Vince Art POV
Bakit ganito di ako makatulog? Iniisip ko parin kung tama ang ginawa ko. Paano na lang kung nalaman niyang isang DARE lang yun. Masasaktan ko ba siya? Nakikita ko kay Yvonne siya yung babaeng walang alam sa love. Pero bakit agad niya akong sinagot? Ganon ba siya ka simpleng abutin?
Hindi ko namalayan na nandito nako sa labas ng hotel. Eh kanina lang nasa loob ako. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Tinignan ko ung cellphone ko kung anong oras na. Two AM na pero di parin ako naantok. Umupo ako sa buhanginan at binuksan ulit ang cellphone ko. Pumunta ako sa gallery at tinignan ang mga picture namin ni Celestine noon.
"Umalis ka ng wala man lang paalam at walang paliwanag." Bulong ko sa sarili ko. Naramdaman ko ang paghawak sa balikat ko kaya tumingala ako para makita kung sino yun. Tangene si Evan lang pala. Kala ko chikababes na.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ni Evan.
"Pake mo ba?" Sabi ko sa kanya
"Bro may dalaw ata tayo ngayon ah." Sabi niya at tumitingin pa sa gitna ko. Baliw tong kumag na to rerapin pa ata ako.
"Hoy tukmol manahimik ka nga dyan kung ayaw mong ilunud kita dyan sa dagat."
"Kakamustahin ko lang naman yung dare mo." Sumeryoso ang mukha niya.
"Dare? Tapos na kanina pa." Nanlaki naman ang mata niya
"Totoo? Anong balak mo nyan?"
"Sasakyan lahat ng gusto niya."
"Di ka man lang ba natatakot na baka masaktan mo siya?"
"Matatakot? Isang laro lang to. Kaya anong kinakatakutan ko?" Sabi ko na hindi tumitingin sa kanya.
"Hindi ka man lang ba natatakot sa pag babalik ni Celestine? Yung taong mahal na mahal mo noon na hanggang ngayon ay mahal mo parin?"
"Kung mangyari man yang sinasabi mo. Sisimplihan ko lang. Ibibreak ko si Yvonne." Sabi ko na ikinakunot ng noo niya.
"Wala ka man lang bang nararamdaman para kay Yvonne? Ni katiting?"
"Nararadaman? Ikaw na mismo ang nagsabing mahal ko si Celestine tapos tatanungin mo ako?" Sabi ko sa kanya. Naiinis ako siya naman ang may gusto nun eh. Yun ang dare niya saken.
"Buhay mo yan." Sabi niya at umalis na.
Diko rin alam kung anong gagawin ko. Kapag nangyari lahat ng sinasabi ni Evan. Oo aaminin kong takot ako sa pwedeng maramdaman ni Yvonne kapag nalaman niya ang lahat. Unang beses kong gagawin sa babae to. Wala nga ba akong nararamdaman kay Yvonne? Pero bakit nung halikan ko siya parang sasabog ang dibdib ko dahil sa pagtibok ng puso ko. Pero bakit dinedeny ng pagkatao ko yon? Wala pa talagang chance na mapalitan si Celestine sa buhay ko? Siya na lang ba ang mamahalin ko buong buhay ko? Paano ko malalaman yun kung hindi ko pa nasusubukan. Sana lang ay maka tulong ang dare na to saken.