Fast Forward

24 0 0
                                    

Times has passed.

April na ngayon..

Bumagsak ako sa dalawang subject ko. Minor lang naman pero nakakahinayang ga-graduate na sana ko next A.Y. Haay.

Hayaan na, ganun talaga na-gago kasi ako ng sobra dahil sa isang lalaki.

Ngayon masasabi ko na okay ako. Okay na ko. Salamat sa pagse-skate nakalimutan ko yung lalaki na yon.

Nagtetext siya paminsan minsan iba iba ang number na gamit dahil nahuhuli yata siya ni Isabel na nagtetext sakin. Ang weird. Bakit niya pa kasi ako tinetext samantalang hindi na nga ako nagpaparamdam.

"Babe, skate tayo" biglang nagchat si Cheng. Real name is Aze. Babae po yan. Siya yung bumatak sakin sa landas na ito.

"san tayo spot?"

"Sa court sa kitang" Cheng

"Tara ligo lang ako saglit"

After a while sinundo ko na siya sa kanila, nakarating na din kami sa court.

Hindi pa kami marunong ng mga oras na yun, pa-rides rides lang. Ollie kahit mababa at hindi umaangat, pero masaya. Sakin sobra. Kasi nawawala problema ko.

Yosi Break.

"Yen, sila Debs oh" sabay turo sa kaliwa

Oh talaga. Kasama nila si Isabel. Hinayaan ko lang kasi I didnt come naman dun para makipagaway I came there para mag skate, and in the first place nauna kami.

Kasama namin sila Bogs, tapos may kasama siyang isa pang lalaki, hindi ko kilala.

So ayun, naglaro lang kami the whole day.

8 pm na. Need to go home. Mapapagalitan nanaman ako ni Nanay eh.

Pagdating ko sa bahay, same old.

Nakahiga na ko sa kama kasi pagod ako maghapon. Nagtext ulit si Cheng.

"Babe, may pagbibigyan ako ng number mo ah, chix to. Hahaha" cheng

"Ibigay mo ng ibigay! Haha sino nanaman yan?" Me

Biglang may nagtext.

"Hi."

"Who's this?"

"Ako yung kasama ni bogs kanina."

Isip, isip, isip. Ahhh!!!

"Ikaw si kuyang nakapulang sapatos!"

"Haha oo, yung sapatos ko talaga naalala mo ha? Hindi man lang mga tira ko."

"haha sorry, busy kasi ako kaniba. Ano nga pala pangalan mo?"

"DARYL."

Daryl.... :)

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon