Days had past

28 0 0
                                    

Totoo nga.

Madami ng nangyari mula ng araw na iniwan niya ko. Nabaliw ako, nagago ako, kung ano ano na.

Pero mahahanap ko pala talaga yung taong maipapalit ko sa kanya.

3 months na ngayon. Sana okay lang to. Sana tama to.

*FLASHBACK*

Papunta sana akong sports complex para manood ng Graduation nila ate Kariza. Yay graduate na sila ngayon. Mababawasan na kami. Nakakatuwa parang kailan lang.

Nagtext si cheng

"tambay tayo sa lati" cheng

Kala bogs, tatambay kami kala bogs

"kasama si Daryl. :)"

Peste to. Pakilig

Nag tatlong isip ako kung san ako pupunta kasi magtatampo sakin yung mga yun. Pero..

Tinext ko si Daryl

"Dar, san ka?" sent

"Dito ako sa may landing sa Iglesia" Daryl

"punta daw tayo kala bogs?"

"Sige, sunduin mo ko dito may motor ka naman. Haha" Daryl

Echusera to ako pa susundo.

"sige papunta na"

Ayun, sana hindi sila magalit sakin.

Nasundo ko na si Daryl sa Chapel nila, forgot to mention, Iglesia siya.

(Muslim ako by the way)

So andun na kami kala bogs, wala lang nakatambay lang kami sa kanila. As in tambay na walang ginagawa.

Andun kami sa kwarto ni Bogs, so magjowa kasama namin, inggitan ito?

Nagulat ako patayan ilaw portion na pala! Kasi nga 8 pm na din nun. So nakahiga silang magjowa. Kami naman ni Daryl eh magkatabi.

Kinakabahan ako.

May butterfly sanctuary yata sa stomach ko.

Di ko alam kung anong gagawin ko at anong mangyayare.

"Okay ka lang?" Bigla niyo kong inakbayan tapos hiniga sa braso niya.

Oh my...... .

Kinikilig ako. Feeling ko may kuryente yung kamay niya. Ang lakas ng spark grabe!

"o..oo okay lang ako." okay naman talaga ako jusko.

Tapos nakayakap na ko sa kanya, bigla niya kong hinalikan sa lips.

Smack lang pero yung epekto sakin, iba.

Para kong lutang, paranoid ng mga oras na yun.

"kala ko ba okay ka lang?"

Duh. Okay lang ako speechless lang.

"oo nga! Okay nga ako sabe."

Tapos bigla niyang hinawakan yung muka ko tapos, sinasagot ko na yung kiss niya.

Ang lambot ng labi niya, maliit, iba. Kakaiba.

Nung mga oras na yun wala akong ibang iniisip kundi, SALAMAT.

SALAMAT, NAGISING NA KO.

*END OF FLASHBACK*
________________

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon