Nakaupo ako ngayon sa sofa habang kaharap ang isang therapist. Nangingiti ako dahil sa mga sinasabi nya. Last session ko na ito.
"You have to evaluate yourself, Katherine. Reflect through your past." ani nya.
I crossed my legs while listening to him. Lalong umigsi ang maigsi ko nang dress.
"I already did that pero palagay ko wala talagang halaga ang lahat ng ginagawa ko. I feel like there is no one ready to accept my flaws, to accept me. Kahit sino wala." madrama kong sagot sa kanya.
Huminga ng malalim ang lalake at ibinaling ang tingin sa aking dibdib. Napalunok sya. Gusto kong ngumisi ngunit pinigilan ko. Inilipat nya ulit ang tingin nya sa aking mukha saka umiling.
"I will give you my book. Ako mismo ang sumulat nito. Sana makatulong sayo." kinuha nya ang isang libro mula sa drawer nya at iniabot sa akin.
"Really? Ibibigay mo sa akin? This is too much. Tinutulungan mo na nga ako ay magbibigay ka pa ng libro but thank you." hindi nawala sa tinig ko sa kunwaring sayang nararamdaman ko. God. This is exhausting.
"Free na yang libro tutal Naging every week naman ang session natin." ngumiti sa akin ang therapist habang may isinusulat nya sa kanyang booklet.
If I know may charge ang libro. Over charging sya. Ugh. I want to roll my eyes pero pinigilan ko ang sarili ko. Tumayo ako at inayos ang hand bag ko.
Habang palabas ay nakita ko ang isang picture frame. Isang gwapong binata na nakangiti ang nasa litrato. Kinuha ko iyon at tiningnan.
"Is he your son?" tanong ko.
Kinuha ng therapist mula sa akin ang picture frame. "Yes he is. Mabait na bata ito. Hindi pa nagkaka-girlfriend."
Ngumiti ako sa therepist ko saka lumabas ng pinto. "Thank you for your patience."
"Your welcome, Miss Istaneo." tipid na sagot nya.
Habang naglalakad ako sa hallway ay biglang nagring ang cellphone ng therapist ko. "Yes, Nathan? Okay. You need to calm down first."
Naririnig ko sa background ang bayolenteng mga sigaw at mga tunong. Napangiti ako.
"What happened?" tanong ng therapist ko sa kanyang anak.
"My heart is broken because of this girl. She's beautiful, sweet and smart. She's broken. She said wala na daw halaga ang mga ginagawa nya. That there is no one ready to accept her flaws. I accepted her and then she broke my fucking heart, Dad!" rinig na rinig mula sa cellphone ang boses ni Nathan.
Alam kong nakatingin pa rin sa akin ang therapist ko kaya nilingon ko sya.
"Oh I forgot. I have something to tell." I said in a sweet voice.
"Your son sucks in bed." I smiled sweetly at my therapist.
Pumasok agad ako sa elevator. Bago magsara ang pinto nito ay narinig kong sinigaw nya ang pangalan ko.
I shook my head. May narinig akong tumikhim sa may gilid ko.
"Is he crazy?" tanong nya patungkol sa therapist ko na isinigaw ang pangalan ko.
Nilingon ako ang lalakeng nagsalita. He looks okay. Kinda hot actually.
"Yeah. He badly needs a therapist." I seductively smiled at him.
"Gerald." pagpapakilala nya. Saka naglahad ng kamay.
"I'm Katherine." tinanggap ko ang kamay nya. Pinisil nya ng bahagya ang kamay ko bago binitawan.
"Are you free? I mean, lunch time na. Can I take you out for lunch?" kinakabahan nyang tanong. Napangiti ako sa tono ng boses nya.
"Of course. We can have lunch." sagot ko sa kanya.
Sabay na kaming umalis ng building para mag-lunch. Another random guy again. I hope this one is not boring.