OKAY LANG AKO

21 0 0
                                    


I love you a little less than before.

HINDI KO NA BA TALAGA SIYA MAHAL? PANO KUNG YUNG MGA SINASABI NIYA, TOTOO? DIBA ITO NAMAN YUNG GUSTO KO, YUNG BUMALIK SIYA SAKIN. YUNG AKO NAMAN YUNG HABULIN NIYA. PERO BAKIT NGAYON LANG? BAKIT? PANO SI DARYL ANONG MANGYAYARI. MAHAL KO PA ATA SIYA. DIBA DITO AKO SASAYA. MALI. MALI KASI MASASAKTAN NANAMAN AKO. TAMA NA YEN. TAMA NA.

Flashback

Tumayo na ako sa pagkakahiga ko sa sofa. Eksaktong dumating ang Lola ni Cliff kaya nagpaalam na din ako na aalis na dahil may pinagusapan lang naman kami.

"Magmeryenda ka muna iha."

"Hindi na po may babalikan pa po ako."

Lumingon ako sa kanya. Nakatingin lang siya sakin any minute tutulo na yung luha niya. Bakit? Tama na Cliff nahihirapan ako.

Hindi ko na siya inantay magsalita nagderederetso na akong lumabas at umalis. Babalik ako kung nasan si Daryl. Yun yung tama. Babalik ako sa kanya.

End of flashback

"Yen? Andito ka na pala." Si Daryl nakita niyang nakaupo lang ako sa may tindahan. Hindi muna kasi ako lumapit sa kanya. Tumango lang ako.

"Anong nangyari?"

Napatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ang sakit nanaman. Ang sajit nanaman ng dibdib ko. Naiiyak ako pero ayokong makita niya. Hindi niya naman kasalanan to eh. Napayuko nalang ako.

"Bakit? Ano ba kasing nangyari."

"OKAY NA. TAPOS NA. TINAPOS KO NA." Kasabay ng pagngiti ko sa kanya ay pagtulo ng luha ko. Wala na akong masabi. Nakatingala lang ako at nakatingin sa langit para hindi bumagsak yung luha na namumuo sa mga mata ko. Nasasaktan ako. Nasasaktan akong makita si Cliff na ganun. Pero mas nasasaktan ako kapag naaalala ko yung sakit na ibinigay niya sakin.

Niyakap ako ni Daryl. "Ano ng mangyayari ngayon Yen? Kaya mo ba?" Hindi ko na napigilan tuloy tuloy ng tumulo yung luha ko. Wala na akong pakialam kung anong iisipin nila sakin at nakikita nila akong ganito.

"Hindi ko alam Dar. Ang gulo. Ang gulo gulo."

"Kung nasasaktan ka pa din hanggang ngayon, mahal mo pa talaga si Cliff alam ko namang hindi madaling itapon yung 2 taon. Maiintindihan naman kita kung sasabihin mo sakin ngayon na...."

"Na ano? Na babalik na ko sa kanya? Na iiwan na kita? Dar ano ba ko? Oo inaamin ko mahal ko pa siya. Pero hindi na ganun. Iba na. May galit akong nararamdaman. Ikaw. Mahal kita. Totoo naman yun eh. Hindi ka naman panakip butas. Ayaw kong bitawan ka tapos sasabihin mo okay lang? Dar , wag."

Nagbubtong hininga lang siya at niyakap ako "Ako din naman eh, ayokong bitawan ka. Pero kung ganyan ang makikita ko sayo, nahihirapan ka, naguguluhan. Anong gusto mong gawin ko?"

"Okay na sakin na alam kong anjan ka. Okay na sakin yun."

"Sigurado kang okay ka lang?"

"OKAY LANG AKO."

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon