After that night

41 2 0
                                        

May mga bagay talaga na hindi nagtatagal.

Hindi ko alam kung dapat ko bang pagsisihan ang nangyari kagabi. Nagpakatanga nanaman ako.

Around 6 am, bumalik na ako sa bahay namin. Mejo banggang ako kase hangover tapos gobak pa ayun.

Pagkahiga ko sa kama, pipikit na sana ko tapos biglang.

"Hoy magsibangon na kayo! By 8 am aalis na daw tayo." Kariza

Lintik kakahiga ko pa nga lang oh, wala pa kong tulog aalis na agad?

So after that, naligo-bihis-kumain- tapos getting ready na to leave.

Nasa labas ako ng bus, kasama ko si Jp.

"Jp pengeng smoke" Me

"Ubos na nga eh, tara bili muna tayo" Jp

Bumili muna kami don sa bundok haha, este sa may taas na mahabang mahabang hagdan. Bumalik kami agad kasi baka maiwan kami ng bus.

Pagbalik namin, nandun siya.

Nakashades ako so hindi notice na nakatingin ako sa kanya.

"Okay guys,magsisakay na kayo sa mga bus niyo aalis na tayo" Sir Nick

After how many hours of travel, nakarating na kami sa bataan. Wala namang nangyaring kung ano ano kasi nga tulog ako buong byahe sa balikat ni Kevin kasi nga puyat ako.

Pagdating sa School, hindi na din ako nagtagal kasi gusto ko ng umuwi at magpahinga so umalis na ako kaagad.

Bigla siyang nagtext, using another number.

"Yen, pag tumawag si tita wag mo munang sasabihin na nakarating na tayo ha. Andito ko sa park" Cliff

"ahhh, okay nagse-skate ka?" Me

Hindi ko pa naisesend yung text ko tapos nagtext siya ulit.

"Saka nga pala, wag mo nalang babanggitin kay Isabel na magkasama tayo kagabi ha."

Binura ko nalang yung una kong text.

"Hahaha sure! Bakit ko naman sasabihin close ba kami? Miss agad ang Girlfriend eh. :D" ang plastic ko.

Hindi na siya nagtext after nun.

Nakarating na ko sa bahay.

Nagpahinga. Kumain.

Eto nanaman ako.

Mabuti pa matulog nalang ako para wala akong maalala.

---

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon