano ang susunod niyang gagawin.

FREEDOM Online (Virtual Game)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon