6

116 5 4
                                    

Sebastian and I were having lunch when my phone rang. Tumayo agad ako para sagutin ang tawag ni Christina.

"Ayaw nya pang sabihin sa akin noong una kung sino pero napilit ko sya." bungad nya sa akin. Napahigpit ang hawak ko sa phone ko.

"Who is it?" mariin kong tanong.

"Mrs. Mendez. Siya ang nanira sayo." siguradong sagot ni Christina.

I laughed frantically at that. What the hell? Siya pala ang nanira sa akin. Bakit pa ako magugulat? The old lady hates me.

"Thank you, Christina." I ended the call. Bumalik ako sa mesa na nakakunot ang noo ni Sebastian.

"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko." natatawa kong sabi. Inintay ni Sebastian ang sasabihin ko habang nginunguya nya ang pagkaing nasa bibig nya.

"Si Mrs. Mendez ang nagsabi kay Sorr na layuan ako. What a coincidence." tumunghay si Sebastian at nagpunas ng bibig.

"That old lady have her ways too. Ano bang nagawa mo sa matandang iyon?" pagtataka ni Sebastian. Ako rin, hindi ko rin alam kung bakit nga ba ayaw sa akin ng matandang iyon.

"Maybe because.." I trailed off. Wala talaga ako maisip na dahilan.

"Siguro ayaw nya sa mga babaeng katulad mo." he laughed at me. I frowned while sipping my wine.

He smiled like a devil. "You know, hindi mo makukuha si Sorr. I think he is gay."

Muntik na ako masamid sa sinabi ni Sebastian. "I will win no matter what. Kahit bakla pa sya. Ngayon pa na nalaman kong si Mrs. Mendez ang nanira sa akin with her stinky mouth." pakiramdam ko ay namumula na ako dahil sa inis.

"Okay. If that's what you say. What if hindi ka manalo?"

Saglit akong nag-isip. Kung hindi ako manalo. Ano kaya ang pwedeng makuha ng demonyong kaharap ko.

"Fine. You can have my car." I rolled my eyes at him. Alam kong gusto nya yung kotse ko. Pangdagdag sa collection nya.

Sebastian's smile was huge. Tumingkad ang pakagwapo nya. Nakakasilaw. Ang malalalim nyang mga mata ay tumingkad. Nawala rin ang pagkatense ng panga nya.

"Now we're talking." preskong sagot nya sa akin.

Nang natapos na kami kumain ay sinabi nyang pupunta kami ngayon sa isang flute lesson ni Aldrey.

Sumakay kami sa kotse nya. Two seater lang ito. Lalong umikli ang skirt na suot ko dahil sa baba ng upuan.

Nang makarating na kami sa bahay ng mga Mendez ay pinapasok agad kami ng maid. Itinuro kung saang kwarto namamalagi si Aldrey.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ngunit hinigit ni Sebastian ang bewang ko papalapit sa kanya. Nararamdaman ko ngayon ang hininga nya sa may leeg ko. Naamoy ko din ang pamilyar na pabango nya. Tiningnan ko ang mukha nya pero nakatingin sya sa pinto.

Bumaling sya sa akin. Ngumiti sya ng nakakaakit. Good Lord. Not now. He looks so hot na gusto ko na syang dambahin. Inilagay nya ang index finger nya sa may labi nya at nag hush sign.

Mabagal at tahimik nyang binuksan ang pintuan. Binitawan nya ang pagkakahawak sa bewang ko at pumasok sya sa loob ng silid. Sumunod ako sa kanya ng tahimik.

Naabutan namin si Aldrey at ang kanyang personal teacher na nagtititigan. Pumunta sa likod ang babaeng guro para hawakan ang mga daliri ni Aldrey sa flute. May ibinubulong ang guro ngunit hindi namin madinig.

Tiningnan ako ni Sebastian at ngumiti ng nakakaloko. Pinanlakihan ko lang sya ng mata. May vase sa gilid ni Sebastian at agad nya itong ibinagsak.

"Katherine! Be careful!" singhal sa akin ni Sebastian. Nagulantang ang dalawang nag-aaral kuno ng instrumento sa nangyari. Naglayo agad ang dalawa.

"I'm sorry. Napaka-clumsy ko." OA ang pagkakasabi ko. I rolled my eyes.

"Naistorbo ba namin kayo? Dumaan lang ako para sabihin na may event bukas. You should come, Aldrey. Sasabihan ko din si Mrs. Mendez." banayad na sambit ni Sebastian.

"O-okay. Thank you, Sebastian. By the way this is Ms. Sasha Angeles. My music teacher." Aldrey stuttered. Napangisi ako. He looked and sounded so nervous.

Lumapit si Sebastian sa babaeng guro. Petite sya at hindi gaanong maputi. Nakajeans lang din ang babae at blouse na kulay blue. Nasa mid 20s siguro sya.

Naglahad ng kamay si Sasha at tinanggap ito ni Sebastian ngunit imbes na makiapag-shake hands ay hinalikan ni Sebastian ang kamay ng dalaga.

"Pleasure to meet you. I'm Sebastian Valdemor." mapang-akit na boses ang umalingawngaw. Si Aldrey ay nakamasid lamang habang si Sasha naman ay namula ang mukha. I want to laugh at the girl.

"And that's my step sister, Katherine Istaneo." lumingon sa akin si Sasha. I waved at her at ngumiti naman sya sa akin.

"We'll go now. I'm sorry again for my sister's clumsiness." Sebastian said. Apologetic voice got Aldrey and the teacher.

Lumabas kami ni Sebastian. "Gusto nya yung music teacher. How cute." todo ngisi pa rin ang demonyo dahil sa natuklasan.

"Ano na gagawin mo ngayon?" tanong ko habang inilalagay ni Sebastian ang aking kamay sa kanyang braso.

"We will make their love story more interesting." makahulugang pahayag ni Sebastian.

ConquestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon