"Mahal na mahal pa din kita."
:O
"hoy ano ba pinagsasabe mo? Nagjojoke ka nanaman? O lasing ka?"
"hindi ako lasing."
"lagot ka kay Bel."
"bakit? Sasabihin mo ba?"
"isusumbong kita :p."
Para kaming mga bata. Pero somehow. Namiss ko to.
"dito ka na matulog. " Cliff
"eeh?! Loko loko ka ba? Sabe ko nga sa kanila 10 mins lang ako dito lagpas lagpas na nga. Nagagalit na sakin yung mga yun."
"hmm. Sige na. Dito ka na kase matulog." tapos bigla niya ko niyakap from my back.
Aaahhmm. Ayaw magfunction ng utak ko? Luh!
"huy. Ah. Eh. Sabe mo maguusap. Ano ba paguusapan?" bigla nalang ako tumayo.
Nangiti siya. Napakapervert talaga ng taong to.
Hindi ko naman ipagkakaila. 2 years kame. Hindi ko ipagkakailang wala pang nangyayare. Yes, meron. Kabisado ko na nga nunal niyan sa katawan eh. Alam ko din kung pano yan magisip kaya yang ngiti niyang yan?
DELIKADO.
"hey. Anong paguusapan?" lumayo ako ng konte.
Bigla siyang nagseryoso.
"hindi mo ba ko talaga kayang hintayin? Ha Yen?"
Hindi ako sumasagot. Nakatingin lang ako sa phone ko. Binibilang ko yung minuto.
"hindi mo na ba ko mahal?"
Bigla akong napatingin sa kanya. Eto nanaman. Nararamdaman ko nanaman yung sakit.
"nakakapagod Cliff." sabe ko
"Hindi mo na nga ako mahal?"
Hindi ko na napigilan. Umiiyak nanaman ako.
Tama bang sabihin kong hindi ko na siya mahal kahit yung totoo eh mahal na mahal ko pa din siya?
Tama bang ipagkaila ko? O mas makakasama kung sasabihin ko?
"ayoko na Cliff."
"Yen! Sabe mo hihintayin mo ko!"
"Cliff kelan pa?! Hanggang kelan ba ko maghihintay? Sigurado ba kong may hinihintay ako? Ha? Napakagulo Cliff! Sobrang gulo!" iyak nanaman ako ng iyak.
"babalik na ko samin. Wala namang patutunguhan tong usap na to." sabe ko habang pinupunasan ko luha ko
"hindi. Dito ka matutulog."
"HA?! Nasisiraan ka na ba ng bait? Hahanapin nila ko!"
Bigla niyang pinatay yung ilaw tapos nahiga na siya sa kama.
Ano ba naman -_- VERY WRONG!
"huy Cliff! Uuwi na ko don."
"BAHALA KA! Sige na umalis ka na!"
Ayan sinigawan na niya ko. No choice naman ako kundi bumalik dun. Syempre kahit gusto kong makasama siya matulog eh hindi naman kase pwede -_-
"sige. Aalis na ko." lumabas na ko tapos biglang bumukas ulit yung pinto.
"Yen. Dito ka na kase matulog."
Napangiti ako kase hindi pa din siya nagbabago. Alam ko naman miss na miss na ko niyan.
":) hindi po kase pwede. Sorry po. Babalik na ko dun."
Tapos pinagsarahan niya ko ng pinto.
Anak ng.
Napaka Bipolar! Kung pwede lang ba eh bakit hindi! Bwiset!!
Bababa na nga ako. Babalik na ko sa kabila. Past 12 na. Hinahanap na ko ng mga yun. Tsk. Paktay ako neto.
Teka.
Kala ko ba maguusap?
Anyare?
USAP SA KWENTO -_-