DARYL

27 0 0
                                    

DARYL.

Nice name :)

After namin magkatext okay naman, magkatext kami mayat maya.

Kinabukasan nagaya ulit si cheng maglaro, sa kitang ulit.

Nauna kami ni Cheng, wala pang tao. May tinuro siya sakin na trick na tinuro ni Bogs sa kanya.

(Anyway, si Cheng at si Bogs ay magjowa)

So busy ako, inaaral ko yung tinuro ni cheng and then dumating na siya.

Si Daryl.

Di ko alam bakit, medyo kinakabahan ako. Nahihiya ako. Ngayon ko lang ulit naramdaman to eh. Umupo muna ko para magpahinga.

Okay naman siya.

Maputi. Matangkad. Pogi

Anak ng putya naiinlab na ata ako HAHAHAHA

So ayun, after ko magpahinga. I tried ulit yung trick. 3 pm na siguro nun.

Im trying and trying and trying. Biglang nagtwist yung knee ko, nahulog ako sa board.

MASHAKET.

Nabail ako my gaaaaaaad.

Tinulungan ako ni Cheng pero walang hiyang yon pinagtawanan muna ko bago ko tulungan.

Anyway, masakit talaga. Kaya nagpahinga muna ko sa upuan ng nga ilang minutes tapos nagaya na sila sa circle naman daw kami( sa park po yun).

Nagdrive ako ng motor putya masakit. Pero kaya namang tiisin. Nakarating na kami.

Sabi nila No pain, No gain. Kaya laro pa din!

Si Daryl tinanong naman kung okay lang daw ba ako o kaya ko pa. Okay naman ako kaya di na ko nangabala.

Siguro mga 5 pm umuwi na ko kasi iba na nararamdaman ko. Masakit talaga.

Paguwi ko ng bahay.

Stand straight. Walang masakit. Mapapagalitan ako ni Nanay dahil binabawalan niya kong magskate.

That night, 12 am na. Eto nanaman yung sakit ko. Hindi ako makahinga. Wala yung nebulizer ko. Lumabas ako sa sala para makaupo ako.

Nagtext si Daryl.

"gising ka pa?"

Great. Okay to may makakausap ako.

"yup. Gising pa ko. Bat gising ka pa?"

"Hindi ako makatulog eh" Daryl

Hmmm. Bakit kaya.

Hidni ako makahinga ng maayos talaga, ginising ko na nanay ko para malaman niya. Ayun nagpanic. Iba kasi ako pag di makahinga.

Sabi naman ng doktor heart burn daw, yung tipong hindi na kaya ng tiyan ko yung accidity kaya umaakyat sa dibdib ko. Pag nagtagal at lumala, Ulcer.

Dinala na nila ko sa E.R.

May ing inject lang saakin tapos medyo okay na ko hindi na ganun kasakit pinatulog na lang ako and then uuwi na kami.

LITERAL NA MASAKIT ANG DIBDIB KO.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon