Its been a week since naging kami ni Dar. Eto ako ngayon, masaya sila kasi masaya ako. May isang taong nagbibigay nanaman ng dahilan para ngumiti ako.
Araw araw kaming magkasama. Tinuturuan niya kong magskate. Ako naman eh mabait na girlfriend. Kung hindi sa park, sa court kami naglalaro.
One time nasa circle kami, masaya nga kami eh, hatak niya ko nakasakay ako sa board.
"Hindi mali. Igaangat mo yung paa mo sa likod i-tick-tock mo."
"ginagawa ko naman eh babanga nga ako! Babanga ako!"
"kaya nga mag tick-tock ka para maiwasan mo. Pano matututo magrides ng maayos niyan."
"eto na nga po, eto na."
Ayun, hatak hatak niya lang ako, eto naman ako makulit. Natatakot akonh bumangga sa mga naglalaro din.
"teka napapagod na ko, upo muna tayo." Me
"gusto mong tubig?" Dar
I nodded.
"Hoy ulo, tara dito. Bilan mo nga kaming ice tubig." Dar
Sus, makapagutos eh.
Magkatabi kaming nakaupo sa semento inaantay yung ice tubig na binili ni ulo.
(ulo lang po ang palayaw niya, siya lang po kasi ang may bike kaya madaling makabili)
Suddenly,
Dumadating si Cliff, kasama mga tropa niya.
They are heading here. Sa circle.
Napatingin ako kay Daryl. Bigka siyang tumayo para lumayo sakin.
Nagtaka ako.
Nung dumating na si ulo dala yung ice tubig, lumapiyt siya sakin inabot niya yung akin.
Tinanong ko siya "Bakit?"
Di siya sumagot. Tapos dun lang siya sa mga kaibigan niya, ako naman nakaupo lang sa semento nanonood. Habang si Cliff, ayun sa tapat ko nakaupo din, kasama mga tropa niya. Hindi ko naman siya pinansin. Nagkataon lang na andun din siya.
"Uwi ka na?" Dar
"ha? Eh maaga pa ah, 6 palang."
"Gabi na, diba iinom ka pa ng gamot. May dala ka ba?"
Hmmmm. Anong problema?
"wala nga eh, sige uuwi nalang ako."
"Tara ihahatid na kita, kunin natin motor mo kala bogs??" Dar
Nagkataon naman na iniwan ko yung motor ko sa lati, kala bogs dahil nagrides lang kami mula dun hanggang sa park. Hindi namab masyado kalayuan.
"Tara na." Dar
Tumayo na ko, nagpaalam na ko kila Cheng na uuwi na, sila din nagtaka kasi maaga pa. Inabot ko kay Daryl yung bag ko tapos nauna siyang maglakad.
Nung medyo malayo na kami, lumingon siya sa circle para makita kung nakikita pa ba kami mula don. Nung malayo na kami bigla niya kong hinatak at inakbayan.
Tatanungin ko palang sana siya kung bakit ganun siya sakin pero..
"Ayoko lang na ipinapakita natin sa kanya na swert tayo, ayokong lumabas na pinagseselos mo lang siya, hindi mo naman ako rebound. Okay na sakin yung alam natin sa isat isa na sweet tayo."
Ano daw? Pakiulit nga. Jusko Daryl. Pinakaba mo ko masyado.
"Ganun ba. Sana sinabihan mo ko para aware ako, saka hindi naman natin siya pinagseselos ah, diba? Bat ko naman siya pagseselosin eh may jowa yun saka ano pa bang paki ko sa kanya."
"Kahit na. Basta ayoko lang. Ayokong magmukang trying hard sa harap niya. Baka isipin pa nun pinagseselos natin siya, eh hindi naman. Basta." Daryl
Napangiti ako. Itong lalaki na to, IBA. Hindi katulad nila. Alam ko sasaktan din ako nito. Alam ko naman hindi kami hanggang huli pero isa lang masasabi ko.
"Dar."
"Hmm? Bakit?" Dar
"Thank you :)"
"Para saan?" Dar
"Wala. Basta thank you :)"
"Okay lang yun basta andito ako lagi ha? Oh ayan na yung motor mo, umuwi ka na uminom ka na ng gamot, magiingat ka sa pagdadrive, wag masyadong mabilis" Dar
Napangiti ako lalo.
"Salamat Daryl. I love you :)"
"I love you :)"