Nang makarating na kami sa forest, dahan dahan ang aming pagpasok at nagmamasid masid kami sa paligid.
Mukhang tahimik naman kaya minabuti namin na lawakan ang pagscan sa area, sa patuloy namin na paglalakbay, kumikipot ang daanan. Maya-maya ay iba ang naramdaman namin sa lugar kaya minabuti namin ang huminto.
Pinaalerto ko ang lahat ng kasama namin. Sa kasamaang palad ay biglaang pagatake ang sumalubong sa amin.
Bandit level 50, hugis at mukhang tao sila pero kita mo pa din ang pinagkaiba dahil pulang pula ang kanilang mga mata. At mas maliit sila ng kaunti.
Buti na lang at naalerto namin ang bawat isa. Sobrang dami nila at halos nasa 100 mahigit sila.
Mabuti na lang talaga at maaga amg pagkaalerto ng bawat isa sa amin kaya mababa lang ang pinsala.
Agad nagreplenish ng Hp ang mga players na nabawasan ng buhay. At sinimulan namin ang counter attack,
Agad dumepensa ang mga shield users para maprotektahan ang mga archers habang umaatake.
Abala naman ang iba sa pakikipaglaban. Dahil masyadong masikip ang lugar, hindi masyadong pabor sa amin ang lugar ng labanan.
Maya maya ay napansin namin ang mga matataas na puno kaya naisip namin na gumamit ng High jump upang makaakyat.
Pagdating sa itaas ay para kaming mga ninja na umaatake sa kanila.
Nahirapan ang mga bandit sa amin dahil hindi nila kayang tumalon ng kasing taas namin. Halos nasa 50 ft ang mga puno dito. Ang kagandahan lang ay may mga sanga na maaari namin talunan at maglaro sa mga puno.
Sinubukan namin iwan ang mga shield users sa ibaba bilang pain. Habang patuloy ang pag atake ng mga archers sa ibabaw.
Epektibo ang strategy na nagawa namin at dahil dito. Matagumpay namin na naubos ang mga bandit.
Kaya lang, dahil sa mga pagatakeng ginawa namin ay mabilis na naubos ang stamina namin.
Dahil malapit na din magdilim. Minabuti na muna namin ang magkampo dito.
Marami ang bantay na nasa may puno upang alertuhin ang bawat isa. Mahirap na dahil masyado kaming vulnerable sa kalagayan namin.
Nang ayos na ang lahat. Minabuti kong isama si William at Sara sa aming tolda.
Tinignan namin ang map info na ibinigay sa amin ng npc. Nakakalungkot lang dahil wala.pa sa kalahati ang napupuntahan namin. Ilang araw na lang at magsisimula na ang aming paglalakbay.
Napagisipan ko na sana ay kamustahin sila Jasmine at ang iba sa bayan. Kaya lang sa kasamaang palad ay hindi ko sila macontact.
Siguro ay ganito din ang nangyari noong una kanila Jasmine kaya hindi nila kami naiwanan ng mensahe.
Isa pang nakakapanghinayang ay ang mga mapa na nagawa nila Captain Irvin sa Expedisyon nila.
Bagamat malayo at malawak ang naabot ng kanilang pagscan ng area, hindi pa sila umabot sa kinalalagyan namin ngayon.
Matapos namin makita kung gaano kalaki ang naging pinsala at ilang pots ang nabawas matapos namin umalis sa bayan. Agad ko na munang pinagpahinga ang mga kapatid ko.
Dahil na din sa pagpupumilit ng iba naming kasama na magpahinga kami ng mga kapatid ko ay ginawa na namin kaya hindi kami kasama sa pagikot ng mga bantay.
Minabuti ko na muna ang magpahinga. Kaya lang, ilang oras pa lang akong nakakatulog ay narinig na namin ang alarma.
Paglabas ko ng tolda ay nagkakagulo ang lahat. May mga sumalakay sa amin.
Mga night crawler. Kulay itim sila at parang mga wolf. Patuloy ang pagatake nila sa amin. Hindi man ganoon kataas ang level nila dahil nasa 35-40 ang mga iyon, ang problema ay ang bilang nila.
Masyado silang madami at parang halos 3:1 ang ratio nila sa amin. Mabibilis ang bawat atake na gingawa nila sa amin.
Para kaming mga prey na nilalapa ng predator.
Mas lalo pang naging epektibo ang kanilang pag atake dahil sa kulay nila na humahalo sa kadiliman ng paligid.
Ngayon ay malinaw na sa akin kung bakit den's forest ang pangalan ng lugar na ito.
Ipinakita na ng mga naunang monsters na nakalaban namin.
Bagamat nahirapan kami sa mga night crawler. Natalo naman namin sila. Kaya lang ay malaki pa din ang damage na nagawa nito sa bawat isa sa amin.
Iniisip ko tuloy kung kakayanin namin ang ganitong pagsubok kapag nagsimula na ang aming ekspedisyon kasama ang mga naiwang players sa prontera.
Oo, medyo madami kami kaya lang karamihan sa mga naiwan ay mahihina pa ang level. At mabababa pa ang buhay kaya maaaring marami ang mamatay.
Kailangan makaisip kami ng mas mabuting stratehiya kung paano kami makakaligtas sa pangyayayaring ito.
1 araw bago ang paglalakbay
Dahil sa 3 araw lang ang usapan namin. Minabuti na namin ang bumalik, dahil dapat ay nakabalik na kami sa ikatlong araw.Bagamat, bigo man na makalayo kami, malaking bagay na din na nalaman namin na hindi basta-basta ang pagsubok na haharapin namin kapag kasama na ang iba.
Pagsikat ng araw ay agad na naming sinimulan ang pagbalik.
Hindi kagaya noong una, medyo madali ang pagtahak namin palabas ng forest pabalik dahil walang kalaban na sumalubong sa amin pero minabuti pa din namin ang maging handa.
Binilisan na namin ang pag alis sa forest at makalipas ang ilang oras, nakalabas na kami,
Kagaya sa forest, wala din masyadong Titans ang sumalubong sa amin. Kung meron man ay isa o dalawa lang kaya deretso ang pagbabalik namin.
Habang pabalik na kami, patuloy pa din ang pagiisip ko kung paano namin lalampasan ang den's forest.
Sa buong paglalakbay namin pabalik, walang ibang laman ang isip ko kung paano namin gagawin ito ng ligtas.
Sa kasamaang palad ay sumasakit lang ang utak ko kakaisip. Tanging mapakamot na lang sa ulo ang nagagawa ko.
Paano?
Paano namin malalampasan ito.
Ilang oras pa ulit ang nakalipas, wala namang masyadong naging aksyon sa buhay namin.
Nakarating kami ng ligtas at masaya kaming sinalubong ng bawat isang players.
BINABASA MO ANG
FREEDOM Online (Virtual Game)
Ficción Generalisang laro na susubok sa kakayahan ng mga manlalaro. masusubok ang katalinuhan, diskarte, katatagan at katapangan. kaibigan o prinsipyo? pag-ibig o pangarap? katanyagan, karangalan at kayamanan ang naghihintay sa sino mang makakaabot hanggang huli. ...