Chapter 18

5 1 0
                                    

Vince Art POV

Pinuntahan ko sina Yoona at Annie. Gusto kong maningil sa mga ginawa nila kay Yvonne. Hindi hindi ko sila mapapatawad. Pinagtulungan nila ang walang kalaban laban na babae at ang mahal ko pa. Hindi ko mapaangakong hindi ko sila masaktan. Oo ayaw kong manakit ng mga babae pero kung pinag uusapan dito ang taong mahal ko. Tignan nlng natin.

Hindi kalayuan nakita ko na sila Yoona, Annie, Joana at yung kambal ni Xiumin na si Xiena.

Hinila ko si Annie na nakatalikod at tinulak ng napakalakas at bumagsak sya sa semento napailing sya sa ginawa ko.

"Anong kasalanan ni Yvonne sa inyo.? At pinapahirapan nyo sa?!!" Sigaw ko kay annie.

"Tinatanong mo sa amin yan? Kala ko matalino ka Vince hindi pala. Hindi mo ba napansin na lagi nlng nakasunod sayo yang si Joana? Huh!!! Simula grade 6 kayo sinusundan ka na nya tapos nagtataka ka kung bakit namin sinasaktan yang magaling mong girlfriend huh?!" gusto ko syang suntokin dahil sinasabi nya saken yan. Kasalanan ko bang ayaw ko kay joana?

"Bakit kasalanan ko bang ayaw ko sa kaibigang mong yan?!!! Ikaw joana sa tingin mo magugustuhan ka ng isang lalaki kung ganyan ang ugali mo?!!" Sigaw ko sa kanila.

"Oo. Kasalanan mo Vince!!! Di mo man lang binigyan si Joana na ipakita na mahal na mahal ka nya. Ituon mo lang sa isang tao yang isip mo. Totoo bang hindi mo pinahalagahan ang lahat lahat ng ginawa ni Joana para sayo huh?!! Napaka selfish mo. Wala kang kwentang lalaki. Kung ako si Joana. Pag sisisihan kong minahal kita. Pero nakikita mo na yung taong nagpapakatanga sayo di mo parin na aapreciatte ang mga ginawa nya. Isa pa yung ginawa mo kanina sa kanya na itinapon mo yung graham sa damit nya. Hindi sya nakapasok ng first period dahil dinadamdam nya ang mga binabalik mo sa kanya. Napaka walang kwenta mo!!" Sabi nya sa aken na ikina tahimik ko.

"Oo na wala akong kwentang lalaki. Pero sana tigilan nyo na si Yvonne wala syang ginagawa sa inyo. Kung selfish ako. Kamusta naman kayo?!" Sabi ko at tumalikod na at naglakad palayo sa kanila. Naramdaman kong may yumakap sa likod ko.

"Vince ako nalang. Sana alam mong mahal na mahal kita. Simula nung grade six pa tayo ikaw lang ang sinundan ko at wala ng iba. Kahit lagi mo aking ipinapahiya date." Sabi ni joana na umiiyak na.

"Bitawan mo ako." Sabi ko ng malumanay. Pero di parin sya umaalis. Baka makita pa ako ni Yvonne.

"BITAWAN MO AKO!!!" sigaw ko at umatras na sya.

Eldrin POV

Nandito kaming buong section A sa labas ng main gate. Dahil napag usapan namin na pumunta sa Crystal Beach sa Zambales. Pero may kulang pa si Vince at sina Joana.

"Yvonne nasaan na ba yung boyfriend mo?" Sabi ni Evan kay Yvonne.

"Yvonne nag paalam kana ba kay lola.?" Tanong ni stephany kay Yvonne.

"Oo kanina pa. Tsaka wala naman si lola sa bahay eh. Bumalik sya doon sa kapatid nya." Sagot naman nya. Ngayon ang alis namin pero pupunta muna kami sa SM hypermarket para may baon kami. Yung mga damit naman namin pinahatid lang namin dito. Pero si Yvonne dadaan pa sila sa kanila.

"Nandito na sila." Sigaw naman ni Xiumin. Nandito na sila Vince at Joana at sina Yoona, Annie at yung kambal ni Xiumin.

"Nandito na ba ang lahat.? Pwede na ba tayong mag byahe papunta sa Zambales?" Tanong ni Evan.

"Woaaaaaah Yes.!!" Sigaw nila. Halatang excited na sila.

Lumapit ako kay Vince

"Tol kailangan pa ng isang Van. Pwedi ba yung sa inyo?" Tanong ko dahil kami ni Evan ay may sariling kotseng dala pti si Xiumin. Tapos si Paulo yung bakla Van din yung kanya kaya maraming maisasakay.

He Got Crazy Because of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon