15

77 2 0
                                    

Nakaupo ako sa may veranda habang umiinom ng kape. Nilalanghap ang sariwang hanging humahampas sa aking mukha.

Suot ko ngayon ang red dress kong may malalim na neckline at tinernuhan ko ng black pumps. Kinuha ko ang newspaper sa table at nagsimulang magbasa.

Naramdamang kong may nakaupo na sa tapat kong upuan. Sinulyapan ko si Sorr na nakatingin sa akin.

"Good morning." manly talaga ang boses nya kahit sa umaga. I smiled at him.

"Good morning, Mr. de Vega Montero." bati ko sa kanya pabalik. He shook his head while smiling. Tinitigan nya ang hawak kong newspaper.

"I never thought you're the kind of girl who's reading a newspaper." gulat at may halong panghuhusga sa boses nya. Pinagtaasan ko sya ng kilay.

"Yes, I do read newspaper. Ano bang klaseng babae ang tingin mo sa akin?" nanghahamong tanong ko sa kanya.

Tinitigan nya muna ako ng matagal bago ngumiti ng nakakaakit. Isang normal na ngiti ngunit para sa akin nakakaakit iyon.

"Tingin ko kase sayo ayaw mo ng mga balita tungkol sa ibang tao o sa kahit anong bagay. I didn't expect this one. Palagay ko ay mas gusto mong tumutok sa phone mo kesa magbasa ng newspaper. You surprised me. Impressive." he said. He sippped some coffee then smiled at me again.

Halos mapapikit ako dahil sa aliwalas ng mukha nya. He looks really good when he's smiling. Gusto kong magpasalamat sa dumating mga panauhin dahil naputol ang paninitig ko kay Sorr.

Binigyan ako ng plastik na ngiti ni Mrs. Mendez na kasama si Aldrey. Gusto ko syang irapan ngunit nakatitig pa din sa akin si Sorr kahit na binati sya ni Mrs. Mendez. Tipid akong ngumiti sa matanda. Marahil nandito siya para kay Ninang Isabelle.

Ipinakilala nya si Aldrey kay Sorr. Hindi naman makatingin sa akin ang binata. When our eyes met, I licked my lips while intently looking at him. He immediately excused his self. Napangiti ako sa aking sarili.

"Anong problema ng batang iyon?" nagtatakang tanong ni Sorr habang tinatanaw si Aldrey na nagmamadaling umakyat ng hagdanan.

"I have no idea" inosenteng sagot ko kay Sorr.

Si Ninang Isabelle naman ay nagmamadaling humaba ng hagdanan. May pagaalala sa mukha nya. Kumunot ang noo ko.

"What's the matter Tita?" agad na tanong ni Sorr. Tumayo pa sya at inalalayan si Ninang Isabelle.

"May pupuntahan akong isang care home mamaya but I forgot na may appointment pala ako ngayon." agad sinulyapan ni Ninang Isabelle si Mrs. Mendez na nagmamasid sa paligid. I rolled my eyes. Panira talaga si Mrs. Mendez.

"Walang pupunta mamaya sa care home. I promised them na pupunta ako. Namomoroblema tuloy ako ngayon." pagpapatuloy ni Ninang Isabelle.

"Kami na lang po pupunta ni Katherine sa care home mamaya. Kami na lang po ang representatives nyo, Tita." sinulyapan ako ni Sorr at inalo ulit si Ninang Isabelle na ngayon ay umaliwalas na ang mukha.

"W-what?" gulat na tanong ko. Care home? Stinky elders. Makukulit na mga matatandang tao ang mayroon sa lugar na yun. I shivered in terror.

"Katherine, my dear." nilapitan ako ni Ninang Isabelle at hinawakan ang dalawa kong kamay. "You'll do this for me right, honey?" she asked me expectantly.

Ngumiti ako ng pilit. "Of course, Ninang. I'm even excited to go there." I faked my laugh.

"You're my good girl, Iha. I love you. Such an angel." hinalikan ni Ninang Isabelle ang magkabilang pisngi ko saka binalingan si Mrs. Mendez at inaya paalis sa may veranda.

Huminga ako ng malalim at tiningnan si Sorr na nakatingin na din sa akin. Binigyan nya ako ng isang matamis na ngiti.

"You will enjoy this experience." he said. Nialaro nya ang pang-ibabang labi nya habang nakatitig sa akin.

Kumalabog ang dibdib ko sa tanawing ito. Nag-iwas ako ng tingin para pakalmahin ang sarili.

"Yeah, right. Better be." bulong ko sa aking sarili.

ConquestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon