Sha Yvonne POV
Alas singko na ng hapon kaya nag bell na. Lumabas na ako sa room kasama si Stephany naglalakad na kmi sa hallway at kinapa ko yung cellphone ko para tawagan si lola kasi nasabi nyang after 4 days daw bago sya makauwi sa bahay. Kinapa kapa ko yung cellphone ko sa bulsa ng palda ko pero wala. Wala yung cellphone ko shit bigay pa naman ni lola saken yun. Patay ako nito.
"Stephany yung cellphone ko.? Nakita mo ba.?" Tanong ko kay stephany.
"Baket? Wala sa aken nakita ko pang gamit mo yun knina nung kausap mo si lola eh." Sabi nya kinabahan na ako baka kase nawala ko yung cellphone ko.
"Stephany mauna kana babalik lang ako sa room hahanapin ko lang yung phone ko bigay kase ni lola saken yun eh." Sabi ko at tumalikod na sa kanya
"Yvonne mag ingat ka hah.?" Pahabol ni stephany.
"Salamat. Ikaw rin." At tumakbo na ako baka diko na maabutan yung pintong nakabukas.
"Sir wait lang po may naiwan po akong gamit sa loob." Sabi ko at dumeretso sa upuan ko at hinanap yung cellphone ko. Shit nasan kaya yung cellphone na yun bka tumatawag na si Lola.
"Ms. Osena isasara ko na itong pinto. Hinihintay na ako ng driver ko." Patay!
"Sir ako nalang po yung mag sasara. Please." Pakiusap ko kay prof
"Sorry but this is a lab." Tsk laboratory nga pala to. Bawal ang studyante kapag ganitong oras rito kase maraming pwedeng mawala.
Wala na akong nagawa kundi lumabas. Nakakabadtrip naman san ko ba nalagay yon.
"Good bye sir ingat po." At tumakbo ako papunta sa labas ng school na to. Saan ba kase yung cellphone na yun nakakaasar naman.
Kamusta na kaya si lola. Di man lang ba nya ako bibisitahin rito.? Nakakatampo sya. Wala tuloy akong kasama sa bahay nakakatakot pa naman kapag ikaw lang mag isa sa bahay may kalakihan pa naman yun.
~~
Binuksan ko ang pinto ng bahay at pumasok na.
Kakarating ko kinalkal ko yung bag ko diko pa kase nakikita yung cellphone ko. Kawawa naman si Lola di ko pa sya natawagan para sabihin na nakauwi nako. :"(
"I miss you lola."
Vince Art POV
"Hey dude naglalaro ka na naman ng Cooking Mama.?" Tanong ni Eldrin kay Evan. Inaasar parin nina Eldrin at Xiumin si Evan dahil nahuli kami ni Yvonne knina nung naglalaro kmi. Hindi nila ako maasar dahil pag ako napikon baka makapatay ako kaya hindi nila ko agad agad inaasar kung nasa mood lang ako.
"Shut up jerk." Sabi naman ni Evan kay Eldrin.
Nandito kami sa mansion nina Eldrin nagba-bonding kami tuwing gabi ginagawa namin ito sa mga kanya kanyang mansion.
"Vince bago ba yang phone mo.?" Tanong ni Xiumin. At tinignan ko ang phone na hawak ko.
"Hindi. Kay Yvonne to." Oo nasa akin yung cellphone nya dahil knina sa last subject namin naiwan nya ito sa desk nya dahil nagmamadali syang lumabas. Dahil cguro sa ginawa ko sa clinic kaya sya umiiwas.
"Bakit na sayo.?" Tanong ulit ni Xiumin.
"Naiwan nya kanina sa desk nya sa lab. Kaya kinuha ko na baka may iba pang makakita." Sabi ko na hindi parin inaalis yung tingin sa cellphone.
"Ah ganun ba." Sabi ni Xiumin habang patango tango. Kinuha ni Xiumin yung phone sa kamay ko at tinignan lang sya. Paki-elamero talaga kahit kelan si Xiumin kung nga ako hindi ko binuksan yung phone ni Yvonne.