You cant play on broken strings

38 0 3
                                    

This chapter is dedicated to miss PAULINE VERA ayan na be, magaupdate na ko! Hahaha
_________________

Let me hold you for the last time, its the last chance to feel again. But you broke me, now I cant feel anything.

Magkaaway kami ni Daryl ngayon. Hindi naman sa galit ako. Hindi naman din sa nagiinarte kaso nakakapagtampo. Alam mo yun? Alam ko naman yung dahilan pero hindi reasonable. Gusto ko siyang makasama at balewala naman sakin kung andun si Cliff at yung jowa niyang mukang pancit canton ang buhok.

Hindi ako bitter. Nagsasabi ako ng totoo.

Nagtext sakin si Cliff kahapon pero hindi ko nireplyan.

"Yen, pwede ba tayong magusap. Kahit huli na to. Gusto ko lang malaman kung may nararamdaman pa tayo sa isat isa."

Yan yung text niya. Ang gago no? Hahahaha ang gago lang nakakatawa. Ano namang sasabihin ko sa kanya? Sige tara magkita tayo ganon? Tsk. Ano patanga nanaman? Hindi na.

Biglang nawala yung badtrip ko kasi nagtext si Daryl.

"yen, galit ka ba sakin? Sorry na. Laro nalang tayo wag ka na magalit." jusko magpapavirgin pa ba naman ako. Wala namang mangyayari sa inis ko eh.

I replied "Sige na nga may magagawa pa ba ko? Hmp. Sige maya maya pupunta ko jan."

Maya maya lang naligo na ko at nagayos para makaalis na. Sumakay na ko ng motor at nagpunta na ng Limay. Sa court ako dumeretso dahil mainit.

Nandun na sila, tumabi ako kay Daryl. Wala lang. Nginitian lang ako. Ano ba yan nakakainis natunaw ako.

Naupo lang ako dun kasi wala ako sa mood maglaro pinanood ko lang sila. Lumipas na yung oras tumabi sakin si Daryl, pawis na pawis. Pinunasan ko yung pawis niya biglang may nagtext sakin.

Si cliff. Siya ang nagbasa.

"Nagtext nanaman siya Yen. Nakikipagkita sayo. Kagabi pa pala to, nagtext ulit ngayon." Dar

Oo nga pala, hindi ko nabura yung message niya kagabi. Okay lang yun atleast alam niyang di ko nirereplyan.

"oo nga eh. Ayoko nga saka ano pa ba ako sa kanya. Wala ng kami."

"Makipagkita ka." Dar

Ano daw? "Ano yon Daryl? Nahihibang ka ba?"

"Sabi niya sa text magkita kayo para malaman niya kung may nararamdaman pa kayo sa isat isat. Pagkatapos titigilan ka na niya. Mabuti din yun para malinawan ka." Dar

Napakamature magisip ng taong to wala akong masabi.

"Pumunta ka na. Pumunta ka na daw sa kanila ngayon." Daryl

"Ngayon?! As in ngayon na? Eh kasama kita."

"Pinapayagan naman kita, kesa naman magkita kayo ng hindi ko alam? Sige na umalis ka na bumalik ka sakin agad ha." Dar

By that tumayo na siya at naglaro na ulit, sumakay na ko sa motor tinignan ko muna siya bago ako umalis. Kakaiba tong lakaki na to at umalis na ako.

Nakarating na ako kala Cliff. Hindi ko alam kung bababa ba ako ng motor o aalis nalang ako, I was turning back when suddenly he came out.

"Yen, dumating ka. Tara pasok ka muna." Cliff

Hindi na ko kumibo pumasok nalang ako sa kanila, wala si Lola. Kaming dalawa lang dito.

"Bakit ba nakikipagkita ka pa? Hindi ka pa ba kuntento sa girlfriend mo?"

Tumabi siya sakin, tinitigan niya ko "Hindi mo na ba ko mahal?" Cliff

"Hahahahahahaha! Gago Cliff ano bang trip mo?"

"Bat ka natawa? Nagjojoke ba ko? Nakalimutan mo na ba, sabi ko sayo babalikan kita. Hindi mo na ba ko maiintay talaga yen?" Cliff

Tangina hindi ako sumagot tinitigan ko lang siya. Eto nanaman. Eto nanaman yung sakit. Bakit? Naiiyak ako. Lumingon ako sa ibang direksyon para hindi niya makitang tumulo yung luha ko.

Bigla siyang lumapit sakin, niyakap niya ko mula sa likod.

"Diba sinabi ko sayo, wala lang si Isabel. Distraction lang siya."

Hinarap niya yung muka ko sa kanya. Unti unti naglapat na mga labi namin. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Naiiyak ako. Umiiyak nanaman ako, bumabalik nanaman. Putangina.

Hindi ko namalayan nakahiga na kami sa sofa nakapatong siya sakin. Habang hinahalikan niya ko sabay naman na tumutulo yung luha ko. Bigla akong natauhan. Si Daryl. "bilisan mo ha, bumalik kakaagad sakin."

Shit.

"Cliff. Tama na. Mali na to."

"Bakit? Bakiy mali?" Cliff

"Pano si bel, si Daryl. Wag. Hindi ko na alam yung nararamdaman ko sayo."

"Wala na ba talaga? Hindi mo na ba ko mahal?" Cliff

"Mahal kita, pero hindi na mahal na mahal. Mahal ko si Daryl."

You cant play on broken strings, you cant feel anything that your heart would want to feel. The truth hurts and last worst how can I give anymore? When I love you a little less than before.....

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon