Chapter 16

12 6 5
                                    

Vince POV

Kasama ko ngayon si Glenn dito sa head office. Binibigay nya kase lahat ng form nya. At kinukuha na nya ang section nya.

"Beans tara na." Beans.?

"Bat ba beans tawag mo sakin kumag ka.?" Tanong ko sa kanya.

"Ano ba pangalan mo? Naririnig ko kase beans eh." Sabi nya at nagpipigil ng tawa. Aba't pasalamat ka wala ako sa mood manapak.

"Hoyy Glenn para sa kaalaman mo. VINCE ART ang pangalan ko. Okay.?" Sabi ko sa kanya.

"Okay. ^__^" sabi naman nya.

Nakita ko si Joana na papalapit sa amin. Na may dala dalang Graham cake. Oo favorite ko. Masarap kase. Nagutom ako bigla.

"Hi Vince ^_^." Pag papacute nya. Tinaas ko ang noo ko means anong gusto nya

"Eto oh pinag bake kita ng graham diba favorite mo to?" Baliw na baliw tlga to saken. Mahirap tlga maging gwapo. Sorry ka kay Yvonne lang ako ang pinakamamahal kong girlfriend

"Ikaw.?!!" Bulalas ni Glenn. Nakita ko naman ang pag iwas ng tingin ni Joana kay Glenn.

"Kilala mo sya.?" Tanong ko kay glenn.

"Oo. Makakalimutan ko ba yang pag mumukha na yan.? Yan yung nag bato bato ng bola kay Yvonne hanggang sa dumugo na ang ilong ni Yvonne nung pumunta ako dito eh. Kung wala lang ako baka nahi---" diko sya pinatapos dahil yung graham na binibigay saken ni joana ay tinapon ko sa damit ni Joana. Sa sobrang inis ko ang sarap nyang patayin kahit na babae sya. Kaya pala nadugo ang ilong ni Yvonne nun.

Idinikit ko sya sa ding ding at itinulak sya doon. Wala na akong pakeelam kung babae man to. Dahil wala din syang pakeelam sa naramdaman ni Yvonne nung pinadugo nya yung ilong.

"Wag na wag mo nang lalapitan ang Girlfried ko. Kung ayaw mong mapatay pa kita. Kahit na anong gawin mo hinding hindi kita magugustuhan. Malaking pagkakamali kung nagustuhan ko ang isang katulad mo. Malayong malayo ka sa ugali ni Yvonne.!!" Sigaw ko sa kanya. Wala akong pake kung umiyak sya ng umiyak dahil wala din syang pake kung ano man ang nararamdaman ni Yvonne.

Umalis na ako sa lugar na yon kasi hindi ko mapapangako na makakauwi pa syang buhay. Napansin kong hindi sumunod sakin si Glenn.

Glenn POV

Hindi ako sumunod kay Vince dahil sa nakita ko. Mahal na mahal nya tlga si Yvonne. Tinignan ko yung nambully kay Yvonne non. Maganda sya pero masama ugali nya.

"Alam mo maganda ka. Pero pumapanget ka dahil sa ugali mo. Subukan mong magpakatotoo kay Vince para hindi ka magka ganyan. Kung tutuusin tama lang ang ginawa ni Vince sayo para layuan ang girlfriend nya. Kung babaguhin mo ang ugali mo baka mapangako ko pang ikaw ang mahalin ko kesa kay Yvonne." Agad nalang lumabas sa bibig ko yung mga salita na yon. Aiy basta gwapo ako gwapo.

Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko dahil nagkalat na ang graham sa damit nya. Lumuhod ako dahil nakaupo na sya sa saheg. Pinunasan ko na yung graham sa damit nya at binigay sa kanya yung panyo ko.

Tumalikod na ako sa kanya at nagpatuloy maglakad

"Kung nag paiwan ka para pag sabihan ako sana sumama ka nlng sa mahal ko. " sigaw nya. Tinatawag nyang mahal ay si Vince. Mahirap tlga kapag gwapo no Vince Art?

La eh nasa lahi na yan tulad ko. At napangiti ako habang naglalakad patungo sa room.

Joana POV

Hindi ko mapigilang umiyak ng umiyak dahil sa mga sinabi sa akin ni Vince. Nagawa ko lang naman yun dahil mahal na mahal ko sya. Gusto ko saken sya ayaw kong may iba sya maliban saken. Hindi nya ba napansin lahat ng ginagawa ko para sa kanya.? Nag aaral akng mabuti para maging kaklase ko lang sya tapos kahit yun lang hindi nya makita.?

Hindi na muna ako pumasok sa first subject ko dahil parang pagod na pagod ako buong araw.

Isa pa sa gumugulo sa isip ko ang mga sinabi nung Pinsan ni Yvonne. Pinsan nya pero bakit sabi nya kanina....

"Kung babaguhin mo ang ugali mo baka mapangako ko pang ikaw ang mahalin ko kesa kay Yvonne"

Seryoso ba sya.? Oo alam kong maganda ako pero wala pang nakapag sabi ng ganyan sa aken. Yung iiwan nila ang mahal nila kung ang isang tao ay magbabago?

Oo aaminin ko natamaan ako sa mga sinabi nya. Ang tanong sasayangin ko ba ang mahigit 10 years na kakasunod kay Vince para lang mag bago.?

Tinignan ko yung panyong binigay nya na may ukit pa ng pangalan nya.

Glenn?

~~

RM.121

Glenn POV

"Good Morning Class. You have a new classmates from Australia." Sabi ng prof.

"Kaklase pala natin sya.!"

"Wow ang gwapo nya para sya lang yung apat."

"Oh my gosh may bagp na kong lovevavay."

Bulungan ng mga studyanteng babae dito.

"Class quiet! Okay Glenn you have to introduce yourself." Sabi ni prof at nagpalakpakan yung mga studyante.

"Hi. I'm---" naputol ang sasabihin ko nung sumigaw yung bakla.

"Oo sinasagot na kita papa. I love you too.!" Sigaw nung bakla.

"Shut your mouth Paulo Alvarado." Sabi nung prof. Haist kelan kaya ako matatapos ngayon.

"I'm Glenn Ferrer. 18 of ages. Call me what you want." At nag bow na ako.

"Class tumayo kau at magkakaroon na tayo ng sitting arrangement." Sabi nung prof.

Natapos na ang pag sisiting arrangement yung. Dalawa dalawa lang ang upuan na mag kakatabi malas ko pa yung katabi ko ay absent. Magkatabi naman si Yvonne at si Vince. Pero sa kanan ko lang sila

*absent*ako* *Yvonne*Vince*

Ganyan ang sitting arrangement.

Hindi rin nagtagal ay nag bell na kaya means next subject na. Mga teacher na ngayon ang lumilipat hindi katulad date nung una kong punta dito. Na nakalabas yung mga studyante.

Dipa dumadating yung prof namin kaya ang ingay dito sa loob except sa aken. Iniisip ko kase yung babae kanina. Naawa ako dahil nag mahal lang naman sya.

May pumasok na kala ko yung prof pero hindi pala. Yung babaeng iniisip ko kanina pa. Tinignan ko ang buong paligid wala namang bakanteng upuan. So katabi ko sya.?

Ng umupo na sya sa tabi ko nakita ko ang nata nya na namamaga. Cguro umiyak lang sya ng umiyak.

"Okay ka na ba? " diko natiis na tanong.

"Oo salamat." Sabi nya at ngumiti lang. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Geez stop. Pero hindi parin humihinto sa bilis. Umiwas nlng ako ng tingin sa kanya.

~~

Sha Yvonne POV

Dumating na ang next subject teacher namin si Ms. Escalada yung nag palinis ng library dahil maingay ang nga kaklase ko.

"Class QUIET!!" Sabi ni Ms. Escalada. Wala namang nakinig sa kanya dahil ang ingay paren isa na don si Evan ng tawa ng tawa at sina Vince na nakikitawa din.

"CLASS PAY 5.00" 5.00? Anong gagawin naman nya sa 5 pesos.?

"Ilagay nyo sa desk nyo at kukunin ko." Sabi nya at lahat naman kmi ay sumunod.

May tinawag syang isang studyante at inutusan binigay din nya yung tig 5.00. At ng dumating na ang inutusan nya ay may dalang plastic.

Kinuja ng teacher yun at dumukot ng isa at binibigyan kami ng tig isa.

"LOLLIPOP?!!" bulalas ni Evan.

Ano namang gagawin namin dito sa lollypop?!

"Okay class buksan nyo yan at isulpak nyo sa bibig nyo ng walang maingay." Sabi ni Ms. Escalada. Ahahaha sinunod naman yun ng mga studyante.

Ang galing naman ni Ma'am effective. Sobrang tahimik tuloy ng buong klase kase ang laki nung lollypop eh matagal malusaw.

~~~~~

He Got Crazy Because of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon