Time flies so fast.
Habang alam ko sa sarili kong hinihilom ko ang sugat ko. Merong isang taong handang basagin ang binubuo kong sarili... ulit."Yen, magreply ka naman sakin"
"Yen, ano ba."
"Yen diba sabi mo hihintayin mo naman ako"
"Yen babalikan kita, tyumetyempo lang ako"Araw araw niyang text, chat at misscalls.
Minsan makikita ko nalang may gm(group message) ang girlfriend niya na padinig tungkol sakin.
As if I care bitch. Im not doing anything wrong to you. Wag mo kong simulan at siguraduhin
mong matatapos mo yang ginagawa mo.Eto namang si ate gurl, may gf na nilalandi pa.
Palibhasa naka iphone kaya feeling maganda sa mga pictures. Ehem. Hindi ko na siya ibabalik sayo. Manigas ka.
ANSABE?! Magpapatalo ba naman ang lola niyo. Bakit di mo nasabi sa sarili mo yan nung sinulot mo sakin si Cliff?
Syempre kailangan ko ding mag GM, simple but meaningful.
NEXT TIME YOU POINT A FINGER, I'LL POINT YOU TO THE MIRROR.
-yen :)
Kasalanan ko ba na ako ang hinahabol ngayon? Baka tapos ng tumikim ng ibang ulam? Baka kailangang magreheat? Nakailang beses na ba akong nagpakatanga?
Isa
Dalawa
Hindi lang para sa kanya.May mga araw na sinusundan niya ako sa park, minsan ayoko ng maglaro.
Minsan gusto niya kong papuntahin sa kanila. Para ano?
Uulitin ko pa ba ang mga pagkakamaling ginawa ko.
Hindi na siguro.
Pero baka kainin ko ang mga salitang binitawan ko.....