9

94 4 2
                                    

Pagkatapos ng event ay agad akong dumiretso sa mansyon ng aking Ninang Isabelle. Pagkatapos ko magbihis sa sarili kong kwarto ay nagtungo ako sa pool side dala ang two piece ko.

Inilabas ko ang phone ko at binuksan ang music player. Nagpatutog ako ng isang RNB song. I plan to take a dip. I need to relax. Nakakastress si Sebastian kanina.

Umupo ako malapit sa pool. Inilublob ko ang dalawang paa ko sa tubig. Nanginig ako sa lamig nito.

"Masyaso maingay ang kantang yan. Nagbabasa ako." malalim ang boses ng nagsalita. Halos mapatalon ako sa pool dahil sa gulat.

"Oh my God, Sorr! Nakakagulat ka! Wag mo ngang gawin yan!" I glared at him. Ngumiti lamang sya at nagpatuloy na sa pagbabasa. Nakaupo lang sya sa likod ko malapit sa may pinto patungo sa loob ng bahay.

"Patayin mo na yung tugtog. Masakit sa tainga." reklamo nya. Kinuha ko pa phone ko at lalong nilakasan ang music.

"You're stiff. Bakit ka ba ganyan? I thought we're friends?" bulong ko. Napatingin naman sya sa akin dahil sa tono ng boses ko.

"Friends tayo. That's why kinakausap kita ngayon para patayin mo na yung music sa phone mo. It's distracting." seryosong sagot nya sa akin.

" I'm always distracting." I smiled at him seductively. Nakipagtitigan sya sa akin bago ibinalik ang pansin sa librong hawak nya.

Nilaro-laro ko ang tubig sa pool. May naiisip akong ideya ngunit hindi ko alam kung uubra ba.

"Why don't you join me? Skinny dipping tayo?" pang-eenganyo ko sa kanya ngunit sa tubig lang ako nakatingin.

"I don't want to. Malamig masyado." sagot nya sa akin. Tiningnan ko si Sorr ngunit nagbabasa pa din sya.

"I can keep you warm." nasa himig ko ang pang-aakit. Naagaw ko ang pansin nya. Pinagtaasan nya lang ako ng kilay at saka itinuon na ulit ang pansin sa kanyang libro.

"Are you scared?" nanunuya kong tanong sa kanya. Isinarado nya ang librong hawak nya at diretsong tumingin sa akin.

"No." matigas na sagot nya. He stood up. Mukhang papasok na sa loob kaya nagsalita ulit ako.

"Then join me then." hamon ko sa kanya. Let's see kung hanggang saan ang tatag mo Mr. de Vega Montero.

Nilingon nya ako. "Okay. I'll change first." pumasok na sya sa loob. Napangiti ako sa desisyon nya. Challenging him will get me to something more.

Tumayo na ako at pumunta sa shower na nasa gilid ng pool. Nang narinig ko na ang mga yabag ni Sorr ay hinubad ko ang blouse na suot ko at sinunod kong hubarin ang shorts ko.

Tumigil ang mga yabag nya. I unclasped my brassaire then I took off my undies slowly. Alam kong nanonood sya sa akin. Mabagal akong lumingon at naabutan ko syang nakatulala.

"Uh, if you don't mind? You can turn around. I will change into my two piece." I sweetly said. Umubo sya ng peke at nag-iwaa ng tingin.

"Okay, I'm sorry." he said. Mabilis syang naglakad patungong pool at lumublob.

I smiled at myself. I'm good at this. Isinuot ko na ang black two piece ko. Itinaas ko din ang buhok ko. Sumunod ako sa kanya sa pool. Nasa gitna sya.

Bumaba ako ng hagdanan ng pool ng dahan-dahan. Nakatingin lang sya sa akin. Nginitian ko sya. Dumampi sa balat ko ang malamig na tubig ng pool. I shivered.

Pumunta ako sa pwesto nya. "This is so cold." pagrereklamo ko.

"Ikaw may gusto nito. Magtiis ka." masungit na sabi nya. Kumunot ang noo ko.

"Ang grumpy mo. Ganyan ata talaga kapag virgin eh." pangungutya ko sa kanya.

"I have my beliefs. Okay lang naman maging virgin ako." walang kagatol-gatol na sagot nya. Lumapit pa ako sa kanya. Nagkakadikit na ang aming mga braso.

"Really? Buti hindi naghahanap yung girlfriend mo ng pamalit sayo? A guy that can give her needs." I teased him more. Kumunot ang noo nya.

"Magkaiba ang wants and needs. Alam nya kung ano ang pinaniniwalaan ko. I know it's old fashion but that is my principle." he answered me. Pretty intense with his beliefs, eh?

Mas lalo pa akong lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang braso na. He have muscle but not that bulky. Sakto lang. I can see that he have 6 packs abs. Inaalagaan nya ang sarili nya. How cute.

"I don't know about your beliefs, Sorr. Siguro naman madaming babaeng nagkakandarap sayo? Wala kang pinatulan kahit isa? A fling? Are you gay?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"May mga babaeng sumubok pero wala akong pinatulan and I'm not gay. Gusto ko kasi na kapag ginawa ko ang bagay na yun ay mahal ko ang taong kasama ko. I don't want my first time to feel like it's a one night stand." he answered me with much pride and hope.

"So hindi mo mahal girlfriend mo? You haven't had sex with her." nalilito kong tanong sa kanya.

Umiwas sya ng tingin sa akin. Uh-oh. I want to laugh at him. "I love her but not enough to make love with her." sagot nya sa akin. His term was make love. Damn this creature.

I put my hand to his shoulder. "Make love, huh?" I sarcastically said then I kissed his lips. Warm, soft lips. I ran my fingers to his damp hair. He is not kissing me back that's why I ended the kiss.

He looked at me like it was my fault. It was a disappointed look. "I am serious with what I said earlier. I want us to be friends and stay as friends."

Nasa boses nya ang pagkadismasya. Hindi ako nakapagsalita dahil pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko. Umiling sya sa akin. Umahon sya ng pool at pumasok na sa loob.

Naiwan akong tulala sa pool. Ngayon ko lang naramdaman na kasalanan ako.. This is the first time that my guilt eats me inside. Damn that guy.

ConquestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon