Joana POV
Breaktime na namin kaya nagpasama na ako sa tatlo kong kasama para makakain dahil nagugutom nako simula kanina pa. Sayang nga yung binigay kong graham kay Vince. Tinapon nya lang sa aken. Sana di nya na tinapon sa aken yun. Sana diko na binigay sa kanya. Nakakainis kase eh!!!! Nakakairita yung si Glenn. Basta ayaw kong tumigil sa ano mang gusto kong gawin naiinis ako. Ayaw kong magpatalo sa isang babaeng hampas lupa. Hindi ako magpapadala sa mga sinabi ni Glenn. Malay ko ba kung niloloko lang ako nun. Psssh patigasan nlng tayo ng bungo.
"Joana anong plano mo ngayon? Tignan mo ang childhood love mo at ang flirt na girlfriend nya. So sweet." Sabi saken ni Yoona. Lalo akong naiinis ng makita ko sila kung gaano kasaya. Alam kong first girlfriend nya si Yvonne. Dahil sa lagi kong pagsunod sa kanya simula pa nung bata pa kami. Pero may isang tao pa akong pwedeng maging kakampi. Walang iba kundi si Celestine Reyes ang pinakamamahal ni Vince noon.
"Pag hihiwalayin ko sila gamit ang isang tao.!" Sabi ko na ngumisi. Hindi pa sa ngayon ang plano ko dahil ako muna ang mananakit ng husto kay Yvonne. Kahit wala man syang nagawa saken naiinis ako sa kanya. Kumukulo pati dugo ko. Ganyan ang laki ng galit ko sa kanya.
"Sino naman.?!" Tanong naman ni Xiena na kambal ni Xiumin.
"Just watch." Sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
Sha Yvonne POV
Nandito kami ngayon sa canteen ng mga barkada ni Vince at sina Stephany at Glenn.
"Huii ibon. Ano yang dalawang kwintas nyo ni Vince.?" Tanong nya na nkatingin sa kwintas kong bigay ni Vince.
"Ito ba *hawak sa kwintas* couple necklace." Sabi ko sa kanya
"Eh bat parang may laman sa loob.? Ano yun? Picture?" Tanong nya.
"Hindi. Pangako. Bakit ba ang dami mong tanong huh.?" Sabi ko sa kanya at tinaasan lang nya ako ng kilay.
"So ganyan? Bahala ka nga dyan." Sabi nya ng aaktong tatayo na.
"Ito naman hindi mabiro." Sabi ko sa kanya. Umupo naman sya agad. Tsk moody.
Sya nga pala hindi pa pala nila kilala si Glenn kaya nananahimik lang si Glenn dito sa tabi ko. Nasa gitna na naman kasi ako ni Vince at Glenn kaharap ko naman si stephany.
"Ah Guys. Sya pala si Glenn. Sya yung New Classmate natin." Sabi ko.
"Hi Glenn." Stephany.
"Sap Glenn?" Evan.
"Glenn sya pala si Stephany kaibigan ko sya since first year. Sya naman si Evan kaibigan sya ni Vince. Si Xiumin and Eldrin kaibigan din sila ni Vince. Sila yung heartthrob dito sa school naten. " sabi ko. Habang tinuro turo sila Evan habang pinapakilala.
"Hellow. Nice to meet you all." Sabi naman nya na nakangite at nakatingin kari Eldrin.
"Ahm alam nyo bang wala tayong klase nyan ng 7 days.?" Sabi ni Evan na ikinagulat namin.
"Huh? Bakit.?"
"Talaga.?"
"Psh Biro?"
"Totoo hindi pa ba kayo dumadaan sa bulletin board? May seminar kase mga teachers dito in 6 days yung 1 day naman pahinga nila." Sabi namaN. Ni Evan. Yehey walang pasok.
"Talaga walang biro tol?" Si xiumin naman na hindi rin makapaniwala.
"Oo nga. Gusto nyo samahan ko kayo sa bulletin board." Sabi naman ni Evan sa amin.
"Cge una muna ako sa inyo mag ccr lang ako." Sabi ko sa kanila. Kase kailangan kong mag re-touch nakakahiya naman kay Vince. Heartthrob sya tapos yung girlfriend nya hindi marunong mag ayos. Pumunta na ako sa CR. Bubuksan ko na yung pinto kasabay nun ay ang pagbagsak ng timba na may tubig. Kaya basang sisiw na ako. Pero isa pang pinagtataka ko may kumuha pa ng letrato saken. Geeeezz nakakabadtrip naman buti nlng may uniform pa ako sa locker. Inayos ko nlng ang sarili ko at lumabas sa Cr ng basa. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga studyante dito.