Lola Lourdes POV
Sabado palang ng umaga at dinischarge nako sa hospital dahil umayos na daw yung kondisyon ko sa pag confine saken ng dalawang araw. Kaso pinapabalik ako after 3 days.
Hindi na ako nagdalawang isip na bumalik sa bahay dahil hindi pa tlga kaya ni Yvonne yung sarili nya. Tsaka nag aalala ako sa kanya baka may pumasok na magnanakaw ron tsaka baka marami ng gustong kumain sa shop namin.
Nandito nako sa tapat ng bahay at inilagay na ang code sa glass door. Namiss ko tlga tong shop pati si Yvonne. Pumasok na ako ng walang ingay na nagagawa dahil baka magising si Yvonne. Maaga pa kase 3:30 palang ng umaga.
Dumiretso na ako sa kusina dahil nauuhaw ako pero may nakita akong nakatalikod at nakatapat sa refrigerator at naka jacket sya ng black. Josko po baka magnanakaw to. Sandali magnanakaw.? Bakit nasa kusina.?
"Ehem.!" Sabi ko
"Waaaahh mu-mu-lto.!!!" Sigaw nung binata. Multo? Ako? mga bata tlga kahit si Yvonne pinagkakamalan akong multo minsan.
"Eh hijo sino kaba.? Lola ako ni Yvonne." Sabi ko sa kanya at lumapit.
"Ah Vi-vince po." Sabi nya na nauutal.
"Ano mo si Yvonne.?" Sabi ko sa kanya pero mukhang natatakot sya.
"Ka-ka-i-bigan po." Sabi nya. Kung si Yvonne lang tlga yung nandito hindi titigil sa kakatawa yung taong yun.
"Ah." Sabi ko nlng.
"Ah lo-lola ma-mano po." Sabi nya at nag bless.
"God bless." Sabi kp at bigla nlng may sumigaw
"Lola!!!!" Sigaw ni Yvonne. At yumakap saken.
"Lola kala ko po ba sa tuesday pa ang dating mo.?" Tanong nya saken.
"Eh namimiss na kita ibon eh." Sabi ko at kumawala rin sya sa pagkakayakap. Iniisip ko kung pano ko masasabi yung totoo sa kanya kapag nawala na ako.
"Lola aalis pa po ba kau nyan.? La sana wag na kase diko po kaya mag isa dito nakakalungkot." Sabi nya at nag sad face.
"Maiba nga ako apo. Sino yung lalaking nandito kanina.?" Tanong ko.
"Eh la nasaan.?" Balik na tanong nya. Niloloko ba ako nito?
Hinanap ko yung Vince pero wala na sa pwesto nya knina at nakita ko syang nkabulagta na sa sahig.
"La anong nangyare kay vince.?" Nag aalalang tanong nya. Ewan ko din eh kanina nag mano pa sya.
"Ewan ko apo. Sabi nya kanina saken multo daw ako apo." At tinulungan ko syang buhatin si Vince
"Hala ka lola tinakot nyo po si Vince." Biro nya pa.
"Hindi apo ah." Sabi ko at ihiniga na ni Yvonne si Vince sa mini sofa na nandito sa shop.
"Yvonne akyat muna ako at magpapahinga pa. Pagod kase ako sa byahe." Nakaramdam kase ako ulit ng pagod.
At iniwan ko na sina Vince at Yvonne sa shop madilim pa naman kase.
Sha Yvonne POV
Pinagmamasdan ko lang si Vince habang natutulog. Nkaupo lang ako dito sa tabi nya. Maaga pa naman kase at madilim pa.
"Vince di ka lang pala gwapo kapag gising kahit pala tulog ka ang gwapo gwapo mo paren." Habang hinihimas ko yung buhok nyang napaka lambot.
Napapangiti ako dahil nakakausap ko na sya ngayon. Noon kase ni hindi nya ako mapansin kahit na ako yung pinakamataas sa section namin.
