Chapter 12

8 5 1
                                    

Joana Del Mundo POV

Natapos na ang kasiyahan sa Roof top. Sakto PE namin. Hiwalay kase ang babae sa lalake tuwing PE kaya makakapag higanti ako kay Yvonne.

"Annie alam nyo na ang gagawin nyo mamaya." Sya pala si Annie Timbol. Kaibigan ko sya since 1st year high school kaklasi ko din sya sa sec. A ngayon. Mayaman din sya katulad namin. Player sya ng volleyball actually kaming apat na magkakasama. Ako si Annie Timbol, Xiena Porlucas at si Yoona Lee. Si Xiena Porlucas ay kambal ni Xiumin Porlucas na kaibigan ni Vince Art. Yoona Lee filipino sya at may korean blood sya dahil yung mommy nya ay koreana.

"Sobrang simple lang ng pinapagawa mo." Sabi ni Annie saken.

"Okay just do it." Sabi ko sa kanya at tinarayan. Ko sya at pumunta na sa locker. Nakita ko agad si Yvonne at biglang kumulo ang dugo ko.

"Annie! Tignan nyo kung sino ang nandito." Sabi ko. Walang tao dito sa locker maliban saming apat at sa kanya.

"Ay flirty frog." Sabi ni annie na kunwa kunwareng natapilok.

Tinignan ko sya simula sa taas pababa at sa baba pataas. At tinaas ko ang isang kilay ko.

"Sana tama yang desisyon mong lumapit lapit sa kaisa-isang lalaki ng buhay ko.!" Sigaw ko sa kanya. Naka PE uniform na kami at pumunta na sa GYM for girls..

Nakita ko kung paano sya matakot. Tsk dipa nga ako nag uumpisa Yvonne.

"All of you warm up first." Sabi nung Prof.

Nag warm up naman kami at nakita kong binebend na ni Yvonne yung paa nya kaya sinipa ko yung paa nya kadahilanan ng pagtumba nya. Hindi nakita ng prof ang ginawa ko kaya ngumisi ako sa babaeng flirt na yun.

"Ano.? Masakit ba.?" Nakita ko sa kanya ang hin nanakit.

"Kung ibubully mo ko. Ayus ayusin mo naman." Sabi nya at tumayo at lumayo sa pwesto ko. Kapal ng face. Grrrrrr.

"Okay girls that's enough." Sabi ni prof.

"Okay. Dalawang bola ang ibibigay ko sa inyo at kayo ng bahala kung ano man ang gagawin nyo." Sabi ni prof at inihagis yung dalawang bola ng pang volleyball. Mas maganda dalawang bola ang ibabato namin sa kanya.

Nakapabilog kami at naglalaro na kasama si Yvonne sa bilog kung nasaan kaming apat nina Annie kaya hindi na kami mahihirapan batuhin sya ng bola.

Ilang tira na din ang nagagawa ko at naiinip na ako. Gusto ko na syang bato batuhin ng bola. Sinenyasan ko na si Annie. At pinasa sa kanya ang bola. Pinasa naman nya kay Yvonne pero di nya natira.

"Tsk tanga tanga." Bulong ko at basa gitna na si yvonne dahil pinupulot nya yung bolang di nya natira.

Inabutan ako ng bola ni Yoona at sinasabing batuhin ko na daw sya. Ngumisi ako at nakatalikod sakin si Yvonne. Inispike ko na ang bola sa kanya. Diko masasabing hindi masakit yun kase malakas ang pag ka spike ko at tumama sa ulo nya yun ahahahahaha. Tanga

Kinuha ni Yoona ang isang bola at inispike nya rin yun kay Yvonne.

"Nice shot." Sabi ko kay Yoona at ngumisi lang sya.

"It's my time." Sabi ni Xiena. Binato nya naman kaya cguro nadugo na ang ilong ni Yvonne.

Nakita ko ang itsura ni Yvonne na nkaharap na saken dahil inilagan nya ang nga bato sa kanya. Kahit mga iba naming kaklase ay nakibato rin. Nakita ko ang pamumugto ng luha ni Yvonne sa kanyang mata. At naiiyak na. Kawawang flirty

"Bola.!" Sigaw ko at pinasa naman sakin agad yung bola. Inistretch ko ang katawan ko at alam kong buong lakas kong binato ang bola pero nakita ko ang lalaking humarang sa bola.

