Real Talk

50 0 0
                                    

"Yen pumunta ka dito hihintayin kita."

O_O

Ano nanaman to?

Paulit ulit kong binasa yung text niya. Ano pa bang kailangan niya?

I replied.

"Nag-iinom kame, hindi ako makakapunta dyan. "

Sent.

At saka. Asa naman akong payagan akong umalis nila paps ano po? Hating gabi na no.

Nagreply siya.

"Wala ka na bang pakialam sakin? Pumunta ka dito please. Hihintayin kita."

Tinignan ko muna sila. May mga tama na. Dame na din naming nainom. Pero parang ako wala pa? Tubig lang ba tong iniinom ko? To think na wala pa tong yelo ha.

Nagtext siya ulit.

"PLEASE."

What to do?!!

Sige na nga. Promise LAST NA TO.

PANG-ILANG LAST KO NA TO? Tsk.

Nireplyan ko siya.

"Sige hintayin mo ko. Tatapusin lang namin to."

2 am na. Nagliligpit na kame ng kalat namin. Si paps hnd daw dto matutulog. Dun sa kwarto nila Eloisa. Buti nalang. Ligtas ako kahit papano.

Ibinaba namin sa cr yung ibang utensils. Hinugasan na din namin.

Si Aldrich saka Riza yung kasama ko.

"Ahhm. Guys. Pwede ba kong umalis?"

"at saan ka naman pupunta ineng?" Aldrich

"hmmm. Dun. Kala Cliff"

"Ayen naman. Hindi ka pa ba nagigising? Ano ka ba naman!" galit na si Aldrich -_-

"promise last na to. Please bebe, Aldrich? Gusto niyo ihatid niyo pa ko."

Ang tagal bago nila sumagot.

"osige na bebe. Basta dito ka matulog. Umuwi ka kaagad ha."

Yes!

"THANK YOU GUYS! Please wag niyo na tong ipaalam sa kanila. Ha?"

"sure. Halika na. Hanggat walang tao sa may sala."

Ayan. Hahatid na nila ko. Andito na ke sa labas ng pinto ng kwarto nila.

Kumatok na ko.

"Cliff, pabukas. Yen to."

Bumukas yung pinto, bumungad yung muka niyang namumutla sakin. Nagkatinginan kame.

Binaling ko yung tingin ko kala Riza.

"bebe sige na. Uwi na kayo. Babalik din ako kaagad dun."

"Yen. Dun ka matulog." Si Aldrich. Iba na yung timpla niya.

"OO, dun ako matutulog. Salamat."

Umalis na sila. Nasa labas pa din ako ng pinto, siya nakatayo sa may pinto.

Hinawakan niya yung kamay ko.

"Tara na. Pumasok ka na."

Pumasok na ko sa loob. Tulog na yung iba niyang kasama.

"Ahhm, anong gagawin ko dito?"

"ayaw mo na ba talaga? Hindi mo na ba talaga ko mahal?"

Lumapit siya sakin.

He's kissing me.

Yung kiss na para bang wala ng bukas.

Yung kiss na ramdam ko na miss na miss na talaga niya ko.

Hindi nanaman ako makapalag. He's kiss is driving me, INSANE.

"hey hey. Ano ba. "

Bago pa man anong mangyare. Pinigil ko na. Temper Ayen. Temper. Ang hormones. Pigilan mo.

"hindi mo na ba ko mahal Ayen?"

Mahal na mahal pa din kita kaso natatakot akong maghintay sa wala.

"hindi ko alam."

"may iba ka na ba?"

Woah. Ako pa ngayon ang may iba na? Eh ikaw tong may jowa na. Hindi mo ba alam yung 3 month rule peste ka.

"ako? Hmmm wala eh. Walang paglagyan yung chix ko. Haha"

Plastic Ayen. Plastic.

"mahal na mahal pa din kita. Hintayin mo ko please."

Anak ng tokneneng.

"Hoy Cliff, anong akala mo sakin?! Ulam na pwede mong ilagay aa ref para ipreserve? Tapos titikim ka mun ng ibang ulam? Tapos pag ayaw mo na dun sa ibang ulam irere-heat mo ko aa oven para ako naman ulit? Anak ng. Anong klaseng utak meron ka?! Ha!"

Ayan na. Galit na galit na ko. Di ko n mapigilan yung luha ko. Wala na kong pakialam kung marinig ng mga kasama namin sa kwarto.

"ganun nalang yon ha?! Cliff?! Tangina mo. Dalawang taon yun! Sinayang mo lang sa pagtikim mo ng ibang ulam? Napakawalang hiya mo!!"

Hindi siya sumasagot. Ang tagal niyang tumahimik tapos.

"Ayen, please hintayin mo ko. Ikaw pa din yung mapapangasawa ko. Ikaw pa din. Tayo pa din sa bandang huli. Please. Hintayin mo lang ako. Babalikan kita. Please."

"bahala ka sa buhay mo Cliff. Bahala ka."

He hugged me from behind.

"sorry. Wag ka ba umiyak. Please tama na. "

"hay Cliff, di ko alam bat tayo nagkaganito."

"wag muna natin isipin yun please. Kahit ngayong gabi lang."

Wala naman nga sigurong masama. Ngayong gabi lang. Ngayon nalang.

"sige."

"dito ka na matulog ha."

I looked at my phone to check the time.

The hell. 4 am na?! Maaga kameng uuwi ng bataan bukas.

At wala na kong choice kundi dito matulog. Duh. Ang dilim na sa labas.

"ano pa nga ba gagawin ko kundi dito matulog? Tsk."

He's smiling. No. He's grinning.

And the next thing I know......

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon