I got home safe. Pag dating ko kumain na ko tapos uminom na ko ng gamot, mamaya na ko magne-nebu para maayos tulog ko.
"san ka galing? Di ka man lang nagpaalam" Mom
"sa limay lang po may inayos lang ako."
Hindi ko pwedeng sabihin na nag-skate ako kasi papagalitan niya ko, ang alam niya lang may inaayos ako sa school.
"The day after tomorrow wag kang aalis ha, may pupuntahan tayo ikaw magdadrive." Mom
Wala naman akong magagawa eh, ang hirap sa marunong magdrive labas mo lagi driver.
"OPO."
Wala naman akong ginagawa so I texted Daryl.
"Dar, Hindi pala ako makakapaglaro sa isang araw, aalis daw kami."
"Ako din baka hindi. Nagaaya silang magswimming nun ah." Dar
Swimming? Bat alang naginform sakin
"Hindi ko ata alam yan bat hindi nila ako sinabihan?"
"Hindi ko lang alam, atleast alam mo na ngayon, edi sumunod ka nalang pagdting niyo diba?"
Sabagay nga naman.
"Sige susunod nalang ako."
Nagreply siya pero hindi ko naman nabasa kasi Im busy cleaning my room. Pa good shot muna kay inay lagi nalang ako wala.
Napagod na ko kaaayos ng kwarto kaya nahiga na ko.
Ang daming text ng phone ko, pero 3 lang ang galing kay Dar. Tinignan ko kung kanino galing.
+63948*******. Sino to? I dont recognize the number.
Binuksan ko yung text, at eto ang mga nabasa ko sunod sunod.
_____
YenYen
Yen
Please yen. Answer back
Bakit ka ganyan
Akala ko ba hihintayin mo ko? Bakit?
Kasama mo si Daryl kanina, kayo na ba?
Yen.. Yen naman.
____Halaka. Sino to? Anong trip niya sakin?
Nireplyan ko siya.
"Hi, sino po ito?"
Ang bilis ng reply, hinihintay ata talaga ang text ko.
"Hon. Si Cliff to."
Anak ng teteng yan. Anong trip ng taong to.
"Cliff? Sabog ka ba? O lasing? Ano nanamang naisipan mo ha?"
"sagutin mo yung tanong ko, akala ko ba hihintayin mo ko? Asan na yung sinasabi mo na yun Yen? Ha? May boyfriend ka na agad?! " Cliff
Tanginang to. Hahahahahahahaha nakakatawa. Anong akala niya? Ano ako? Ako pa ngayon ang mali? Hayop. 3 months na! Kasalanan ko pa.
Hindi ko siya nireplyan, hinayaan ko siya. Wala na akong pakialam. Wala na. Naiinis ako. Nakakainis.
"Yen. Hindi ka nagtetext, busy ka ba?" Dar
Shit nakalimutan kong itext si Daryl.
"Dar! Sorry katatapos ko lang magayos ng kwarto. May sasabihin ako sayo."
"Bakit nagtext sayo si Cliff?" Dar
"Pano mo nalaman?"
"Alam ko lang, syempre nakita niya tayong magkasama kanina." Dar