Mag uusal daw tapos hindi. Hmp.
Pauwi na ko sa building namin. Ang dilim na. Gabi na kasi.
Ay hindi. Umaga na.
Dahan dahan akong pumasok sa main door ng bahay. May tao pa naman sa baba.
May nga naglalaro pa ng baraha saka umiinom.
Hay , makapag-CR nga muna matatakot na kong bumaba mamaya eh.
Pagpasok ko sa cr.
"ay pusang kinalbo na may walong garapata sa ulo!"
Sobrang gulat ko muntik ko na mahampas ng tabo si Riza.
Si Riza. Siya yung recently added sa TF.
"jusko naman bebe! Ako lang to! Makasigaw ah." Riza
"nako muntik na kong mamatay sa kaba!"
Hay tao ka. Yung gulat ko wagas.
"teka bebe, san ka galing? Bat ngayon ka lang umuwe?"
Oh-uh.
"ah eh. Wait bebe nac-cr ako eh."
Anong sasabihin ko? Good game ako neto! Tsk. Hanobey.
Tinagalan ko sa cr para pag labas ko wala na si Riza. Magtatanong kase yun -_-
Pero pag labas ko naman. Andun siya sa sala. -_- nakaupo sa sofa.
"ah bebe. Di ka pa ba matutulog? Aakyat na ko." sabe ko.
"hindi muna. Ang sakit kase ng sikmura ko eh."
Naawa naman ako wala siyang kasama don. Saka hindi pa naman ako inaantok.
"sige samahan muna kita diyan."
SILENCE
...................
"ah, Riza? Dun muna tayo sa labas. Mag yosi lang ako."
"ah. Osige."
Paglabas ko. Nanguwa kong isang stick ng yosi at sinindihan ko.
Yes. I smoke. I drunk. I even take mj sometimes. But that doesn't give a sht on you so dont care at all.
Going back.
Kinuwa ko phone ko. Nabasa ko yuny text niya saying....
"bumalik ka dito."
Nangiti ako sa di ko malamang dahilan.
I replied.
"ikaw nalang pumunta dito. Andito ko sa labas ng bahay namin. Hintayin kita."
Sent.
Ang tagal magreply. So nagkwentuhan muna kame ni Riza.
"so bebe, do you mind if I'll ask? Alam mo namang bago lang ako sa group niyo kaya hindi ko alam yung issue between you and that Clifford Pwede ka bang magkwento?"
Napatawa ko ng bahagya. Wala namang masama kung ikwento.
"HAHAHA! Si Cliff? :) siya yung kaisa isang lalaking minahal ko ny ganto riza. Siya lang. "
Napangiti ako ng mapait.
"si Cliff. 2 taon kame niyan. Legal na legal kame sa pamilya ko saka sa pamilya niya."
Para akong tangang nakangiti habang nagkukwento ng mga nangyare samin.
"dati. Ako lang sapat na. Ako lang masaya na siya. Yung ako lang kahit wala ng ibang bagay okay na. Ako lang kase yung mundo niya dati. Ngayon hindi na. "
Naaalala ko nanaman yung sakit. Bumabalik nanaman yung lahat.
"alam mo bebe. Okay lang yan :) kaya mo yan. Hindi ko man alam lahat ng nangyare sa inyo. Di ko man alam lahat ng naging problema niyo. Hayaan mo nalang muna siya. Malay mo Next time. Ikaw naman yung hahabulin niya :)"
Ako naman. Sana nga ako naman yung habulin niya.
I looked at my phone. Walang reply.
1:00 am na. Aakyat na ba ko?
"ano bebe di ka pa aakyat?"
"saglit lang. 5 mins. Intayin ko lang siya. Pag 1:05 wala pa sya. Aakyat na ko. "
Tinext ko siya ulit.
Hinihintay kita. 1:05 wala ka pa aakyat na ko.
1:01.
1:02.
1:03.
1:04.
:) Hindi ka na dadating. Aakyat na ko. Good night.
"tara na bebe. Tulog na tayo?"
"tara na be. Matulog na nya tayo :)"
And bye that. Walang usap na nangyare.
Lights Off.