Hindi sya nag aaral dito. Geez sino kaya tong kumag na to.

Humarap sya saken at.. at ang gwapo nya. Parang sya lang yung Apat na heartthrob dito sa school.

"Who are you?" Tanong ko sa lalaki.

"And who are you too.?" Balik na tanong nya. Bwisit tong kumag na to.

"I'm Joana Mari Del Mundo. And you.?!" Taray kong sabi sa kanya at pinag mataasan dya ng kilay

"Di pa rin kita kilala. Kaya wag kang nagpapacute dyan." Sabi nya at hinila nya si Yvonne. May boyfriend na tas lumandi pa ang palaka. Nanggigil tlga ako sa kanya. Geez.

Bumalik ang lalaki sa tapat ko at pinagtaasan sya ng kilay.

"Ano? Naisip mo ng maganda ako.?" Sabi ko ng may halong arte at pag iinis.

"No. Sa tingin ko gusto mo kong makilala. I'm her cousin." Turo nya kay Yvonne. Bwisit na lalaking yon ang yabang yabang. At naiwan akong naka nga nga dito. Spell NGANGA J-O-A-N-A

Sha Yvonne POV

Buti nlng tinulungan ako ng lalaking to. Sya pala si Glenn Ferrer. Kababata ko sya simula nung mga bata pa kami. Kapit bahay namin sila date sa Sta. Rosa madalas akong nasa bahay nila kase pinapapunta ako ni Tita Ynah sa bahay nila para makapaglaro kami ni Glenn. Pero nung first year umalis na sila dito at ngayon ko lang ulit nkita si Glenn. Mayaman sila ni Tita Ynah single parent lang si tita ynah kase namatay ang papa ni Glenn nung 2 years old daw si Glenn.

"Hoyy Yvonne anong nangyare sayo.? At binubully ka ng mga yon ah.?" Sabi ni Glenn saken na may daladalang yelo at cotton.

"Wala yun." Sabi ko sa kanya.

"Anong wala yun eh dumugo na ilong mo wala lang.?" Tanong nya saken.

"Mainit lang kaya dumugo ilong ko. Ano kaba." Sabi ko sa kanya.

"Tsk. Makita ko ulit na binubully ka ng mga yun irereport ko sila sa may ari ng school na to." Sabi nya.

"Wag na okay lang naman ako eh. Musta na pala kayo ni tita Ynah.?" Pag iiba ko ng usapan.

"Ayos lang. Dito na kami ulit titira sa Pilipinas kaso nga lang hindi malapit sa bahay nyo. *sad face*" sabi nya na parang bata.

"Edi pumunta ka nlang sa bahay. Okay lang naman kay lola yun tas dun ka matulog tyak namiss ka ni lola nyan." Sabi ko sa kanya.

"Woaah talaga.?!" Sabi nya. Ang saya naman nya

"Oo. Bakit ayaw mo.?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Gusto. Gustong gusto namiss ko na nga si lola. Namiss ko na pti yung Chili Rice Cake nya." Sabi nya at pumapalakpak pa. Ahahaha mukha syang ewan.

"Sige Glenn mauna nako sayo. Sya nga pala bakit nandito ka sa school.?" Tanong ko sa kanya

"Itatransfer ako dito ni Mommy." Sabi nya na nakangiti.

"Talaga.? Ay makakasama na kita dito sa school." Sabi ko at niyakap sya at kumawala na rin.

"O-oo." Sabi nya.

"Sige bye una nako." Tas kumaway kaway ako sa kanya.

Yehey ang dami ko ng magiging kaibigan dito sa school. Si stephany at si glenn. Kasama ko pa yung Boyfriend ko. Yieeee swerte ko naman. Kaso may problema yung apat na buwayang babae. Binubully nila ako huhuhu. De jk lang.

Papasok na ako sa next subject ko para makita ko na si Stephany. Di kasi sya sumama sa PE pagod daw sya kase tumulong sa pag dedecorate sa roof top. Pati syempre si baby my loves. Sino pa.? Edi si Vince Art Villafuente.


~~~~~~

He Got Crazy Because of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon