22

65 2 0
                                    

Umakyat ako ng roof deck ng condo. Cold night air welcomed me. Umupo ako sa may gilid malapit sa swimming pool.

I lit up a cigarette. I need to think. Masyado na akong stressed sa mga nangyayari. Pine-pressure ako masyado ni Sebastian.

Pinapasok ko sa sistema ko ang usok. I closed my eyes. Si Sorr din ay isa sa mga problema ko. Yung nararamdaman ko tungkol sa kanya.

I am fully aware that I have feelings for him. Nasabi ko nga kay Sebastian ang tungkol dito. I am not sure if I'm in love with him. Hindi ko maisip na maaari akong ma-in love sa kanya. This is not part of the plan.

Nakadalawang stick ata ako ng cigarette bago ako bumaba sa floor namin. Naabutan ko si Sebastian na nakangisi. Hindi ko alam kung ano problema nya but he called my name.

"Katherine, I have news for you." nasa tono ni Sebastian ang kasiyahan. I wonder why.

Lumapit ako sa kanya na ngayon ay nakaupo sa sofa. "What?" tamad na tanong ko sa kanya.

"Sorr is gone." walang kagatol gatol na sambit ni Sebastian.

"What the?! Saan sya nagpunta?" nagpapanic na tanong ko. He can't disappear just like that.

"I don't really know sweetie." Sebastian innocently answered me.

"He can't do that. He can't be gone." I whispered to myself.

"I'm sorry sweetie, but he already did." his mocking voice irritates me.

Alam kong walang maitutulong sa akin si Sebastian kaya iniwan ko syang tumatawa mag-isa. Crazy devil. Dumiretso ako sa bahay ni Ninang Isabelle. Umaasang maaabutan ko pa si Sorr doon.

Nagbabasa si Ninang Isabelle nang dumating ako sa mansyon. Nagulat pa nga sya dahil sa akin.

"Iha, what's wrong?" nag-aalalang tanong nya sa akin.

"Nasaan po sya Ninang? Nasaan si Sorr?" hinihingal ako dahil sa pagtakbo ko.

"Umalis na sya dito, dear. Dumating kasi ang kaibigan ng tatay nya kaya doon na daw sya mananatili." pagpapaliwanag ni Ninang Isabelle.

"Alam nyo po ba kung saan? Pwede nyo ba sabihin sa akin anh address?" puno ng pag-asa ang boses ko. Please. Sana alam nya kung nasaan si Sorr.

"Of course, dear. I'll give you the address." nakangiting sagot ni Ninang Isabelle sa akin. Nakahinga ako ng maluwag. Halos hindi ako makahinga kanina.

Isinulat nya sa isang kapirasong papel ang address kung nasaan man si Sorr. Iniabot nya sa akin yun at niyakap ako.

"Go find your love, dear." bulong sa akin ni Ninang Isabelle.

Tiningnan ko ang mga mata nya. I smiled at her. "Thanks, Ninang. I owe you this."

Agad akong nagtungo sa address na ibinigay sa akin. Nasa harapan ko ang isang malaking bahay. Modern ang style nito at may pinturang kulay asul.

Huminga ako ng malalim bago ako lumabas ng aking kotse. Now or never, Katherine. It's now or never.

ConquestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon