Hi, it's me again. I was asking myself
Do I need him for me to be happy?
I thought the answer is yes.
As I lay down in my bed tonight, I looked at our photos again. Reminiscing our memories together.Hindi ko kasi alam kung dahil nalang ba to sa mga memories namin o mahal ko pa talaga siya.
But deep inside I know. Mahal ko pa siya.
Pero diba may kasabihan nga, once a cheater always a cheater.Natatakot na akong sumugal ulit. Today's May 11, 2013
Bakasyon pa.
Pahinga pa ang puso ko.
I asked him kung pwede ba kaming magkita since lahat naman nagawa niya para sakin.
*flashback*
"Yen, ihahatid na kita sa inyo katulad ng lagi kong ginagawa noon." Cliff
"No. you dont need to. Makikita ka ni nanay galit siya sayo."
"Kailangan kong harapin. Kasalanan ko naman bakit siya nagalit sakin. And paano kita mababawi kung hindi agree si nanay" Cliff
Medyo kinilig akong konti 😳
Pero naisip ko gagawin ng isang tao ang lahat para maipakita na sincere siya? O para maloko niya ako ulit?
"Wag na muna. Wag muna ngayon." Iniwan ko siya sa terminal ng jeep na nakatayo lang.
Pero laking gulat ko nung hinabol niya ang jeep para sumakay din.
"Manong! Saglit! Sasakay ako!" Sigaw niya
"Kasi naman naglandian pa muna kayo sasakay ka naman pala!" Ay si manong oa.
"Sabi ko naman sayo diba. Gagawin ko lahat" Cliff
Hindi na ako nakaimik.
Pagdating namin sa bahay..
"Nay, andito na po ako. May kasama ako." Me
"Sino?" Nanay
"Ako po nay" cliff
"Oh anong ginagawa mo dito? Akala ko ba matagal na kayong nagbreak?" Wow nay ang harsh
"Opo nay. Sinusuyo ko ulit si Yen. Kasalanan ko po." Cliff
"Alam mo Cliff bata pa kayo. Bata pa ang anak ko. Alam mo sa sarili mong di pa kita matatangap ulit ngayon sa ginawa mo sa anak ko. Ilang bwan na parang tangang iyak ng iyak yan. Tapos babalikan mo ngayon na parang walang nangyare?" Nanay
"Nay, alam ko po galit kayo sakin sorry po alam ko pong nasaktan ko ang anak niyo. Pero papatunayan ko pong seryoso po ako at this time hindi ko na po siya sasaktan." Cliff
"Nay, tama na po. Hayaan niyo nalang siyang patunayan ang sarili niya kung worth it ba siyang bigyan ng 2nd chance. Mapapagod din yan" Me
"Hindi ako mapapagod. Kailangan kong ipakita sayo na mahal na mahal pa din kita." Cliff
Errrr enebe nemen yen.
"Okay." Yun nalang naisagot ko.
"Sige kayong dalawa ang bahala. Basta anak ayaw kong makita kang umiiyak ulit." Nanay
*end of flashback
After that nasundan ng nasundan ang pagpunta niya sa bahay at panliligaw niya. Umabot na ng isang bwan pero ganun pa din siya. Hindi naman ako umaastang parang girlfriend na niya ulit, until this day.
I grabbed my phone and texted him.
"Hi can we meet?" Pabebe kunware
1 minute later tumawag siya.
"Yen, andito ako kila tito randy today is his departure going to dubai again. Hindi ko alam kung mapupuntahan kita but they are inviting you over. Punta ka daw dito para na din makapag HI ka sa kanila" Cliff
"Ow. Is that so, sige I'll try makapunta diyan. But dont wait for me ha baka kasi magbago isip ko" Me
"No. I insist. Sunduin nalang kita sa inyo ngayon. Wait for me there." Cliff
"Okay. Ingat ka."
"Bye hon, Iloveyou." Cliff
Call ended
"I love you too."
Sana tama tong gagawin kong desisyon.