26

85 2 0
                                    

Halos dalawang araw akong hindi lumabas ng aking kwarto. Umiyak lang ako at nagmukmok kagaya ng ginagawa ng isang wasak na tao.

Napag-isipan ko na ayusin ang sarili ko. Nagbabad ako sa tubig ng halos isang oras. Hinihiling na sana maibsan ng tubig ang pighating nararamdaman ko sa aking puso.

Tahimik ang paligid nang lumabas ako ng kwarto. Wala rin ata si Sebastian dahil hindi ko sya nakikita sa paligid.

Kumuha ako ng wine sa cabinet at dalawang wine glass. Balak kong isorpresa si Sebastian at ibalita sa kanya ang pagkawasak ng puso ko.

Naupo ako sa gilid ng kanyang kwarto kung saan medyo madilim. I sipped some wine while waiting for that jerk. Ilang minuto ang nakalipas ay narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto.

Nakasuot si Sebastian ng isang dark blue na long sleeves. Itinupi nya ang sleeves hanggang siko. Kinalas nya din ang dalawang butones.

Napalingon sya sa akin ng dalawang beses. "Jesus, Katherine! What are you doing? Ginugulat mo ba ako?" he yelled at me.

"Surprise." I said in a low voice.

Iniabot ko sa kanya ang wine glass at sinalinan iyon ng alak. Umupo si Sebastian sa isang big chair na nasa harapan ko.

"Let's have a toast for my broken fucking heart. You're right. I can't change in just one night. I just lost the love of my life. Cheers!" mapakla akong ngumiti kay Sebastian na ngayon ay nakatingin lamang sa akin.

Naramdaman kong tumulo ang luha mula sa aking kanang mata. Sumilay ang ngisi ni Sebastian sa kanyang labi.

"I pity you." he said in disgust. "You lost him over your reputation. Unang pagkakataon mong nagmahal pero ipinagpalit mo pa din sa madumi mong reputasyon. Can't you see, Katherine? You're just a piece in this game. You lose and I win. Game over."

Ininom nya ang kanyang wine. Pumikit sya bago nilunok ang likido. "Tastes good." he sarcastically said.

Nanginig ang sistema ko sa lahat ng kanyang sinabi. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi upang maibsan ang kirot.

Pumikit ako at pinakalma ang aking sarili. I inhaled some air. How could I be so stupid? Bakit ko ba nagawa ang desisyon na yun? Bakit ba ako nagpadala sa sulsol ng demonyong nasa harapan ko.

Iminulat ko ang aking mga mata. Nakatitig sa akin si Sebastian. "Fuck you." I uttered.

Dumilim ang kanyang mukha. Tumayo na ako upang lumabas ng kanyang kwarto. Agad kong hinanap ang phone sa aking bulsa upang tawagan si Sorr. Nakapatay ang telepono nito. I have to talk to him.

Fuck it. I have no choice. Pumasok ako sa loob ng aking kwarto at kinuha ang journal ko. Lahat ng nangyari, lahat ng tungkol sa akin, lahat ng mga naramdaman ko ay nandito sa notebook na ito.

Nagmamadali akong bumaba ng building at pumara agad ng taxi. Nagtungo ako sa bahay kung saan tumutuloy si Sorr.

Agad akong nagdoorbell ng dalawang beses. Ilang minuto ang lumipas ay lumabas ang isang lalake.

"Yes? What can I do for you?" tanong nya sa akin. Matigas ang kanyang ingles.

"Nandyan ba si Sorr? Can you please tell him that Katherine is here. I really need to talk to him." I almost beg him.

"Wala sya dito eh. Ano bang kailangan mo?" nalilitong tanong nya. Huminga ako ng malalim at iniabot sa kanya ang journal ko.

"Pwede bang ibigay mo ito sa kanya? Please." pagmamakaawa ko sa kanya. Tumango naman sya at kinuha mula sa akin ang journal ko.

Tinalikuran ko sya at lumakad palayo. Malamig ang paligid. Should I wait for him? Fuck. Kailangan ko sya intayin para makausap sya ng maayos.

ConquestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon