Gumising ako ngayong umaga na wala ng sakit na nararamdaman. Wala ng pait na nalalasahan galing sa nakaraan.
Masaya.
Kakaiba yung pakiramdam. Ang gaan. Ang gaan gaan.
Nakangiti akong bumangon.
Nabasa ko yung text niya.
"Good morning :)"
Syet. Good morning palang yun eh. Nalaglag panty ko joke. Hahaha
"Good morning, kamusta? :)" virgin ang peg
"okay lang naman ako. Ikaw ba?"
Anong convo ito. Tsk
Biglang nagtext siya ulit
"ahhm, yung kagabi. Ano yun?"
Dug dug.
Bumilis ulit tibok ng puso ko. Naaala ko nanaman yung kagabi.
"ah eh, ewan ko. Ano ba yun sayo?"
"Hindi pa ba tayo?" Daryl
Oo. Oo. Oo. Oo nga tayo na
":). April 6, yes it is."
"tutulungan kita, hindi ko maipapangako na hindi kita sasaktan, hindi ko din maipapangako na tayo na hanggang huli pero ipapangako ko sayo, mamahalin kita,wag mo lang akong itutulad sa kanya." Daryl
Hanobeeeeeey. Kinikilig ako.
Yaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!
"okay :) sabe mo eh, Daryl :* "
So ayun na nga! Its official. KAMI NA!
Wala akong bukambibig nun kundi Daryl, Daryl, Daryl. Yiii.
Hindi ko siya Rebound. Hindi. Pumasok siya sa buhay ko wala na si Cliff, okay na ko. Hindi ko siya rebound. Itong nararamdaman ko sa kanya, totoo to.
TOTOO.